Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 343 - Ang mga Manloloob ay Narito Na!

Chapter 343 - Ang mga Manloloob ay Narito Na!

Nakaupo si Xinghe sa kanyang tabi, lumilipad ang mga daliri nitong tumitipa sa keyboard. Sa mamahaling, armored car, mayroong built-in na computer. Mabilis at maayos na tumatakbo ang kotse. Ibinigay nito kay Xinghe ang kaginhawahan ng pagsasaliksik habang mabilis silang patungo sa pier…

Sa sandaling natapos ni Mubai ang kanyang mga utos, napasok na ni Xinghe ang security system ng pier.

"Kumusta ang lahat?" Itinabi na nito ang telepono para magtanong.

"Ayos ang lahat ayon sa surveillance, wala pang kakaiba sa ngayon."

"Pero ay dapat na kikilos ang mga ito ngayong gabi," hula ni Mubai. Dahil kung mas matagal na mangyayari ito, mas malaki ang tsansa na hindi ito magtagumpay.

Tumango si Xinghe."Kapag ginawa nila ito ngayong gabi, agad ko itong malalaman."

Sa sandaling natapos siya, napansin niya ang isang kaduda-dudang galaw sa screen. Ngumisi siya. "Nandito na sila!"

[Narito na ang mga kalaban!]

Sa loob ng isang tagong silid, ang lalaki na may gold-rimmed na salamin ay nakaharap sa isang higanteng computer. Pinapatungan niya ang surveillance video ng pier. May kakaibang kahusayan ang paraan ng paggalaw ng mga daliri nito. Hindi siya inabot ng matagal para matapos ang trabahong ito.

"Done!" Sabi ng lalaki ng nakangisi. Itinaas niya ang kanyang ulo para tingnan ang matangkad na lalaki na nakatayo sa tabi ng bintana at nag-ulat, "Boss, naayos ko na ang mga videos."

Tumango ang lalaki at sumagot sa nakakatakot na tinig, "Mabuti, kung ganoon ay gawin na natin ang plano."

"Yes, sir!" Ang bodyguard na nakaitim na nakatayo sa kanyang tabi ay tumango bilang pagsunod. Ang plano nila ay ipuslit ang mga ninakaw na armas sa isa sa mga container sa ilalim ng kadiliman ng gabi. Siyempre, bago ang mga iyon, kailangan muna nilang manipulahin ang mga surveillance videos. Ang video feed para sa mga guwardia na nasa opisina ng security ay isang surveillance video na nakuha na noong mga nakaraang araw; wala itong mga ideya sa talagang nangyayari.

Siyempre, hindi naman mahuhulaan ng mga kalaban na si Xinghe ay napaghandaan na sila…

Ang kotse ni Mubai ay nakaparada sa isang tagong sulok malapit sa pier. Pinanood nito ang video at malamig na nagreklamo, "So, gagawin nila ang kanilang operasyon ngayong gabi. Sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ito ng mahal."

"Gusto mo na silang hulihin ngayon?" Tanong ni Xinghe.

Sumagot si Mubai ng isang ngisi, "Hindi ba't magiging boring iyon? Hintayin muna natin hanggang ipakita ng traydor ang kanyang sarili."

Bahagyang ngumiti si Xinghe. "Ganoon din ang opinyon ko. Kung ganoon, magpakasaya tayo at manood ng isang magandang palabas."

Binigyan siya ni Mubai ng isang tingin na may laman at pareho silang ngumiti, may bahagi na silang pagkakaintindihan na para lamang sa kanilang dalawa.

Sumapit na ang gabi. Ang mga manggagawa sa pier ay mabagal na umalis at ang maingay na pier ay nagsimula nang tumahimik. Oras na para sa mga lalaking nakaitim na kumilos na din.

Ipinuslit nila ang ilang piraso ng mga ninakaw na armas at itinago ito sa maraming klase ng lalagyanan. Ang mga guwardiya ay hindi namalayan ang kanilang pagkilos dahil ang surveillance ay napalitan na.

Alas, hindi namalayan ng mga lalaking nasa dilim na ang kanilang pagkilos ay narecord pala. Kahit na ang pagtakas ng mga ito, hindi nila napansin na nabigo sila. Ang kanilang mga kilos ay naibunyag na ng tuluyan…

"Young Master, ang plano ay isang tagumpay!" Ang bodyguard na nasa itim na damit ay nag-ulat sa matangkad na lalaki matapos nitong matanggap ang update mula sa mga tauhan.

Mabagal na humarap ang lalaki para ipakita ang guwapo nitong mukha.

"Magaling ang ginawa ninyo," sabi nito ng may malisyosong ngisi, ang mga mata niya ay kakikitaan ng masamang hangarin. "Ngayong gabi ang huling gabi na nasa ituktok ang Xi family. Bukas, ipapaalam ko sa buong mundo na nagbago na ang lahat!"

Ang oras ay talagang nagbago pero kung anong pagbabago ang dadalhin noon ay hindi pa rin sigurado.

Matapos ang mahabang gabi, ang pasikat na araw ay lumiwanag na sa kaligiran. Tulad ni Mubai, buong gabi ding nagtrabaho si Xinghe.

Related Books

Popular novel hashtag