Chapter 371 - Isang Hamon

Araw-araw, ang parehong lupon ay lumalaki sa hindi kapani-paniwalang bilis. Walang nangangahas na maging tamad dahil kung ginawa ito ng isa, mapapalayas sila. Ginugol ni Munan ang bawat araw niya sa kampo militar; wala nga siyang oras para kumain. Pareho din nito kay Saohuang.

Ang mga lupon na sinasanay nila ay parehong mahusay, kaya mahirap hulaan kung sino ang mananalo. Gayunpaman, may isang bagay na makakapagdesisyon ng kanilang kaibahan sa lakas. Ang Flying Dragon Unit ay isang high-tech na military unit kaya kailangan nila ng mga talento na mahuhusay sa high-end technology.

Talento na tulad nito ay isang likas na bagay, hindi ito nasasanay. Ito ang magiging variable na magdedesisyon ng kaibahan ng lakas ng dalawang lupon. Ang Xi family ay hindi kinukulang sa tao at perang kayamanan. Ang grupo na binuo nila para kay Munan ay ang pinakamahuhusay sa kanilang larangan.

Inisip nila na mas lamang sila kay Saohuang sa parteng ito pero sa kanilang panghihilakbot, mas mahusay ang mga talentong nahanap ni Saohuang!

Ang software para gayahin ang pagsasanay militar ay mabilis na nagawa. Sa tulong ng software na ito, ang pagsasanay ng lupon ni Saohuang ay mas naging epektibo at mas madali. Ang kanilang paghusay ay mas mabilis na nakikita.

Nararamdaman na ni Munan na ang distansiya sa pagitan nilang dalawa ay lumalaki. Labis siyang nag-alala dito, natatakot siya na ang maliit na puwang ay magiging isang higanteng bangin. Sinubukan ng mga tauhan niya ang kanilang makakaya pero hindi pa din nila matalo ang mga talento ni Saohuang.

Sa oras na ito, hinamon sila ni Saohuang. Ang opisyal na dahilan ay ang tuluy-tuloy na kompetisyon ay makakabuti para sa pag-unlad. Uunlad lamang ang mga tao sa patuloy na paghahambing!

Para sa paghusay, sinubukan ni Saohuang ang lahat ng kanyang mahahawakan. Ang mayabang niyang ugali ay talagang kakaiba.

Nang matanggap ng kampo ni Munan ang hamon, ang ilang importanteng adjutante ay galit na galit.

"Ang lalaking iyon ay masyadong mayabang!" Isang matipunong sundalo na nagngangalang Yan Lu ay galit na humiyaw. "Sa tingin ba niya ay natatakot tayo sa kanya? Nang sumali ako sa militar, siguro ay humahabol pa siya sa mga babae! Sinasabi ko na tanggapin natin ang hamon niya at turuan siya ng isa o dalawang leksiyon!"

Ang strategist ng kanilang grupo, si Gu Li ay tiningnan siya at umiling ang ulo. "Hindi maikakaila na ang Feng Saohuang na iyon ay maabilidad na sundalo at pinuno, hindi natin basta-basta tatanggapin ang hamon niya. Ito ay ang magiging unang paligsahan sa pagitan natin, importante ito sa ating morale. Kapag natalo tayo, ang morale natin ay babagsal at natatakot ako na kakailanganin nating pakisamahan ang mga sundalo na nagkakaroon na ng ugaling sanay na matalo. Hindi ito makakatulong sa atin/"

Pinandilatan siya ni Yan Lu. "Ano naman ngayon? Hahayaan mo kaming tumakbo na parang mga duwag? Kung ginawa natin iyon ay talagang matatalo tayo!"

Ngumiti si Gu Li. "Hindi ko sinabi iyan. Pero ang bawat laban ay may istratehiya, kailangan natin ng mas maiging paghahanda."

Tumango si Munan. "Pareho kayong tama. Kailangan natin tanggapin ang hamon na ito pero dapat ay may sapat na paghahanda tayo. Ang paligsahang ito ay masyadong importante para sa ating morale. Kapag natalo tayo, ang morale natin ay mas mababa pa sa kanila hanggang sa mga aktwal na paligsahan. Ang isang bagay na kailangan ng isang lupon ng militar ay ang morale; hindi natin kakayanin ang matalo."

"Kung gayon, kailan natin matatapos ang paghahanda at tatanggapin ang kanyang hamon?" Tanong ni Yan Lu, na dumeretso na sa punto.

Napakunut-noo si Munan. "Magkakaroon tayo ng team discussion mamayang gabi at tatanggapin natin ang hamon bukas!"

Para sa paligsahang ito, ang grupo ni Munan ay gumugol ng buong gabi para makabuo ng mga istratehiya. Ayon sa kahinaan ng lupon ni Saohuang, marami silang nagawang istratehiya. Siyempre, ang mga istratehiya ay hindi perpekto pero mas mainam na mayroon silang nagawa kaysa wala. Isa pa, ibinigay nila ang lahat-lahat, sino ang makakapagsabi kung ano ang magiging resulta?

Nang naisaayos na ang mga istratehiya nila, tinanggap na ni Munan ang hamon ni Saohuang kinabukasan!

Related Books

Popular novel hashtag