Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 314 - Lumitaw na Panganib

Chapter 314 - Lumitaw na Panganib

Gayunpaman, nalaman niya na ang kalaban ay hindi talaga gusto siyang patayin dahil maaari nitong tapusin ang buhay niya ng mas madali. Alam ni Ye Shen na kailangan pa nila ang impormasyon mula sa kanya. May pagkakataon pa siyang mabuhay.

Ang lalaki sa kanyang harapan ay nagtanong na muli, "Ito ang huling pagkakataon na itatanong ko, nasaan ang bagay na iyon?"

Mahirap mang paniwalaan, ngunit noon lamang naunawaan ni Ye Shen na ang tinutukoy ng lalaki ay ang enerhiyang kristal!

Sino ba ang mga taong ito? Paano nila nalaman na may hawak akong enerhiyang kristal?

Ang mga tanong na ito ay lumitaw sa kanyang isip. Gayunpaman, masama pa din siya hanggang sa huli, hindi niya ibibigay ang lokasyon ng huli niyang alas ng ganoon kadali.

"Ako, ibinigay ko ito sa asawa ko… nasa kanya ito, makukuha ninyo ito mula sa kanya…" hirap na lumabas sa bibig ni Ye Shen ang mga salitang ito.

Matapos marinig ito, ang lalaking namumuno ay binigyan ng hudyat ang taong sumasakal kay Ye Shen gamit ang mga mata.

Nanlamig ang mga tingin ng lalaki at hinigpitan ang kanyang hawak.

Nagsimula ng magpupumiglas ng husto si Ye Shen ngunit masyado siyang mahina. Sa loob lamang ng ilang segundo, ang pagpupumiglas niya ay nagsimula ng bumagal, tulad ng isang laruang de susi na nawawala na ng lakas…

Namatay si Ye Shen ng dilat ang mga mata sa hindi pagkapaniwala. Ang huling iniisip niya ay, Tulong, sinabi ko na sa inyo ang gusto ninyong malaman, bakit hindi ninyo ako hinayaang mabuhay? Sino ba kayong mga tao kayo na nagagawa ninyong pumasok at patayin ang kung sinuman sa kulungang ito?!

Sa wakas ay pinakawalan na ng lalaki ang kanyang hawak matapos mamatay ni Ye Shen. Pinalabas nila ang eksena para magmukhang si Ye Shen ang nagbigti sa kanyang sarili…

Para mailigtas ang imahe ng kapulisan, ang kamatayan ni Ye Shen ay hindi isinapubliko. Kahit sina Xinghe at Mubai ay hindi ito alam.

Hindi alam ni Xinghe na paparating na ang isang malaking panganib sa kanya…

Nagsimulang magsaliksik si Xinghe tungkol sa kung ano ang sinabi sa kanya ni Ye Shen matapos niyang bumalik sa villa.

Sinubukan niyang kontakin si Ee Chen sa pamamagitan ng internet ngunit walang nangyari.

Matapos palayasin ito ni Xinghe, nag-AWOL na si Ee Chen. Kung alam lamang niya na mahirap hanapin ang lalaki, sana ay pinamanmanan niya ito. Nagpaikot si Xinghe sa kanyang upuang yari sa balat at inisip kung ang mga sinabi sa kanya ni Ye Shen…

Ang totoo, naniniwala siya sa ilang parte ng sinabi nito, pero ang nakakalungkot, ang mga sagot na ibinigay nito ay nagbigay-daan pa sa mas maraming katanungan. Gayunpaman, magpapatuloy siya sa pananaliksik dahil sa gusto niyang mahanap ang kanyang ina. Ang isang parte ng sarili niya ay nababahala din na ang Propesiya ng Pagkagunaw ng Mundo ay totoo, dahil kung ito ay totoo, kailangan niyang kumilos para sa kanyang anak.

Sa loob ng labinglimang taon, si Lin Lin ay magiging dalawampung taon pa lamang, nagsisimula pa lamang ang buhay nito. Kalokohan na kung kalokohan sa kanyang isip pero kung may totoong spaceship nga kung saan, hahanapin niya ito at isasakay si Lin Lin doon.

Siyempre, isasama din niya ang buong pamilya niya doon.

Nagsimulang kumalas ang mga kaisipan ni XInghe habang nakaupo siya sa upuan. Hanggang sa siya ay nakatulog.

Sa hindi malamang dami ng oras ang lumipas ng magising siya dahil sa isang lindol na tumama sa bahay!

Napalundag siya para umalis ngunit sa oras na tumayo siya, nanghihinang napasalampak siya sa sahig. Ang mga pagyanig ay nagpapahilo sa kanya at pakiramdam niya ay nahihirapan siyang huminga.

Kinurot niya ang sarili ng malakas, pinipilit na gisingin ang sarili. Gayunpaman, nawalan pa din siya ng malay…

Hindi lamang siya ang nag-iisang apektado; ang lahat ng nasa villa ay nawalan ng malay dahil sa pagsabog.

Hindi nila inaasahan na ang villa ay aatakehin ng mga military-grade shock bombs.

Nang dumating si Mubai sa eksena matapos matanggap ang balita, oras na ang lumipas.

Related Books

Popular novel hashtag