Ang bagay na nagpagalit sa kanya ng husto ay ang katotohanan na ang mga plano niya ay nasira. Sa sandaling umalis siya sa lugar ng Xi family, nagmamadaling nagtungo si Saohuang sa istasyon ng pulis. Kailangan niyang masiguro kung hinuli ba talaga si Zhou Jiaming o hindi!
…
Ang negatibong miasma na nasa ituktok ng Xi family ay naglaho na sa pag-alis ni Saohuang. Tinanong ni Ginang Xi si Mubai ng may kasiyahan at sorpresa, "Mubai, ang mga sinabi mo ba ay totoo? Ang lahat ng paratang na nakaumang sa ating Xi family ay nalinis ng lahat?"
Umaasang tiningnan sila nila Lolo Xi at ng iba pa. Tumango si Mubai ng may ngiti. "Tama iyon, ang lahat ay nalinis na, kasama ang paratang laban kay Munan."
"Talaga?!" Napabulalas sa kasiyahan si Jiangnian. "Ano ang nangyari? Paano mo nagawa ito?"
Sumagot si Mubai sa mabagal na boses, "Walang dapat na ipagmadali, pumasok muna tayo at ipapaliwanag ko ang lahat."
Tumalikod na ito at sumunod ang mga miyembro ng Xi family. Maliban lamang kay Xinghe. Tinapunan niya ng walang emosyong tingin si Lin Yun na hindi pa din umaalis.
Ang mukha nito ay kasing baho tulad ng tumpok ng t*e. Sinalubong nito ang tingin ni Xinghe at patuyang nagsabi, "Maswerte kayong mga tao sa oras na ito pero hindi na magiging ganoon ang kakalabasan sa susunod."
"Pangako ba iyan?" Sarkastikong tanong ni Xinghe.
Maingay na tumikhim na nanghahamak si Lin Yun. "Hindi ko na kakailanganin pang magtaas ng isang daliri para mapabagsak ang tanga at walang kwentang pamilya na ito. Lahat kayo ay babagsak dahil sa kayabangan at katangahan ninyo, maghintay lamang kayo at makikita ninyo."
"Ang tanging bagay na nakikita ko ay ang isang tanga at walang utak na babae na ayaw umalis," sabi ni Xinghe habang nakatingin kay Lin Yun.
Nag-aalab sa galit dahil sa pang-iinsulto si Lin Yun. "Sino ka ba sa tingin mo para mangahas na pagsalitaan ako ng ganyan?!" Nagkibit-balikat si Xinghe at hindi man lamang humarap ang Xi family para kilalanin siya. Ito ang unang beses na nakatanggap ng sampal sa mukha si Lin Yun; malapit na siyang magwala.
"Isinusumpa ko na lahat kayo ay pagsisisihan ang pagkalaban sa akin!" Angil ni Lin Yun sa pagitan ng nagngangalit na ngipin bago umalis. Malamig na tiningnan lamang siya ni Xinghe. Hindi nagtagal ay tumalikod na siya at nakita ang matiim na tingin ni Mubai sa kanya.
Matapos iyon ay tumingin si Mubai sa papalayong likuran ni Lin Yun bago nag-aalalang nagtanong, "Ano ang sinabi niya sa iyo?"
"Wala naman pero yung tulad ng dati." Alam ni Mubai na may kakayahan si Xinghe na ipagtanggol ang sarili kaya hindi siya nag-aalala. Nakangiting hinila niya ang kamay nito at sinabi, "Halika na, pumasok na tayo sa loob. Nasa loob na sina lolo at ang pamilya at hinihintay na nila ang paliwanag natin."
"Ako ay…" gustong sabihin ni Xinghe na huwag na siyang isama nito. Maipapaliwanag naman nito ng maayos nang sarili lang. Pero, hinila siya ni Mubai papunta sa study ng labag sa kanyang loob, kung saan ay nakaupo na si Lolo Xi at ang iba na naghihintay sa kanila.
Habang naglalakad papasok ang dalawa, nagbigay ng madalang na ngiti si Lolo Xi. "Bilis, maupo na kayo at sabihin sa amin kung ano ang nangyari."
Lumingon si Mubai kay Xinghe at sinabi ng may nakakurbang ngiti, "Lahat ng ito ay salamat kay Xinghe."
Nagulat ang lahat sa rebelasyon. Ito ang kontribusyon ni Xinghe?
"Ano ang ginawa ni Xinghe?" Halatang nabigla si Ginang XI, "Hindi ba't kagigising lamang niya?"
Ang tanong niya ay hindi maikakaila dahil mahirap talagang paniwalaan na ang kagagaling na pasyente ang makakalutas ng kanilang pinakamalaking problema. Napakahirap nitong paniwalaan talaga.
Nagpaliwanag si Mubai, "Si Xinghe ang nakaisip na ang kalaban natin ay itatanim ang mga ninakaw na armas sa ating pier para lalo tayong madiin. Nagpunta kami sa pier kagabi at nakita ang lahat gamit ang sarili naming mga mata. Ang kalaban ay minanipula pa ang surveillance ng pier pero nagawang malampasan ito ni Xinghe at i-record ang lahat sa video."