Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 380 - 10 RMB na Pabor kay Xinghe

Chapter 380 - 10 RMB na Pabor kay Xinghe

"So, ang itinakdang oras ay takipsilim?" Tanong ni Xinghe.

Pinag-isipan din ito ni Gu Li at naintindihan na maaaring masyadong mahigpit kaya nagdesisyon siya na magbigay palugit pa. "Hanggang bago magbukang-liwayway bukas, maituturing na panalo mo ito."

"Sige, walang problema." Bahagyang tumango si Xinghe.

"Kung ganoon ay iiwanan na kita, hanapin mo na lamang ako kapag tapos ka na," sabi ni Gu Li. Tumango si Xinghe at naglabasan na ang mga lalaki. Kailangan nilang makahabol sa lupon ni Saohuang at nag-aksaya na sila ng oras kay Xinghe, kaya kailangan nilang magmadali pabalik na magtrabaho. Gayunpaman, kung kailan sila lumabas ng opisina, nagsimulang magkumpulan sa labasan.

"Hey, sa tingin nyo ba matatapos ng babae ang gawain bukas o hindi?" Tanong ni Yan Lu sa malakas niyang boses.

Nag-alinlangan si Gu Li. "Hindi ako sigurado pero hindi maitatanggi na may talento siya."

"Halikayo, halikayo, halikayo, patuloy ang pustahan, sa pagkakataong ito ay para makita natin kung malalampasan niya ang pagsubok na ito o hindi. Parehong patakaran, 10 RMB na taya, cash lang, walang utang."

Pinagalitan siya ng isang adjutant agad-agad, "May apog ka pa na sabihin iyan? Natalo ka sa pustahan kanina, kaya nasaan ang pera?"

Walang hiya na pinandilatan siya ni Yan Lu. "Paano ako natalo? Ang pustahan ay kung makakapasa siya sa pagsubok o hindi, hindi pa naman tapos ang pagsubok!"

"Ang pusta mo ay kung makakapasa siya sa unang pagsubok o hindi at nakapasa nga siya. Ilabas mo na ang pera."

Pinagtulungan ng ilang adjutant si Yan Lu. Kahit na pinagdududahan nila ang kakayahan ni Xinghe, pero tumaya sila sa kanya bilang paggalang kay Munan. Hindi nila inaasahan na manalo.

Sa halos lahat ng oras, natatalo sila kung pumupusta sila laban kay Yan Lu kaya naman ang makakuha ng panalo sa pustahang ito ay masarap sa pakiramdam! Si Yan Lu na kailangang ibigay ang pera ay napakasama ng pakiramdam. Kahit na maliit lamang ang kanyang talo, ang katotohanan na natalo siya ang nagpainis sa kanya!

"Hindi na bale, makukuha ko din naman ulit ang pera na ito! Halkayo, bukas pa ang pustahan. Pupusta pa rin ako laban sa kanya sa pagkakataong ito!" Buong tiwalang sambit ni Yan Lu.

Ang ilan sa mga adjutant ay nagkatinginan sa isa't isa at tumayo sa harap nito ng may pagkakaintindihan. "Kung ganoon, pupusta ulit kami na pabor sa kanya."

"Kung ganoon, maghanda na kayong matalo!" Masayang tumawa si Yan Lu, iniisip na ang grupo ng taong ito ay masyadong simple. Paano magiging posible para kay Xinghe na makapasa sa isang napakahirap na pagsubok?

Tumingin si Yan Lu kay Gu Li na hindi pa pumupusta. "Brother, huwag mong sabihin na hindi kita inaalala. Pumusta ka na kasama ko at matapos nating manalo, mag-iinuman tayo."

Tumingin sa kanya si Gu Li at nag-alinlangan. "Sa tingin ko ay pupusta ako na mananalo siya. Magpakasaya ka na sa alak kung ikaw ang nanalo."

"Eh, ikaw din? Naiintindihan ko ang mga taong ito dahil hindi nila naiintindihan ang mga computer pero ikaw ay dapat na nakakaalam kung gaano kaimposible ang gawaing ito."

Ngumiti si Gu Li. "Siyempre alam ko kung gaano ito kahirap, pero may tiwala ako kay Miss Xia. Tawagin mo na lamang itong vote of confidence."

"Well, mukhang may grupo tayo ng mga santo sa ating mga kamay. Sige, ako na lamang mag-isa kapag nanalo ako, kaya huwag ninyong isipin na iimbitahan ko ang kahit sino sa inyo!" Nagyayabang na sambit ni Yan Lu. Pero hindi niya nahuhulaan na siya lamang ang nag-iisang maiiwanan…

Nanatili si Munan sa silid na nawalan ng tao.

Nag-aalalang nagtanong siya kay Xinghe. "Big Sister Xia, kaya mo ba itong tapusin bago sa itinakdang oras? Masyado bang mahirap?"

Buong atensiyon na binabasa ni Xinghe ang mga dokumento. "Siguro ay ayos lang."

Nakahinga ng maluwag si Munan sa narinig na sagot niya. "Kung ganoon, mabuti. Uutusan ko ang ilang tauhan na pumosisyon sa labas ng opisina. Sabihan mo sila kung may kailangan ka na kahit ano. Babalik ako mamaya."

"Okay." Tumango si Xinghe. Hindi nagtagal at umalis na si Munan, ayaw na maistorbo siya. Ang plano niya ay lumapit kay Gu Li para dagdagan ang oras ng palugit kung hindi matatapos ni Xinghe ang software bago ang itinakdang oras. Dahil ito ang kanyang sister-in-law, hindi niya iniinda na balikuin ng kaunti ang mga patakaran para dito.

Ang hindi niya alam, ibinalita na ni Xinghe na natapos na niya ang programa matapos lamang ang tatlong oras!