Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 359 - Lahat ng Pag-aari ng Xi Family

Chapter 359 - Lahat ng Pag-aari ng Xi Family

Nakuha ni Saohuang ang pahiwatig at maingat na sinabi, "May reklamo din ba si Miss Lin tungkol sa Xi Family?"

Ngumiti si Lin Yun at nagtanong din, "Bakit? Ganoon din ba ang nararamdaman ni Big Brother Feng?"

Tumawa si Saohuang. "Wala akong lakas ng loob na magtago ng ganyang mga kaisipan, pero alam mo kung gaano kasakit sa loob ang masupil ng ibang tao sa matagal na panahon. Alas, ang aking Feng family ay hindi ganoon kalakas para lumaban, kaya ano nga ba ang magagawa namin?"

Natural lamang na alam ni Lin Yun ang alitan sa pagitan ng Xi at Feng family; ito ang dahilan kung bakit siya narito ngayon.

May simpatyang sinabi ni Lin Yun. "Big Brother Feng, mula sa aking pananaw ay mas mahusay ka kaysa doon sa Xi Munan. Bakit ba siya ang naging pinuno ng Flying Dragon Unit at hindi ikaw? Hindi ko maintindihan."

"Ito ang desisyon ng mga nakakataas sa akin, hindi ko maaaring kalabanin," sambit ni Saohuang ng may maliit na ngiti, "Pero nalulugod ako na inaalala ni Miss Lin ang kalagayan ko; labis akong nasisiyahan."

Naintindihan ni Lin Yun ang mga salitang hindi nasambit. Lubos na nayayamot si Saohuang sa katotohanan na ang Xi family ay ninakaw ang posisyon ng pinuno ng Flying Dragon Unit mula sa kanya.

Nagbigay ng kaakit-akit na ngiti si Lin Yun. "Gayunpaman, pinapayuhan ko si Big Brother Feng na huwag agad sumuko. Kung hindi mo mamasamain, maaari akong mag-alok ng kaunting tulong."

Kumislap ang mga mata ni Saohuang. "Tutulungan mo ako?"

Tumango si Lin Yun na may matagumpay na ngiti. "Talaga. Gaya ng pagkakaalam mo, ang ninuno ng aking Lin family ay isa sa mga ama na tumulong na lumikha at ang aking lolo ay malaki ang impluwensiya sa Hwa Xia. Madali para sa amin na tulungan si Big Brother Feng."

Agad na sumeryoso si Lin Yun. "Mangangahas na akong sabihin na, paano ako tutulungan ng Lin family? Siyempre, ako, si Feng Saohuang, ay tatandaan ang kabutihang ito hanggang nabubuhay ako."

Ito ang pangungusap na hinihintay ni Lin Yun. Tumingin siya kay Saohuang at sinabi ng may misteryosong ngiti, "Big Brother Feng, bago iyon, tatanungin kita at aalamin ang iyong dedikasyon na higitan ang Xi family; hindi naman ako pupwedeng makipagtulungan sa kahit sinong duwag ngayon, hindi ba?"

Nakakatakot na ngumiti si Saohuang. "Ang pinakainaasam ko ay ang tapakan ang mga katawan ng bawat miyembro ng Xi family para makarating sa ituktok; hindi pa ba ako dedikado sa lagay na iyan?"

Humagikgik si Lin Yun. "Sapat na, higit sa sapat. Alam kong magkakaintindihan kami ni Big Brother Feng. Magtulungan na tayo mula ngayon."

Direktang nagtanong si Saohuang, "Ano ang mga kondisyon ng pagtutulungang ito?"

"Madali lang, tutulungan kitang makuha ang gusto mo at tutulungan mo akong makuha kung ano ang gusto ko."

Muli, nagtanong si Saohuang, "Ano ang eksaktong gusto mo na makuha?"

Bahagyang ngumiti si Lin Yun at sa isang saglit ay mababanaag ang pagkapoot sa maganda nitong mukha. "Lahat ng pag-aari ng Xi family!"

Nagulat si Saohuang. Ang kayamanan ng Xi family ay sapat para bumili ng isang maliit na bansa. Ang totoo, ang presensiya ng mga ito ay sapat para impluwensiyahan ang ekonomiya ng Hwa Xia. Ang tanging mahihiling niya ay mapabagsak ang lugar ng mga ito sa pulitika, at kakailanganin ng mas higit pa sa Feng Family para mabura ang Xi family. Kaya naman, nasorpresa siya na ang ambisyon ng Lin family ay napakalaki.

Mabait na pinayuhan siya ni Saohuang, "Miss Lin, ang buong kayamanan ng Xi family ay hindi ganoon kadali makuha."

"Alam ko," patuloy na sabi ni Lin Yun ng may kayabangan, "Hindi ito ang orihinal na plano pero kasalanan nila ito sa pambabastos ng sobra sa akin. Dahil sila naman ang humiling ng tuluyang pagkawasak, iyon din ang makukuha nila. Sa tuluyang pagkakabura lamang nila tayo makakatulog ng mahimbing sa gabi, sang-ayon ka ba, Big Brother Feng?"

Malakas na tumawa si Saohuang. "Siyempre, tama ka. Pero ang kasalukuyan kong posisyon ay masyado pa ding mababa…"

"Huwag kang mag-alala, hindi mo na kailangan pang mag-isip sa mga bagay na iyan. Ang tanging bagay na kailangan mong pagtuunan ng pansin ay ang higitan sila at siguraduhin na mawawala ang kanilang lugar sa mundo ng pulitika. Kami na ang bahala sa iba pa."

Related Books

Popular novel hashtag