Chapter 339 - Nadamay

Kahit na mabigat ang loob, tumango si Xinghe at hinayaan ang sarili na matulungang makabalik sa kama. Tinulungan siya ni Mubai na makahiga at kinumutan pa siya.

"Huwag ka na munang mag-isip pa at matulog ka na. Sweet dreams," bulong niya.

Tumango si Xinghe at ipinikit ang mga mata. Hindi nagtagal, ang paghinga nito ay naging banayad na…

Naupo sa tabi ng kanyang kama si Mubai, tinitingnan ang mukha niya. Matapos makasigurado na tulog na siya, humilig ito at binigyan siya ng mabilis na halik sa kanyang noo. Pagkatapos ay lumayo na ito. Tinapunan siya nito ng tingin sa huling pagkakataon ang natutulog niyang mukha bago tahimik na tumayo. Umalis na ito at isinara ang pintuan sa likuran nito.

Lingid sa kaalaman niya, sa sandaling sumara ang pintuan, bumukas ang mga mata niya. Gising pa siya nang humilig si Mubai at binigyan siya ng goodnight kiss. Ito ang ikalawang halik na natangagp niya mula dito sa araw na iyon at magulo ang kanyang pakiramdam. Alam niya kung ano ang nararamdaman sa kanya ni Mubai pero hindi pa siya sigurado kung ibabalik niya ang nararamdamang ito o hindi. Hindi niya masabi ang totoo kung mahal niya ito pero totoo na hindi na siya naiilang sa mga romantikong paghabol nito sa kanya.

Naguguluhan ang kanyang utak dahil hindi niya ugali na pag-isipan ang mga romantikong relasyon at nararamdaman. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang aktibong panliligaw ni Mubai dahil wala siyang ideya kung ano talaga ang nararamdaman niya. Handa siyang ibigay ang lahat sa taong mahal niya pero mahirap sabihin kung talagang kabilang na si Xi Mubai sa kategorya ng mga taong iyon o hindi…

Sa anumang paraan, hindi pa ito ang tamang oras para sagutin ang mga katanungang tulad nito, hanggang hindi pa naaalis at naaayos ang banta ng Feng family. Bumuntung-hininga si Xinghe at natulog na.

Naging mahaba ang tulog ni Xinghe. Walang pumunta para istorbohin siya kaya wala siyang alam na ang ere sa loob ng Xi family ay nagiging kumplikado na. Ang suliranin ni Munan ay naging isang malaking sakuna. Ang lahat ng nakolektang ebidensiya ay siya ang itinuturo. Siya ang pinakamalakas na pinagdududahan. Kahit ang kanyang ama na si Xi Jiangnan na isa sa mga senior military official ng Hwa Xia ay nadamay din.

Kung ang pagsasakdal ng ilegal na pagbebenta ng mga armas na ito ay nadiin kay Munan, ang lahat ng Xi family ay madadawit sa imbestigasyon at kasama doon si Mubai.

Kahit na hindi parte ng militar si Mubai, peor isang elite sa negosyo, madadamay pa din siya.

Sa mga nakaraang taon, nagkaroon ng malakihang pag-unlad ang kumpanya ni Mubai. May mga haka-haka na nagsasabi na ang pinanggagalingan ng yaman ng kanyang kumpanya ay mula sa kahina-hinalang pondo. Kaya naman, sa halos raw-araw ang kanyang kumpanya at mga account ay puno ng mga pederal na imbestigador.

Hindi natatakot si Mubai sa mga paratang na ito dahil wala naman silang basehan pero ang i-frame at pagtaksilan ng kanyang mga kasosyo-kakompetensiya sa negosyo ay mahirap tanggapin. Galit na galit ang buong Xi family.

Humingi ng tulong si Elder Xi. Sa pamamamagitan ng personal nitong pagkilos ay saka lamang nakahinga ng kaunti ang Xi family. Ang ibig sabihin nito na ang pamumuno ng Xi family ay pansamantalang napunta sa ama ni Mubai, kay Xi Jiangsan.

Si Mubai, sa kanyang parte, ay tinipon ang kanyang mga tauhan para hanapin ang mga nawawalang armas. Sa kasalukuyan, malilinis lamang ang pangalan ng Xi family kung mahuhuli nila ang traydor at sa paghahanap at pagkababalik nila ang mga nawawalang armas, kung hindi ay babagsak ang Xi family sa problemang ito.

Kapag nademanda si Munan ng paratang na ito, babagsak agad sa isang gabi lamang ang Xi family. Sa mundo ng pulitika, walang nagtatagal na nananalo doon. Isang araw ay maaaaring ikaw ang nasa ituktok ngunit sa susunod ay maaaring ikaw ang nasa pinakailalim.

Isang walang ingat na pagkakamali lamang at para dagdagan pa ang hirap at insulto ay mayroon isang pila ng mga tao na naghihintay sa iyo na mabigo at malugmok. Marahas ang mundo, kailangan mong tumapak sa mga bangkay ng mga tao para makarating sa ituktok.

Kaya naman, nang marinig ng mga tao ang balita tungkol sa Xi Family, handa na ang mga ito para nakawin ang trono. Kapag nilapitan, nangangako sila sa salita na tutulungan ang Xi family, pero ang mga iyon ay puro lamang mga pangakong walang katuparan.