Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 381 - Masyadong Kahanga-Hanga

Chapter 381 - Masyadong Kahanga-Hanga

Ang lahat ay nabigla nang marinig nila ang balita. Agad na napuno ng tao ang opisina.

"Totoo ba ito o hindi? Gu Li, bilis, tingnan mo kung totoo nga ito o hindi!" Pagmamadali ni Yan Lu sa kanya, kahit na sinusuri na ni Gu Li ang ginawang software ni Xinghe…

"Totoo ito." Nakahinga siya ng maluwag sa sobrang hindi pagkapaniwala. "At perpekto ang pagkakagawa dito, wala man lang pagkakamali!"

"Kung gayon, ano naman ang katotohanan na natapos niya ito ng tatlong oras?" Tanong muli ni Yan Lu.

Sumagot si Gu Li, "Kakailanganin ko ng anim na oras para magawa ito ng katulad nito."

"Diyos ko, sobra naman ito…" Nagitla si Yan Lu, nagbago ang paraan ng pagtingin niya kay Xinghe. Gayun din ang lahat ng naroroon.

Nang-aasar na sinabi ni Munan, "Well, mayroon pa ba dito na naniniwala na kulang ang talento ni Miss Xia?"

Si Gu Li ang unang sumagot, "Miss Xia, kasalanan ko na hindi ko agad nakita ang talentadong tao na tulad mo. Lubos akong humihingi ng tawad sa nauna kong sinabi kung nasaktan ko ang damdamin mo."

"Ayos lang, wala naman sa akin iyon."

"Miss Xia, napahanga mo kaming lahat. Huwag kang mag-alala, mula ngayon, ako, si Yan Lu, ang magiging pananggalang mo hanggang nandito ka sa army, walang mangangahas na i-bully ka dito!" Masayang sambit ni Yan Lu, sobra ang kanyang saya na nakakita si Munan ng isang kahanga-hangang eksperto sa computer para sa kanila. "Ngayon, hindi na ako makapaghintay na makita ang mga mukha nila kapag natalo nila natin sila sa susunod!"

Iniisip na agad ni Yan Lu ang tagumpay na makukuha nila laban kay Saohuang.

Tumawa si Munan. "Huwag kang masyadong umaasa kaagad at isipin na ang lahat ay nakaasa sa teknolohiya. Kailangan nating magsanay ng mas matindi at ibigay ang pinakamahusay natin at doon lamang tayo makakasigurado na makakamit natin ang tagumpay!"

"Yes, sir!" Lahat ay mataimtim na sumaludo. Ang ere sa loob ng silid ay naging seryoso. Gayunpaman, nagtagal lamang ito ng segundo bago pinalibutan ng grupo ng mga adjutant si Yan Lu na sinisingil ng pera.

"Natalo ka ulit, oras na para magbayad."

"Dali, ibigay mo na sa amin ang pera, ang mga kapatid natin ay magpupunta sa bar para magsaya ngayong gabi."

"Nakakita na tayo ng kahanga-hangang eksperto sa computer, kaya dapat ay nagsasaya tayo at hindi dapat iniisip ang mga maliliit na detalye na parang pustahan ng mga bata. Hindi ba't kalabisan naman na maningil ng pera para sa isang swerte at magandang pangyayari tulad nito?" Pilit na sinisiksik ni Yan Lu ang kanyang wallet sa kanyang katawan ngunit ang grupo ng mga lalaki, siyempre, ay hindi siya agad na papakawalan.

"Buddy, halika na, ilabas mo na ito o kami ang kukuha.:

"Tama iyon, at ang pera ay hindi naman ganoon kalakihan. Kailangan mo pa bang umakto ng tulad nito?"

"Sige, magbabayad ako pero kailangang isama ninyo ako kapag nag-inuman na kayo," kinuha ni Yan Lu ang pagkakataon para makipagtawaran.

"No way!" Sabay-sabay na tinanggihan siya ng mga adjutant.

"..." Ang grupo ng mga kapatid na ito ay mas masahol pa sa mga hyena!

Tawa ng tawa si Munan habang pinanonood ang mga pangyayari. Pagkatapos ay bumaling siya kay XInghe. "Big Sister Xia, mula ngayon, ay opisyal ka nang magtratrabaho para sa aking lupon. Pero huwag kang mag-alala, ibibigay namin sa iyo ang pinakamainam na pagtrato dahil napatunayan mo na karapat-dapat ka sa ganoong pagtrato."

"Sige, magsimula na tayong magtrabaho ngayon."

"Pwede bang bukas? Gabi nang masyado, iminumungkahi ko na magpahinga ka na sa ngayon."

"Ayos lamang ako, gusto kong maging pamilyar sa paligid."

"Sige. Gu Li, ilibot mo si Miss Xia sa compound," utos ni Munan. Malugod na tinanggap ni Gu Li ang utos.

"Miss Xia, naaalala kong tinawag ka ni Boss ng Big Sister Xia, ano ang relasyon mo sa kanya?" Nag-uusisang tanong ni Gu Li.

"Technically, walang relasyong namamagitan sa amin," matapat na sagot ni Xinghe, "Mapilit lamang siya na tawagin ako niyon kahit na itinama ko na siya ng maraming beses."