Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 386 - Nandito Para Magbigay ng Utos

Chapter 386 - Nandito Para Magbigay ng Utos

Tumayo si Shu Mei at nagpatuloy sa isang tono na hindi magiliw, "Una, ang grupo ko ay palaging may malaking workload. Hindi mo lamang dinagdagan ang numero ng aking miyembro bagkus ay binawasan pa ang aming miyembro. Ngayon gusto mong i-abante ang deadline namin, paano mo inaasahan na magagawa namin iyan?"

Tumango bilang pagsang-ayon ang tatlong iba pang tao.

"Tama iyon, kakaunti na ang tao namin pero gusto mong makagawa kami ng mas mabilis na resulta. Sino kaya ang posibleng makakagawa noon?"

"Miss Xia, sa tingin din namin na ang utos na ito ay wala sa katwiran, kung pupwede sana ay ayusin ninyo ito?"

Dahil lahat sila ay mga disiplinadong lalaki at babae ng militar, hindi sila nangahas na tanggihan ng hayagan at buong sungit ang utos ni Xinghe.

Mahinang sinabi ni Xinghe, "Sa tingin ko ay ang kahilingang ito ay may katwiran. Sinuri ko ang kakayahan ng bawa't isa at lubos akong naniniwala na ang gawaing ito ay matatapos bago bukas ng gabi.:

"Sinuri mo kami? Dalawang araw ka pa lamang na nandito; paano mo posibleng malalaman kung ano ang kaya naming gawin at sa ganoon kaaga?" Nagsisimula nang mapatid si Shu Mei. "Miss Xia, hindi namin tinatanggap ang pagsasaayos na ito. Sa tingin ko ay mas maigi pa ang orihinal na ayos."

"Ang dating grupo ay hindi naman masama, pero nasa kritikal na panahon tayo. Kailangang magpursigi tayo kung hindi ay wala ng magiging pag-unlad pa."

"Pero nagpupursigi naman kami! Wala na nga kaming holiday at araw-araw ay nagtatrabaho kami ng overtime!" Sagot ni Shu Mei. Hindi siya tagahanga ni Xinghe mula noong unang araw at ngayon ay lalo lamang niya itong kinamumuhian. Dahil sa pamumuno ni Shu Mei, nagsimulang sumang-ayon ang iba pa.

Kahit ang lahat ay iniisip na hindi makatarungan ang pagsasaayos ni Xinghe. Hindi lamang dumami ang trabaho nina Shu Mei, maski sa lahat ay dumami din. Ang mga task group na nangangailangan ng espesyal na kakayahan ang dumami ang miyembro.

Isa pa, pinagdududahan na nila ang kakayahan ni Xinghe sa simula pa lamang at hindi na sila nasisiyahan sa biglang pagsulpot nito. Noong oras na iyon, biglang bumuhos ang kanilang mga reklamo.

Hindi man lamang natinag si Xinghe habang hinaharap ang pag-ayaw sa kanya ng mga nasa silid, habang tuwang-tuwa naman si Shu Mei.

Nagbigay ito ng ngiti at magiliw na pinayuhan si Xinghe, "Miss Xia, bago ka pa lamang dito kaya hindi mo naiintindihan ang trabaho namin. Kung ang gawain ay madaling matatapos, hindi na kami matutulog at kakain para magmadali itong tapusin, pero ang bagay na ito, ang misyong ito ay imposible."

"Hindi ka na ba kumakain at natutulog?" Biglang tanong ni Xinghe.

Natigilan si Shu Mei…

Sinulyapan ni Xinghe ang lahat ng nandoon. "Kayo ba ay hindi na din kumakain at natutulog para magawa ng mabuti ang mga trabaho ninyo? Kung hindi naman, huwag ninyo sabihin sa akin na ang pinagagawa sa inyo ay imposible! Isa pa, ang pagsasaayos ko ay hindi naman pupwersahin kayo sa ganoong kalagayan. Inayos ko ang lahat ng grupo ng may sari-sariling misyon at kailangan ko silang matapos ito sa oras. Kung may iba pa kayong reklamo, hanapin ninyo ang inyong lider o sa Major. Nandito lamang ako para gawin ang trabaho ko at para makialam sa sarili kong gawain!"

Matapos noon, tumalikod na si Xinghe para umalis. Hindi na niya gusto pang mag-aksaya ng panahon na ipaliwanag ang kanyang sarili, dahil alam niyang wala ding mangyayari. Walang maniniwala sa kanya hanggang hindi niya napatunayan ang kanyang sarili. Kaya naman, nagdesisyon siyang gawin ang mga bagay sa mahirap at mabilis na paraan.

Matapos na ibigay ni Xinghe ang mga gagawin, iniwanan na niya ang iba pa kay Gu Li. Pinili ni Gu Li na makipagtulungan sa kanya at ginamit nito ang kapangyarihan para mapatigil ang lahat ng mga nagrereklamo.

"Sister Mei, sa tingin ng babaeng iyon ay talagang iba siya," reklamo ng sipsip na alipores na patuloy na sumusunod kay Shu Mei.

Nanghahamak na tumawa si Shu Mei. "Pero siyempre, may kakaiba siyang katauhan."

Sinadya niyang lakasan ang boses kaya halos lahat ay narinig siya.

"Kakaibang katauhan? Kilala mo ba kung sino siya?" May agad na nagtanong.

Isang iritadong Shu Mei ang may pakahulugan na sinabi, "Siyempre kilala ko. Dahil may mahabang kasaysayan siya sa Xi family…"

Related Books

Popular novel hashtag