Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 302 - Humihingi ng Kamatayan!

Chapter 302 - Humihingi ng Kamatayan!

Sinira ng lalaki ang buhay ni Xia Meng at ngayon ay ang lakas ng loob nito na manghingi ng malaking halaga para sa diborsyo.

 Nagtataka si Xinghe, gaano ito naging ganito kawalang-hiya?

Hindi nararapat ang pag-uugaling ito sa isang tao, lalo na sa isang lalaki!

"Kung ganoon, magkano ba ang gusto mo?" Mabagal na tanong ni Xinghe, sinusubukang makita kung gaano kakapal ang mukha ng traydor na ito sa kanyang harapan.

Puno ng kasabikan siyang tiningnan ni Ye Shen at itinaas ang isang bukas na palad.

"5,000,000 RMB?"

"Dagdagan mo ng dalawang zero."

Limang daang milyon, gusto ng baboy na ito ng limang daang milyon?!

"Mas maigi pa na mangholdap ka na lamang ng bangko," suhestiyon ni Xinghe.

Kumurap si Ye SHen na tila hindi niya naiintindihan ang sinasabi ni Xinghe. "Masyado ba iyong malaki? Ang halagang iyon ay napakaliit lamang para sa Xi Family. Xia Meng, isipin mo, ang bayaran ako para sa diborsyo ay hindi na masamang kasunduan para sa iyo na rin. Narinig ko na binata na muli si Xi Mubai, ang orihinal na kasunduan niya sa pagpapakasal ay naputol na. Matapos mong makipaghiwalay sa akin, maaari mo na siyang habulin ng husto kaya naman nakikita mo na talagang tinutulungan kita rito."

Tinitigan siya ni Xinghe na tila isa siyang klase ng halimaw. Malamig siyang tumawa. "Ngayon ko lamang sasabihin, talagang naliwanagan ako na may isang taong kasuklam-suklam talaga.

Ano'ng klaseng itim na mahika ang nagsulsol kay Xia Meng na mahulog sa isang… bagay na tulad nito sa simula pa lamang? Hindi ko ito kailanman maiintindihan.

Lumapit sa kanya si Ye Shen at nagpaliwanag sa isang nagsusulsol na boses, "Ginagawa ko ito para lamang sa iyo. Alam kong hindi ka na masaya na kasal sa akin kaya naman mas maaga kang madiborsyo sa akin, mas mapapadali na magkaroon ka ng relasyon kay Xi Mubai. Siyempre, hindi mangyayari iyon hanggang nananatili kang asawa ko, kaya naman dapat ay pasalamatan mo akong talaga."

Nandidilat na tinitigan siya ni Xinghe bago nito sinabi, "Hindi ka ba natatakot na ang unang gagawin ko matapos kong akitin si Mubai, tulad ng sinasabi mo, ay ang paghigantihan ka?"

Biglang nagsimulang tumawa si Ye Shen na tila nakarinig ito ng pinakamagandang biro sa buong mundo. Hinawakan pa nito ang tiyan nito sa isang kakatwang ayos.

"Xia Meng, hindi ko akalain na magaling kang magbiro… hahaha…" Hindi mapigilan ni Ye Shen na tumawa. Tinatawanan niya ang katangahan ni Xia Meng.

Akala talaga ng p*ta na ito na interesado sa kanya si Xi Mubai? Sumosobra na talaga ito. Ang tangang p*ta na ito ay talagang iniisip na gugustuhin ni Xi Mubai ang tira ko?

Siyempre, hindi niya sasabihin ng malakas ang mga saloobing ito. Matapos ang ilang malalakas na tawa, napakalma niya ang sarili para sabihin ang, "Huwag kang mag-alala, kapag nagawa mo siyang mapaibig sa iyo at mapakasalan ka, sige, paghigantihan mo ako ng buong lakas mo. Hihintayin kita at pangako iyon. Hindi kita sisisihin kung ano ang mangyayari sa hinaharap, gusto ko lamang kumita ngayon."

"Ang bait mo naman," sabi ni Xinghe ng nakangisi. Binibigyan siya ni Ye Shen ng permiso na sampalin ito ng lubusan. Tatamasahin niya ito, sigurado iyon.

Naguluhan si Ye Shen kung ano ang ibig sabihin niya. Wala din siyang pakialam na ipaliwanag ito dito, kaya malamig siyang nagtanong, "Pipirmahan mo ang mga papeles para sa diborsyo kapag binigyan kita ng limang daang milyon?"

"Tama iyon, huwag na din nating kalimutan ang bagay na ipinangako mo sa akin. Ang bagay na iniwan sa iyo ng tatay mo," paalala sa kanya ni Ye Shen, na naglalaway sa sobrang pagkagahaman, "Matapos mong ibigay sa akin ang lahat, pangako ay didiborsyohin kita agad at hindi na magpapakita pa sa buhay mo kailanman! Pero kapag hindi mo ibinigay, Xia Meng, mananatili kang pag-aari ko, at gagawin ko na bigyan mo ako ng maraming anak. Sigurado akong ayaw mo noon, tama? Ito lamang ang tamang pagkakataon na ibibigay ko sa iyo para makuha ang diborsyo sa akin, kaya naman, Xia Meng, alam ko na ang isang matalinong babae tulad mo ay alam kung ano ang gagawin."

Pakiramdam ni Xinghe ay masusuka siya.

"Pag-iisipan ko ito." Nandidiring napasimangot si Xinghe.

Napatalon sa kasabikan si Ye Shen. "Sige, pag-isipan mo ng maigi. Tawagan mo ako kapag tapos ka na. Hihintayin kita!

Pagkatapos ay umalis ito ng umiindayog ang baywang sa sobrang kasiyahan.

Masyado itong nalulong sa kasiyahan para mapansin ang isang nakakamatay na tingin na nakadirekta sa kanya mula sa likuran.

Lumabas si Mubai mula sa isa sa mga silid at nakatitig sa likuran ni Ye Shen, tinatandaan na ito para sa kamatayan.

Binigyan siya ng tingin ni Xinghe at nagtanong, "Ano ang tingin mo sa kanyang mungkahi?"

"Humihingi siya ng kamatayan." Malamig na pagpapasiya ni Mubai.

Related Books

Popular novel hashtag