Hindi maiwasan ni Xinghe na maawa kay Xia Meng. Napipilitan siyang tulungan si Xia Meng na makalayo sa mga ganitong klase ng tao o makukunsensiya siya matapos na magkapalit na sila ng alaala.
Kaya naman, dudurugin na ni Xinghe si Ye Shen habang siya pa din si Xia Meng.
Iniwasan ni Xinghe si Ye Shen ng isang linggo hanggang hindi na kaya pang manatili ng kumpanya ni Ye Shen.
Para ipakita ang kanyang 'sinseridad', araw-araw na ginugulo ni Ye Shen si Xia Meng, hindi pinapansin ang kanyang mga responsibilidad sa negosyo, pero hindi kakikitaan ng paglambot ng puso si Xinghe.
Nang dahil sa nauupos na ang kandila sa parehong dulo, natataranta na si Ye Shen tulad ng isang langgam na nasa isang mainit na kaldero. Ang kanyang mukha ay nahahapis na at lumitaw na ang maiitim na bilog sa ilalim ng kanyang mata.
Hindi na makayanan ni Mrs. Ye na makita ang anak na ganoon, kaya naman isinama niya si Ye Qin para personal na kumprontahin si Xinghe.
Ang inakala niya, dahil sa posisyon niya bilang biyenan, ay yuyuko si Xia Meng sa kanyang katandaan at awtoridad.
Para ipakita na mas nakakataas siya kay Xinghe, agad niyang ipinakita ang kanyang impluwensiya sa oras na lumabas siya ng kotse. Inutusan ni Mrs. Ye ang mga guwardiya na tila pagmamay-ari niya ang lugar, "Sabihan ninyo si Xia Meng na lumabas para salubungin ako! Kung tumanggi siya ay mananatili ako dito buong araw at ipaalam sa lahat na ganito niya tratuhin ang biyenan niya!"
Matapos na pumasok ang guwardiya para magbalita, lumabas si Xinghe para salubungin sila.
Matagumpay na ngumisi si Mrs. Ye nang makita si Xinghe. "Xia Meng, isa kang kahihiyan sa ating Ye Family! Hanggang parte ka pa din ng pamilya Ye, kailangan mong dalhin ang pangalan na ito ng may paggalang at dignidad, kaya paano mo nagagawang kumilos ng ganito at bigyang kahihiyan ang pangalan ng ating pamilya? Sumunod ka sa akin pauwi ngayon na, naririnig mo ba ako?"
"Isang kahihiyan?"
Hindi maiwasan ni Ye Qin na sumabat at pagalitan si Xinghe, "Oo, Xia Meng, isa kang kahihiyan dahil isa kang puta! Inakit mo si Xi Mubai at tumangging umalis sa lugar niya, nakalimutan mo na ba na kasal ka pa? Nakakahiya!"
"Ang lahat ba ng sinabi nila ay nai-record mo?" Humarap si Xinghe sa guwardiya at nagtanong.
Tumango ang guwardiya. "Huwag kayong mag-alala, Miss Xia. Lahat ay naka-record."
"Magaling, kapag nagpatuloy sila ng paninira sa akin, ipadala mo ang recording kay Mubai. Hayaan mo na siya ang umayos diyan."
"Yes!"
Nalukot ang mga mukha nina Mrs. Ye at Ye Qin. Nangahas ang b*tch na ito na bantaan kami sa pamamamagitan ng pagbanggit kay Xi Mubai?
Ang galit ni Ye Qin ay sumabog na. "Xia Meng, huwag mong isipin na, dahil sa pinapaboran ka ni Xi Mubai ay magagawa mo na ang lahat ng gusto mo. Hindi magtatagal at makikita din niya ang mga panlalansi mo; pag-aari ka ng kapatid ko, kaya dapat ay panatilihin mong malinis ang iyong mga galaw!"
"Mukhang totoo nga na nangangaliwa kayo ni Xi Mubai," saway ni Mrs. Ye sa kanya ng husto, "Xia Meng, isa kang walang hiyang babae! Hindi ka dapat tinanggap ng Ye family ko para tanggapin ka noong una pa lamang!"
Ibinagsak ni Xinghe ang bungkos ng mga papel sa harap nito. "Kaya papirmahan mo ang lahat ng ito kay Ye Shen. Mapapalayas mo na ako sa wakas."
Tapos na si Xinghe na pababain ang sarili bilang isang Ye. Pakawalan nila siya at ang lahat ay magiging masaya.
Natigilan sina Mrs. Ye at Ye Qin habang tinititigan ang bungkos ng mga papeles para sa diborsyo.
Bigla ay dinuraan ni Ye Qin ang mga papeles. "Itatapon ka na lamang ng kuya ko kapag tapos na siya sa iyo, wala kang karapatan na makipagdiborsyo sa kanya bago iyon!"
"Ang Ye Corps ay malapit ng malugi, tama?" Bigla ay komento ni Xinghe mula sa kawalan.
Nag-iba ang mukha ng mag-ina. Paano niya ito nalaman?
"Papirmahan ninyo ang mga divorce papers na ito kay Ye Shen, at baka maawa ako para bigyan siya ng pinansiyal na tulong. Ito na ang huling pagkakataon na iaalok ko kaya alalahanin ninyong kuhanin ang papel kasama ninyo." At matapos noon ay pumasok na pabalik sa bahay si Xinghe.