Nasorpresa si Xinghe na mangangako ito ng ganoong bagay.
Sabihin mo sa akin kung kailangan mo ng kahit anong tulong at gagawin ko ang lahat para tulungan ka.
Isa itong seryosong pangako na ibinigay ni Mubai.
Binalikan ni Xinghe ang computer at sumagot, "Sa kasong ito, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan ang pamilya mo. Sigurado ako na sa pagtutulungan natin, malalampasan natin ang problemang ito."
"Sounds great!" Sabi ni Mubai ng may matagumpay na ngiti. Masaya siya dahil nalaman niya na nag-aalala na si Xinghe para sa kanya. Nahirapan siyang makarating sa lugar na ito. Sa wakas may maliit na espasyo na para sa kanya sa puso nitoโฆ
Bigla ay nabalik sa kanyang isip ang biglaang halik na pinagsaluhan nila. Nang mangyari iyon, ang tugon nito ay hindi pagkamuhi kundi sorpresa. Kung kinamumuhian siya ni Xinghe bilang manliligaw, sigurado siya na nasampal na siya ni Xinghe o mas malala pa doon.
Naikasal na sila noon kaya nagawa na nila 'iyon' dati pero nangyari iyon dahil sa libog. Gayunpaman, ang halik niya kanina ay hindi nagmula sa libog kundi sa pagmamahal. Ito marahil ang dahilan kung bakit ito nagulat.
Hindi na sinubukan pang magpumilit ni Mubai; nasiyahan na siya sa halik. Gaya nga ng sabi nila, maliliit na hakbang. Ito ay dahil sa nirerespeto niya ito at minamahal niya ito kaya payapain ang mga alalahanin nito at gawin ang mga bagay sa gusto nitong bilis. Dahil hindi naman niya gustong matakot ito. Masyado itong importante sa kanya.
"Bago natin harapin ang Feng family, magpahinga ka na. Kagigising mo lamang ngayon kaya huwag mong pagurin ang sarili mo. Magpahinga ka ng ilang araw muna," masuyong paalala sa kanya ni Mubai.
May ibang plano si Xinghe. "Maayos na ako, magpapahinga ako kapag sinabi na ng katawan ko. Pinag-uusapan na rin lang, nasaan si Xia Meng?"
"Ang luma niyang katawan ay hindi na maaari pang gamitin kaya inilipat namin ang kanyang alaala sa isang pasyenteng nasa coma. Ang totoo, sa tingin ko ay gising na din siya dahil gising ka na rin. Isa pa, ibinigay na niya sa akin ang kanyang enerhiyang kristal, maaari ko na itong ibigay sa iyo sa anumang oras mo gusto."
Tumango si Xinghe. "Masaya ako at may panibagong simulain na siya. Mabuti na ibinigay niya sa iyo ang enerhiyang kristal, ito ang ating sikretong armas laban kay Feng Saohuang."
Inisip din ito ni Mubai. "Akala ni Saohuang na isa lamang ang hawak ni Ye Shen, tama? Maaaring maging isa itong paraan na makakasira ng tuluyan sa kanyang mga plano."
"Siyanga. Gayunpaman, kailangan nating maging maingat para hindi niya malaman ang mga lokasyon ng dalawang kristal na itinago ni Ye Shen."
Walang magawa na apabuntung-hininga si Mubai. "Kung alam lang natin kung saan itinago ni Ye Shen ang mga ito."
Halos baliktarin na ni Mubai ang buong siyudad pero wala pa ding progreso. Gayunpaman, ang ibig sabihin ito ay nahihirapan din ang mga tauhan ni Feng Saohuang na mahanap din ang mga ito.
Biglang may naisip si Xinghe, at mabilis niyang sinabi, "Maaari mo bang ibigay sa akin ang enerhiyang kristal ni Xia Meng? May naisip akong ideya na gusto kong subukan."
"Anon'ng ideya?"
"Ang mga enerhiyang krisyal ay isang klase ng pambihirang metal, tama? Magagamit natin ang katangian nito para makagawa ng instrumentong makakahanap nito."
Nag-uusisang tumingin sa kanya si Mubai. "May tiwala ka na mapapagana mo ito?"
"Ayokong mangako, pero hindi naman masama kung susubukan." Kabaliktaran ng mga salita niya, sinabi naman ito ni Xinghe na puno ng kumpiyansa.
Nangingislap ang mga mata ni Mubai habang nakatingin sa kanya. Gustung-gusto niyang nakikita na malaki ang tiwala nito sa sarili. Para sa kanya, ito na ang pinakamagandang bagay sa buong mundo.
"Sige, ibibigay ko ito sa iyo sa susunod," hindi mapigilan ni Mubai na hindi ngumiti. "Pero kailangan mo nang magpahinga sa ngayon, sasabihan ko ang mga tagaluto na maghanda ng makakain mo. Ano ba ang gusto mong kainin ngayon?"
"Kahit ano ay ayos lamang." Hindi mapili sa pagkain si Xinghe.
Tumango si Mubai at kumilos na siya para tulungan itong tumayo. "Kung ganoon, tutulungan na kitang mahiga muna sa kama mo. Tatawagin na lamang kita kapag handa na ang pagkain."
Gusto sanang tumutol ni Xinghe pero nakakaramdam na siya ng pagod. Tama si Mubai, nagpapagaling pa siya. Nagigising pa lamang siya ng isa o dalawang oras pero nakakaramdam na siya ng matinding pagod.