Chapter 307 - Parusa

"Ang tanging bagay na nakuha namin mula sa bangko ay ang electronic trail ng mga ilegal mong pagkilos. Matapos lumitaw ng pera sa account mo, hindi mo lamang ito inireport kundi inilipat mo ito sa iyong corporate account, kaya paano mo nasabi na wala kang kinalaman sa laki ng pera na ito?"

"Pero, wala talaga akong kinalaman diyan, ang pera ay ibinigay sa akin ni Xia Meng. Pinag-uusapan na lamang ang p*ta, gusto ko siyang makausap! Kukumprontahin ko siya ng harapan! Binibitag niya ako kasama ang kalaguyo niyang si Xi Mubai!" Hiyaw ni Ye Shen.

Ngumisi muli ang opisyal. "Sakto lamang dahil idinedemanda ka din ni Miss Xia ng pananakit sa kanya habang kasal pa kayo noon. Itinago ng ospital ang mga record ng mga nauna niyang sugat at ngayon ay opisyal ka na niyang inihahabla sa pananakit at dahilan ng kanyang habambuhay na pagkalumpo!"

Nanlaki ang mga mata ni Ye Shen sa hindi pagkapaniwala at takot. Pakiramdam niya ay nahulog siya sa isang malalim na bangin. Kahapon, ang buong mundo ay nasa kanyang paanan, at ngayon ay tinalikuran siya ng buong mundo.

Siguradong pakana ito ng p*tang iyon! Niloko niya ako sa simula pa lamang. Gusto niya akong pabagsakin ng ganito na lang?!

Ikinuyom ni Ye Shen ng mahigpit ang kanyang mga kamao, ang mga mata ay nagbabaga ng kagustuhang pumatay.

"Xia Meng, nangahas kang magplano ng laban sa akin, gaganti ako at pagbabayarin ka ng lubusan!"

Ang pulis sa kanyang likuran ay binatukan siya ng malakas, at ginalitan siya, "Nakalimutan mo na ba kung nasaan ka?! Ang lakas ng loob mong pagbantaan ang kaligtasan ng ibang tao sa harap ng mga pulis? Iminumungkahi ko na sa iyong ikumpisal mo na ang mga kasalanan mo at baka tulungan ka namin na mapagaan pa ang sentensiya mo."

Pinandilatan ni Ye Shen ang mga pulis at tumawa. "Hindi! Wala kayong makukuhang kahit ano mula sa akin!"

Ngumiti lamang sa kanya ang mga pulis. "Sige, pero huwag kang mag-alala, may mga paraan kami para mapakumpisal ka."

"Subukan ninyo ako! Kung kaya ninyo, patayin ninyo ako!" tuya ni Ye Shen. Akala niya ay walang magagawa sa kanya ang mga pulis.

Dahil sa ipinagbawal na ang pisikal na pagpapahirap dahil sa karapatang pantao, mayroon namang mga paraan kung paano pahihirapan ang mentalidad na nasasakop pa ng legal na pamamaraan, at natikmang ito lahat ni Ye Shen.

Ang malakas na pangangalampag sa pinto kung kailan makakatulog na siya, ang pagbabawal na bigyan siya ng paggamit ng banyo ng pribado, ang pagtutok ng ilaw sa kanyang mga mata sa gabi… Pero para sa kahanga-hangang si Ye Shen, nalampasan niyang lahat ng ito.

Tumanggi siyang magkumpisal dahil sa oras na ginawa niya ito, alam niyang katapusan na niya. Gayunpaman, dahil hindi naman siya pisikal na sinaktan ng mga pulis, wala siyang laban sa mga ito dahil walang sugat na makakapagpatunay na sinaktan siya ng mga pulis. Kapag nanlaban siya, maaari siyang saktan ng mga pulis at sabihing dinidipensahan nila ang kanilang mga sarili. Matatalo lamang si Ye Shen sa lahat ng gagawin niya.

Ilang araw ng hindi makatulog si Ye Shen. Ang hindi pagbibigay ng tulog, isang paraan ng pagpapahirap mula sa Soviet internment camps, ang nagpapahina na sa kanya. Ang kanyang lakas ay nauubos na halos hindi na niya maigalaw ang kanyang katawan.

Gayunpaman, ayaw pa din niyang magsalita at iginigiit na gusto niyang makipagkita kay Xia Meng araw-araw.

Tinatanggihan ni Xinghe ang kagustuhan nitong makita siya, dahil hindi pa ito ang tamang oras. Hindi pa sumusuko ang utak ni Ye Shen. Sa pagkakataong iyon lamang magsasalita si Ye Shen para ibigay ang mga impormasyong kailangan niya.

Alam ni Xinghe ang tungkol sa mga pagpapahirap kay Ye Shen pero hindi siya apektado dito.

Ito ang gusto ni Mubai sa kanya. Hindi siya tumitigil laban sa mga taong hindi pinalad na sinagad ang kanyang bottom line.

"Sinabi ni Lu Qi na may progreso na sa kanyang parte. Malapit ng makumpleto ang pananaliksik," masayang balita ni Mubai kay Xinghe.

Kasalukuyan silang umiinom ng tsaa sa likurang hardin ng villa. Ang lugar na ito ay nakatago at may pribadong pakiramdam. Gustung-gusto ni Mubai na makasama siya dito tuwing hapon.

Pakiramdam niya ay bumabalik ang enerhiya niya matapos ang tsaa sa hapon. Nakahiwalay sa labas, tila silang dalawa lamang ang nasa buong mundo; nabubuhay siya para sa pakiramdam na ito.

Tumango si Xinghe. "Hindi kailangang magmadali hanggang ang pananaliksik ay maging matagumpay sa bandang huli."

Related Books

Popular novel hashtag