Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 366 - Hindi Ka Mabubuhay Kung Wala Ako!

Chapter 366 - Hindi Ka Mabubuhay Kung Wala Ako!

Tumango si Xinghe. "Maayos na ako ngayon."

"Nangangako ka ba na hindi na iyon mangyayari ulit?" Tanong ni Lin Lin ng may matinding pag-aalala.

Ngumiti si Xinghe. "Nangangako ako."

"Mabuti!" Masayang sigaw ni Lin Lin. "Ang ibig sabihin nito ay mananatili ka kasama ko magpakailanman, tama?"

"Siyempre."

Lalong lumaki ang ngiti ni Lin Lin. "Mommy, nangangako ka ba na hindi mo ako iiwan at mananatili ka sa tabi ko magpakailanman?"

"Siyempre, ipinapangako ko." Tumango si Xinghe. Ito rin ang kanyang kahilingan, gusto niyang manatili sa tabi nito ng magpakailanman. Masayang-masaya si Lin Lin na marinig ang kanyang pangako, ganoon din si Mubai. Dahil sa kung mananatili si Xinghe sa tabi ni Lin Lin ng habambuhay, ang ibig sabihin nito ay mananatili din ito sa tabi niya magpakailanman.

"Gusto ko ding manatili kasama si Mommy ng habambuhay," hinablot ni Lin Lin ang mga kamay niya at sinabi ng seryoso, "Kahit na hindi mo pakasalan ulit si daddy, mananatili ako kasama ka magpakailanman."

"Okay." Sagot ni Xinghe ng may masayang tawa.

Agad na napasimangot si Mubai. Ano ang ibig sabihin niya ng 'Okay'? Hindi talaga niya plano na pakasalan akong muli?

"Magpapakasal ba ulit si Mommy sa hinaharap?" Painosenteng patuloy ni Lin Lin kahit na may pakahulugan ang mga tanong niya.

Matapat na sumagot si Xinghe, "Hindi na."

"Kahit na sino pa ang groom?"

"Oo."

"Kung gayon, ikaw lamang ang aking nag-iisa at natatanging mommy." Alok ni Lin Lin ng may nakakasilaw na ngiti.

Mapagmahal na tinapik-tapik ni Xinghe ang ulo nito. "Siyempre, palagi akong magiging mommy mo, silly."

"Mommy, kapag lumaki na ako, dapat ay magkasama tayo. Susuportahan kita. Ano sa tingin mo?" Sa sandaling natapos ni Lin Lin ang pangungusap niya ay hindi napigilan ni Mubai na pagalitan ito ng may kasungitan, "Tama na ang mga tanong."

Ang biglaang sermon na ito ang nagpatingin kay Lin Lin kay Mubai ng may nag-uusisang hitsura.

Malamig na nagpatuloy si Mubai, "Hindi ka naman dating madaldal. Ang isang lalaki ay dapat na bawasan ang pagsasalita at mas mag-isip ng marami."

"Hindi ako lalaki, bata ako," ganting pagtutol ni Lin Lin, "Isa pa, nakikipagkuwentuhan ako kay Mommy… ang aking mommy."

"Alam ko na siya ang mommy mo pero hindi ka din mabubuhay kung wala ako!" Wala sa katwirang pakikipagtalo ni Mubai.

"Pero, lumabas ako mula sa tiyan ng Mommy ko. Literal na naging parte niya ako, kaya natural lang na marami kaming dapat pag-usapan." Ang maliit na bata ay mahusay makipagdebate. "Isa pa, maraming taon kaming hindi nagkasama, kaya natural lamang para sa amin na magkwentuhan para makahabol."

"Bata ka pa, ano ang mga bagay na kailangan ninyong habulin? Maupo ka sa harapan, kaming matatanda ay may seryosong bagay na dapat pag-usapan," masungit na utos ni Mubai.

Kahit sabihin pa, hindi lumipat sa harap si Lin Lin. Imbes ay kumandong ito kay Xinghe at nagsumiksik sa yakap ni Xinghe, o sa kung saan na tinatawag niyang no-disturbance mode. "Malaya kayong mag-usap, hindi ako mag-iingay. Hindi mo mapapansin na nandito pa ako."

Naiinis man, tinitigan siya ni Mubai at walang nagawa kundi bumuntung-hininga. Niyakap ni Xinghe si Lin Lin at mahinang sinabi kay Mubai, "Mabuti na maging strikto sa mga bata, pero kailangan mo ding maging patas."

Biglang lumambot ang tono ni Mubai. "Isa akong patas na ama, lamang ay mukhang nakakaligtaan niya ang kagandahang asal niya ngayon."

Nalito si Xinghe. "Naligtaan ang kanyang kabutihang-asal, kailan? Wala namang ginagawa si Lin Lin."

Ano'ng 'walang ginagawa'? Isang bagay na para sa maliit na demonyito na hindi ako tulungan sa plano ko na maikasal ulit pero ang hikayatin ka na salungatin ito? Marami siyang ginawang mali.

Siyempre, sinarili na lamang niya ang mga saloobing ito. Alam ni Mubai na ang pagpapatuloy ng debate na ito ay babalik lamang sa kanya kaya tuso niyang binago ang paksa, "Ano kaya kung manood tayo ng sine matapos ang brunch? Nagpareserba na ako ng tatlong tiket sa sine."

Kalmadong tumango si Xinghe. "Sige, bakit hindi."

Dahil napareserba mo na pala ito, bakit tinatanong mo pa ako?

Related Books

Popular novel hashtag