Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 375 - Ang Espiritu ng Xi Family

Chapter 375 - Ang Espiritu ng Xi Family

"Yes, sir!" Dumeretso ng tindig si Mubai at binigyan ang kanyang lolo ng standard military salute. "Lolo, hindi kita bibiguin o kahit ang buong Xi family."

"Mabuti, mabuti." Tumango si Lolo Xi at tumawa mula sa pagmamalaki at kaginhawahan. "Alam kong hindi mo kami bibiguin. Ngayon, humayo ka na at maging abala. Lumapit ka sa iyong lolo kung may kailangan ka. Tandaan mo, nasa likuran mo ang buong pamilya para sumuporta sa iyo."

"Yes, sir." Bahagyang nangatal ang mga labi ni Munan at may bagay na nangislap sa kanyang mga mata. Wala na siyang sinabi at tumalikod na para umalis.

Ang kanyang huling pagkabigo ay maaaring seryoso pero naintindihan niya na wala ito kundi isang bukol kumpara sa makulay na kasaysayan ng Xi family. Kaya naman, hindi siya dapat na mamuhay sa pagtanggi sa sarili o sa pagdududa sa sarili. Kailangan niyang malampasan ang pagkatalo o hindi na siya karapat-dapat pang magdala ng pangalan ng Xi. May kapangyarihan siya para harapin at pagtagumpayan ang malupit na katotohanan ng may tapang at determinasyon.

Ang paniniwala at katapangang ipinakita ni Munan ay may pangmatagalang epekto kay Lin Lin na nasa study din. Ang maliit na bata ay gumugugol ng panahon kasama ang kanyang great grandfather para mag-aral araw-araw. Kaya naman narinig niya ang lahat ng usapan nito.

Hindi na siya pinaalis ni Lolo Xi ng silid dahil ang mga salita ay para din sa mga tainga ni Lin Lin. Matapos umalis ni Munan, tinanong ni Lolo Xi si Lin Lin sa mahinang boses, "Sa tingin mo ba ay mapagtatagumpayan ito ng iyong Second Uncle?"

"Sigurado!" Sagot ng bata ng hindi na nag-isip. Nangislap ang mga mata nito sa kaparehong paraan na tulad ng kay Munan kanina. Ang espiritu ng Xi Family ay halatang makikita sa kanila.

Tiningnan siya ni Lolo Xi at nakita niya ang anino ni Mubai sa kanyang apat-na-taong gulang na apo sa tuhod. Hindi kailanman umaatras si Mubai sa mga problema. Para sa kanya, ang mga problema ay mga hamon na nararapat lamang pagtagumpayan.

Lalaki si Lin Lin na maging isang natatanging binata tulad ng kanyang ama. Sigurado si Lolo Xi doon.

"Xi Lin, kaya kita pinanatili sa silid ay dahil gusto kong malaman mo kung gaano kabigat ang responsibilidad na nasa iyong mga kamay. Ikaw ay isa ding pag-asa ng kinabukasan ng Xi family. Ang katanyagan ng Xi family ay nagmula sa madugo at masalimuot na kasaysayan, kaya hindi mo dapat maliitin ang mga kontribusyon ng bawat Xi sa iyong harapan, at ang pinakaimportante, ay hindi mo sila dapat biguin. Para sa kapakanan ng bawat Xi na naghanda ng daan para sa iyo, kailangan mong siguraduhin na ang Xi legacy ay magtutuloy-tuloy. Naiintindihan mo ba?"

May seryosong hitsura ang bata at determinadong tumango. "Great grandfather, naiintindihan ko po. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para mas magaling pa kay Daddy at kay second Uncle!"

Nagsimula na namang tumawa si Lolo Xi. Nagpapasalamat siya dahil alam na niya na ang Xi family ay nasa mabuting mga kamay.

Matapos umalis ni Lin Lin sa study ni Lolo Xi, nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Alam niya na maraming responsibilidad na nakaatang sa kanya kaya ni minsan ay hindi siya naging tamad sa pag-aaral.

Gayunpaman, matapos ang usapan sa pagitan ni Lolo Xi at ng kanyang second uncle pati na din sa pagitan nilang dalawa ni Lolo Xi, mayroon na siyang bagong pagkaunawa sa dangal ng Xi family. Naiintindihan niya na ang estado ng kanyang pamilya ay nanganganib kaysa sa kanyang inaakala.

Ang maliit na pagkakamali ng kanyang second uncle ay nagdulot ng takot sa kanyang buong pamilya. Nagdulot ito sa kanya ng determinasyon na mas mag-aral ng maigi para hindi niya mabigo ang mga sakripisyo ng mga Xi na nauna sa kanya.

Matapos bumalik ni Lin Lin sa kanyang maliit na study, tumawag siya kay Xinghe. Matapos ang maliit na outing nila, mayroon siyang araw-araw na tawag sa kanyang ina.

Sa normal na araw, ikinukuwento niya sa dito ang tungkol sa araw niya pero ngayon ay may gusto siyang pag-usapan na iba.

Nasa lab pa si Xinghe at ginagawa ang kanyang pananaliksik. Nag-aaral siya at hinahasa ang kanyang kakayahan sa computer. Kahit na siya pa ang pinakamagaling na eksperto sa computer sa buong mundo, hindi ibig sabihin nito ay narating an niya ang pinakarurok ng kanyang abilidad. Ang pag-aaral ay hindi natatapos.

Nang makita niya na si Lin Lin ang tumatawag sa kanya, nagdesisyon siya na panandaliang magpahinga.

Gayunpaman, mula sa unang salita ng kanyang anak, madali niyang malaman na may kakaibia tungkol sa kalagayan ni Lin Lin ng araw na iyon.

"Lin Lin, ano ang problema?" Tanong ni Xinghe sa kabilang telepono.