Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 377 - Isang Espesyal na Talento

Chapter 377 - Isang Espesyal na Talento

Matapos na mapaliwanagan siya ni Munan, bahagyang naintindihan na ni Xinghe ang pinakaproblema nito.

"Maaari kong subukan," mahinang sabi niya.

Masayang-masaya si Munan. "Big sister Xia, kung magagawa mong matulungan kami na mapagtagumpayan ang problemang ito, sabihin mo ang kahit anong pabuya na gusto mo, at kung posible, gagawin ko ito!"

Umiling si Xinghe. "Sa pagtulong ko sa iyo ay tinutulungan ko din ang sarili ko, kaya hindi ko kailangan ng kahit anong pabuya."

"Kahit na, habambuhay akong may utang sa iyo."

"Wala pa akong nagagawa; maaari mong itago ang pasasalamat mo sa susunod."

"Okay!" Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Munan, sinabi na niya ito dito ng diretso, "Big sister Xia, ang maipasok ka sa kampo militar ay may kaunting hirap. Kailangan muna nating gawin ang ilang hakbang. Pansamantala, sasali ka sa aking grupo bilang special civilian agent."

"Walang kaso sa akin kahit ano."

At tulad na lamang nito, sa ilalim ng pagsasaayos ni Munan, pumasok si Xinghe sa militar bilang special civilian agent ng kanyang lupon.

Sa mga nakaraang araw, ang lupon ni Munan ay patamad-tamad. Kahit na natalo sila ay hindi nila ikinunsidera ang opsyon na sumuko. Gayunpaman, ang lupon ni Saohuang ay malaki ang itinaas ng morale mula sa kanilang tagumpay. Mas lalo silang nagsanay, at lalong pinalaki ang kaibahan ng dalawang lupon. Isa pa, ang lupon ni Saohuang ay may mas mahusay na computer expert. Ang kanilang pagsasanay ay mas madali. Malaki ang naging psychological weight nito sa mga tauhan ni Munan, na nagdudulot ng kawalan ng pag-asa sa kanyang mga tropa.

Sa ilalim ng ganitong kondisyon, ang pagsasanay ay isa lamang aksaya ng oras. Wala man lamang pag-unlad. Ang masigasig na si Yan Lu ay ginugol ang kanyang mga araw sa galit. Kahit ang malumanay na si Gu Li ay malapit na ding mapuno. Ang tanging nananatiling malakas ay si Munan. Siya ang pinuno; kailangan siyang maging matatag kahit na ano pa ang mangyari.

Isang araw, dumating si Munan sa kampo kasama ang solusyon sa kanilang problema; kasama niya ang sarili nilang computer expert.

Matapos marinig ni Yan Lu at Gu Li ang balita, nasabik ang mga ito. Hindi na sila makapaghintay kung sino ang ekspertong ito.

Sa araw na sinabi ni Munan na dadalhin niya ang misteryosong eksperto na ito sa kampo, ang mga adjutant nniya ay naghihintay na sa opisina simula pa ng umaga.

"Iniisip ko, ano'ng klase kaya ng tao ang eksperto na ito? Dahil pumunta siya dito ng may rekomendasyon ni Boss, sigurado akong kahanga-hanga ito," buong tiwalang komento ni Yan Lu.

Nakangiting tumango si Gu Li. "Naniniwala din ako sa kanya."

Marami na silang pinagdaanan kasama ni Munan at ni minsan ay hindi sila binigo nito kaya malaki ang kanilang antisipasyon tungkol sa talento na sinabing dadalhin ni Munan.

Habang sabik na nag-uusap-usap sila ay pumasok si Munan na nasa likuran niya si Xinghe.

"Nandito na si boss!" Masayang hiyaw ni Yan Lu nang makita niyang pumasok na si Munan. Ang tingin ng lahat ay natuon agad kay Munan bago napako kay Xinghe.

Nalito ang lahat. Bakit nagdala ng babae dito si Boss?

"Boss, nasaan ang eksperto?" Nalilitong tanong ni Yan Lu. Tumingin ito sa paligid pero hindi nito makita ang tinutukoy na eksperto.

Natawang nagsalita si Munan, "Bulag ka ba? Nandito na siya."

Iminuwestra niya si Xinghe.

Nanlaki ang mga mata ni Yan Lu habang tinitingnan muli si Xinghe. "Siya? Siya ang top expert na sinasabi mo?"

Tumango si Munan kahit na narinig niya ang hindi pagkapaniwala sa mga salita ni Yan Lu. "Tama iyon. Halika, hayaan mong magpakilala ako, ang narito ay si Miss Xia Xinghe. Siya ang computer science expert na pinaggugulan ko ng panahon na hanapin. Kaya pakiusap, magpakita kayo ng respeto."

"No offense, boss, pero nagbibiro ka, tama?" Bulalas ni Yan Lu, "Una, babae siya. Ikalawa, napakabata pa niya. Paano siya naging top expert?"