Ginagamot ni Lu Qi si Xinghe gamit ang lahat ng kanyang makakaya. Seryoso ang kanyang mukha matapos niyang bigyan ng pagsusuri si Xinghe.
"Kumusta siya?" seryosong tanong ni Mubai.
"Hindi maganda; nasaksakan siya ng isang corrosive drug," matapat na sagot ni Lu Qi, "IHindi pa ako nakakakita ng ganitong gamot na malupit, tuluyan na niyang nasira ang katawan ni Xia Meng."
Tumalim ang tingin ni Mubai. "Corrosive drug?"
Tumango si Lu Qi. "Unti-unting papatayin ng gamot ang mga laman-loob ng katawan. Tuwing nagiging aktibo ang lason, makakaranas ng matinding sakit ang tao. Kung hindi maibibigay sa tao ang antidote agad, mas makakaranas ito ng napakasakit at mahabang pagpapahirap bago mamatay. Sa kondisyon ni Miss Xia, ilang oras na ang nakalipas mula ng ibinigay sa kanya ang gamot. Ikinalulungkot ko na sabihin ngunit siguradong naghirap siya."
Ang hangin sa paligid ni Mubai ay nanlamig, ang tingin niya ay nagyelo na tila ba si kamatayan ito! Ang isipin na pinahihirapan si Xinghe ay nagpagalit sa kanya na ang tanging makakapagpakalma sa kanya ay ang putulin at pagpira-pirasuhin ang may sala sa milyong piraso! Kahit na ang katawan ay kay Xia Meng, ang naghihirap ay si Xinghe!
At higit sa lahat, nakaramdam siya ng galit sa sarili dahil nabigo siya sa kanyang posisyon bilang tagapagtanggol nito.
Mapanganib na naningkit ang mga mata ni Mubai at nag-utos ito, "Pagalingin mo siya agad, hindi na natin siya maaaring hayaan na maghirap pa!"
"Huwag kang mag-alala, gagawin ko pero nalulungkot ako para kay Miss Xia Meng dahil kailangan na nating abandonahin ang katawang ito …"
Marahas na hinaltak ni Mubai ang kuwelyo nito at nagbanta, "Mas dapat kang maawa sa babaeng nakahiga sa iyong harapan. Ikaw ang nagdala sa kanya sa gulong ito kaya ikaw ang papanagutin ko sa lahat ng nangyayari sa kanya. Tapusin mo na ang pananaliksik mo tungkol sa memory cells hanggang sa madaling panahon at ibalik mo ang alaala I Xinghe sa kanya, masyado nang matagal ang palabas na ito!"
Kalmadong tumango si Lu Qi. "Kikilos ako sa pinakamabilis na magagawa ko. Malapit na nating matapos ito, pinapangako ko sa iyo."
"Para sa kapakanan mo, umaasa ako na sana ay tama ka." Itinulak siya palayo ni Mubai pero ang sidhi ng kanyang galit ay hindi bumaba.
Tahimik siyang tiningnan ni Lu Qi, nakahinga ng maluwag na ang taong nakahiga doon ay hindi ang tunay na Xia Xinghe kung hindi ay naniniwala siyang mamamatay sana siya …
…
"Ang dami ninyo pero hindi ninyo kayang bantayan ang isang babaeng halos mamamatay na?" isang lalaking may kahanga-hangang pisikal na anyo ang patamad na nag-oobserba ngunit ang tono nito ay puno ng awtoridad at kapangyarihan.
Ang mga itinalaga niyang guwardiya ay mga nakayuko sa pagkapahiya, ni hindi sila nangangahas na huminga.
"Young Master, kasalanan namin ito! Hindi namin inaasahan ang bigla niyang pagkakaalam at ang plano niya na atakihin ang nars at magkunwari bilang iyon. Nasukol na namin siya pero tumalon siya sa gusali mula sa bintana ng ikalawang palapag, masyado lang naming hindi ito inaasahan …"
Hindi lamang sila; maski ang lalaki ay hindi din inaasahan ang tusong plano ng babaeng iyon. Ang 'tangkang pagpapatiwakal' nito ay siguradong kasama din sa plano nito. Pineke ito para makagawa ng pagkakataon para makatakas siya.
Ang kanyang matapang at deretsong pag-iisip ay nagpahanga sa kanya. Sinorpresa siya nito sa bawat pagkakataon at ngayon ay nagawa pa nito na lokohin siya!
Tahimik na napatawa ang lalaki. "Sumasang-ayon ako na siya ay kakaibang babae. Alas, kung wala ang aking antidote, hindi na siya magtatagal pa sa mundong ito. "
"Young Master, dapat ba nating hulihin siyang muli? Alam namin na ngayon ay kasama na niya si Xi Mubai."
Agad itong tinanggihan ng lalaki, "Hindi na kailangan. Naniniwala akong wala siyang impormasyon tungkol sa bagay na iyon. Isa pa, kapag ginawa natin iyon ay mabubunyag ang ating mga gawain. Wala siyang ideya kung sino ako kaya hinayaan ko na siya, mamamatay na din naman siya."
Sabay-sabay na tumango ang mga guwardiya.
Sinabi nga ito ng lalaki, pero hindi pa din siya mapakali sa kanyang puso.