Chapter 356 - Bahay

Ang lahat ay tumango bilang pagsang-ayon. Kung madaling mapabagsak ang Feng family, hindi mararating ng mga ito ang kinatatayuan nila sa kasalukuyang panahon.

"Kahit pa, ito ay isang pagdedeklara ng giyera sa pagitan natin at sa kanila, ang Feng family! Mula ngayon, mag-iingat na ang lahat sa mga miyembro ng Feng family at subukan ninyo sa lahat ng inyong makakaya na makakalap ng ebidensiya laban sa kanila!" Anunsiyo ni Lolo Xi.

Lahat ay tumango maliban kay Xinghe. Gayunpaman, kahit pa, hindi niya mapapatawad ang Feng family. Kahit isantabi pa ang katotohanan na pinahirapan siya ni Saohuang habang siya pa si Xia Meng, ang pagsalakay nito sa Xi family ngayon at may mga taong mahalaga sa kanya na nasa Xi family…

Kaya naman, hindi niya ito mapapalampas agad-agad. Matapos ang maikling pag-uusap, lahat ay nagsialisan na. Umalis ng nagmamadali si Jiangnian para tingnan ang kanyang anak na si Munan. Nagplano na ding umalis si Xinghe, matagal na panahon na mula ng huling nakasama niya ang kanyang tiyuhin at si Xia Zhi.

"Halika na, ihahatid na kita pauwi," maingat na alok ni Mubai. Siyempre, gusto niya na manatili ito pero toto naman na hindi pa ito umuuwi sa matagal na panahon at nirerespeto niya ang kahilingan nito.

Hindi tumanggi si Xinghe at sumunod ito sa kotse nito. Kinuha ni Mubai ang pagkakataon na ito na ipasa dito ang enerhiyang kristal ni Xia Meng. Habang naglalakbay sila, patuloy itong sinusuri ni Xinghe.

"Talaga bang ang bagay na na ito ay isang klase ng power source?" Sinulyapan ito ni Mubai at nagtanong.

"Wala akong alam pero gusto kong malaman para makita," sagot ni Xinghe.

"Gamitin ninyo ang lab, sasabihan ko ang tauhan ko na mag-iwan ng isang silid para sa iyo."

Pinag-isipan ito ni Xinghe bago tumango. "Salamat."

Ang lab ng Xi family ang pinakamahusay sa buong bansa. Kung makakakuha siya ng anumang resulta, dapat doon.

"Pero kailangan mong mag-ingat para hindi malaman ni Saohuang na may hawak kang ganyan," paalala ni Mubai na halatang nag-aalala. Kahit na wala ang paalalang ito, alam ni Xinghe kung ano ang gagawin. Kahit na may tiwala si Mubai sa kanyang pag-iingat at kakayahan, hindi nito maiwasan na mag-alala.

"Bakit hindi ka lumipat at tumira kasama ko?" Bigla nitong mungkahi. "Magtutulungan tayo laban sa Feng family kaya sino ang makapagsasabi kung ano'ng klase ng panganib ang kakaharapin mo. Sumama ka na sa akin para kahit paano ay mapanatili kitang ligtas."

Umiling si Xinghe. "Hindi na iyon kinakailangan, magiging maayos lamang ako."

"Pero…"

"Ikukunsidera ko ito kapag kinakailangan."

Ngumiti si Mubai. "Okay."

Natutuwa siya dahil kahit paano ay hindi siya tinanggihan nito ng lubusan. Sa ibang kadahilanan, nakita niya ang sarili na hindi makatanggi sa mga kagustuhan nito. Maaari pa niyang patayin ang sarili niya kapag hiniling nito…

Agad na narating ng kotse nito ang Purple Jade Villa.

Nang papalabas na ng kotse si Xinghe, hinila ni Mubai ang braso niya. "Nagtrabaho ka ng husto kagabi kaya magpahinga ka ng maigi. Huwag mo nang abalahin pa ang sarili mo ng kahit ano sa ngayon."

Tumango si Xinghe. "Alam ko."

Nanginig ang mga mata ni Mubai at hindi naglaon ay hinila siya nito para yakapin bago nag-aalinlangan na pinakawalan siya. "Sige, mag-ingat ka. Tawagan mo ako kung may kailangan ka."

Bahagyang tumango si Xinghe bago bumaba. Naglakad siya patungo sa front door at kumatok.

Ang nagbukas ng pintuan ay si Chengwu. Maluha-luha ito nang makita si Xinghe. "Xinghe, bakit bigla kang umuwi ng hindi nagsasabi sa uncle mo? Naghanda sana ako ng kahit ano para sa pagbabalik mo. Kumusta na ang pakiramdam mo? Kumusta ang katawan mo? Magaling ka na ba?"

Nagliligalig si Chengwu kaya hindi alam ni Xinghe kung paano sasagot. Naririnig niya ang makina ng sasakyan ni Mubai na nasa labas pa kaya hinila na niya si Chengwu at sinabi, "Uncle, pumasok na muna tayo."

"Okay!" Sa wakas ay napansin ni Chengwu si Mubai. Tinanguan niya ito na nahihiya bilang paraan ng pagbati.