Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 322 - Oras Para Tumakas

Chapter 322 - Oras Para Tumakas

Dahil ang babae ay mukhang may relasyon kay Xi Mubai at maski ang mga tauhan niya ay kinumpirma na hinahanap din ito ni Xi Mubai.

Masyado pang maaga para sa kanya na harapin ang Xi Family…

"Huwag po kayong mag-alala, alam na namin ang aming gagawin!" paulit-ulit na tumango ang doktor.

Nasisiyahang tumango bilang ganti ang lalaki. "Makakaalis ka na ngayon."

"Yes, sir!"

Nanatili ang lalaki kahit na nakaalis na ang doktor. Masusi niyang pinag-aralan niya si Xinghe na siyang nagpapagaling sa kama. May mga katangian ito na makakatulong na agad na mawala sa lumpon ng mga tao. Hindi niya inaasahan na ang isang mabining babae ay may matapang na ugali. Mayroon itong hindi mapaparisan at hindi mababaling determinasyon, isang napakaespesyal na babae.

Totoong nasorpresa ang lalaking ito sa kanyang nadiskubre. Mas gugustuhin pa nitong magpakamatay kaysa patuloy na danasin ang pagpapahirap niya. Sa ilalim ng mga ganoong sirkumstantiya, naisip pa nito na magpatiwakal, talagang kakaiba ang babaeng ito.

Siyempre, naiintindihan niya na ang pagpapatiwakal nito ay hindi dahil sa takot o kahinaan. Mas gugustuhin pa nitong magpakamatay kaysa mapatay niya, isa itong malaking insulto sa kanya!

Isa itong ekspresyon ng kanyang lubos na kalayaan, isang bagay na hindi niya maiaalis dito kahit na ano pa ang mangyari.

Inakala ni Xinghe na magagalit ang lalaki ngunit nagkamali siya. Naintriga ang lalaki. Kinunsidera din nito ang posibilidad na hayaan siyang mabuhay kung isisiwalat lamang niya ang lokasyon ng enerhiyang kristal.

Ang hindi alam ng lalaki, sa unang beses ng kanyang buhay, lumitaw ang awa sa puso nito.

Gayunpaman, nabuhay lamang ito ng isang segundo, dahil ang tingin nito ay naging matalim din agad.

Nanatili pa ng kaunti ang lalaki bago umalis. Inutusan niya ang mga guwardiya na nasa labas ng pintuan na bantayan siya.

"Tawagan ninyo ako agad kapag nagising siya," utos niya.

Tumango ang dalawang guwardiya bilang sagot.

Sa wakas ay umalis na ang lalaki, sigurado na siya na magigising si Xinghe matapos ang isa or dalawang araw. Ito ang propesyunal na babala ng doktor.

Sino ang mag-aakala na mabilis na nagising si Xinghe …

Nang magkamalay na siya, hindi niya agad iminulat ang mga mata ngunit ginamit niya ang pakiramdam para damahin ang kapaligiran niya. Naamoy niya ang kakaibang amoy ng ospital at ang kawalan ng paggalaw ng mga tao sa paligid niya.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at totoo ngang nag-iisa siya sa silid. Kumislap sa tagumpay ang mga mata ni Xinghe; unti-unti nang nahuhulog sa lugar ang kanyang plano!

Simple lamang ngunit mapanganib ang kanyang plano, magkukunwari siyang magpatiwakal at pumusta kung ang lalaki ay papatayin siya gamit ang isang bala o ipapadala siya sa ospital.

Base sa pagkakaalam niya tungkol sa lalaki, sigurado siya na hindi ito makakapayag na mamatay siya. Tama siya, dinala nga siya nito sa ospital.

Ngayong nasa ospital na siya, maaari na niyang simulang ang plano ng pagtakas niya.

Tungkol sa kung bakit maaga siyang nagising kung kelan dapat ay mamamatay na siya, ang sagot ay hindi perpekto at malinaw. Marahil ay isa itong hindi sinasadyang epekto ng memory cell, o dahil sa malakas niyang determinasyon at kalooban, o baka dahil ito sa kanyang main character's plot armor, pure and simple. Kahit ano pa, hindi pa ito ang tamang oras para umalis siya sa eksena.

Nang maialis na iyon, nagsimula ng tumakas si Xinghe!

Kapag nagawa niyang makatakas dito ng buhay, sisiguraduhin niya na malalaman ng lalaki ang katumbas ng pagkalaban sa kanya!