Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 401 - Mas Mahusay ng Kaunti kaysa sa Ikatlo sa Mundo

Chapter 401 - Mas Mahusay ng Kaunti kaysa sa Ikatlo sa Mundo

Ang kanyang katawan ay nanginginig ng hindi niya sinasadya…

Ang kakaibang reaksiyon na ito ay nagdulot ng mga nag-uusisang tingin mula sa grupo ni Munan. Masaya din sila pero bakit mas iba ang kasabikan nito kaysa sa kanila?

"Yes! Good! Perfect, mahusay, napakahusay na gawa!" Tuwang-tuwa na sigaw ni Gu Li, na ikinatakot ng lahat ng naroroon. Halos napalundag si Sun Yu mula sa kanyang kinauupuan, at sa pagkakataong iyon, ang puso niya ay nilamon ng alinlangan.

Noong sumunod na segundo, itinigil na ni Xinghe ang kanyang mga kamay at inanunsiyo na tila isang reyna, "KO!"

Natigilan ang madla. Si Sun Yu ang unang bumaling kay Xinghe na nanlalaki ang mga mata, nakita niya na talagang napasok na ni Xinghe ang system. Ang mga mata niya ay nanlalaki. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita!

"Imposible ito…" singhap ni Sun Yu na tila siya pisikal na nasuntok. Paano ito naging posible? Mabilis na ako, kaya paano pa siya naging mas mabilis sa akin? Isa pa, alam ko na ang sagot una pa lamang! Hindi ito maaaring mangyari!

"Madaya! Nandaraya kayo!" Napahiyaw na si Sun Yu. "HIndi siya maaaring mas mabilis pa sa akin, lugar ninyo ito kaya siguro may ginawa kayo sa likuran namin. Hindi maaaring mapasok ng ganoon kadali ang system, hindi ako maniniwala!"

"F*ck!" Galit na angil ni Yan Lu, "Natalo ka kaya sinasabi mo na nandaya kami? Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ay hindi ka talaga kayang matalo?"

"Natalo ka ni Miss Xia ng patas. Natalo ka na, kaya tanggapin mo ang pagkatalo mo!" Masungit na dagdag din ni Gu Li.

Umismid sa galit si Sun Yu. "Siyempre, sasabihin ni nyo iyan pero alam kong nandaya siya, hindi niya mahahack ang system ng mas mabilis pa kaysa sa akin!"

Pinandilatan ni Sun Yu si Munan habang tumatayo ito. "Inuutos ko na mag-imbistiga kayo ng hayagan, maaaring may kahina-hinalang nangyayari dito. Huwag ninyong subukang nakawin sa akin ang tagumpay, walang makakatapos ng misyon ng ganito kabilis!"

Ang oras ay talaga namang napakaikli, ang system ay na-hack ng ilang minuto lamang. Siyempre, hindi pinansin ni Munan ang reklamo nito. Binalingan niya si Munan ng may mayabang na ngisi at nagtanong, "Major Feng, ano sa tingin mo? Pinagdududahan mo din ba kami ng pandaraya?"

Nagdududa din si Saohuang na may naganap na kakaiba dahil alam niya ang kakayahan ni Sun Yu, hindi nga dapat na mas mabilis sa kanya si XInghe. Gayunpaman, sa ibang kadahilanan, pakiramdam niya ay umasa lamang sa sariling abilidad si Xinghe para talunin si Sun Yu.

"Hindi ko… hindi ko matukoy ng sigurado pero dahil nagdududa ng lubusan ang tauhan ko, siguro nga ay may kaduda-dudang pangyayari?"

"Major, sigurado ako! Kahit na sino pa ito, hindi sila makakapasok sa security sa ganito kaiksing panahon! Itinataya ko ang buhay ko na isa itong kumpetisyong hindi patas!"

"Sa tingin ko ay ikaw ang hindi patas." Ang kalmadong boses ni Xinghe ay pumailanlang. Ang lahat ay bumaling sa kanya ng may pagkagulat.

Pinag-aralan ni Xinghe ang computer ni Sun Yu at sinabi ng may ngiti, "Halos mapapasok mo na din ang system. Ilang minuto ka lamang na nahuli sa akin."

Nagulat si Sun Yu, pakiramdam niya ay may nakita si Xinghe. Matalim ang ipinukol na tingin sa kanya ni Xinghe at mabagal na sinabi, "Ang sabi mo, kahit na sino pa ito, hindi nila maha-hack ang security ng ganoong kabilis na oras, pero halos magawa mo na din ito. Bakit ikaw lamang ang pwedeng makagawa noon?"

"Dahil ang kakayahan ko ay ang ikatlo sa mundo! Kaya naman, maaaring mabilis ako pero ikaw ay hindi! Huwag mong sabihin sa akin na ikaw ang una sa mundo!" Galit na sagot ni Sun Yu, ang lahat ng kagandahang-asal ay nawala na. Gusto lamang niyang patunayan ang kanyang sarili, ang patunayan na mas mahusay siya sa isang babae!

Sumagot ng may pang-uuyam si Xinghe, "Well, hindi ako mayabang para angkinin na ako ang pinakamahusay pero…

"Alam ko na mas mahusay ako kaysa sa ikatlong pinakamahusay sa mundo."

Related Books

Popular novel hashtag