Sa ibang kadahilanan, may pakiramdam si Xinghe na ang Project Galaxy na ito ay mas malaki kaysa sa una niyang inakala.
Wala siyang masyadong alam tungkol sa proyekto dahil ang ibang malalaking impormasyon tungkol dito ay nakatago sa mga lugar kung saan naglalagi ang panganib.
Kung mayroong panganib, kailangang malaman niya ang lahat sa pinakamadaling panahon para makapaghanda siya.
Naniniwala siya na ang isa ay hindi naghahanda para matalo kundi matatalo kung hindi sila naghanda.
Kaya naman, kailangan niyang makuha ang mga itim na kahon na nasa kamay nila Xia Meng at Ye Shen.
Isa pa, kailangang makuha niya ang mga impormasyon na ito mula kay Ye Shen. Kaya naman, ang pakikipagpalitan ng alaala kay Xia Meng ay maikukunsiderang hindi na din masama.
Para magsimula, nagsaliksik na si Xinghe tungkol sa ama ni Ye Shen, si Mr. Ye na napansin niyang wala.
Hindi na nakakapagtaka, ang ama ni Ye Shen ay nagpakita din sa City T 30 taon na ang nakakaraan, at naglaho 12 taon na ang nakalipas.
Kung susumahin, naunawaan na ni Xinghe na ang mga ama nila Ruobing, Xia Meng at Ye Shen ay may kinalaman sa Project Galaxy.
Kaya naman, bakit nag-iisa ang nanay niya?
Masyadong maraming misteryo na nangangailangang maresolbahan at sumumpa siya na aalamin niya ang puno't dulo nitong lahat.
…
Ang araw na iyon ay makasaysayan para sa Ye Family. Masyadong maraming nangyari sa loob ng 24 oras; ang bilang ng mga mahahalagang pangyayari ay hindi nila inaasahan. Masyadong maraming nakakabiglang rebelasyon.
Paano nakilala ni Xia Meng si Xi Mubai? Isang kilalang tao si Xi Mubai sa buong Hwa Xia. Kahit na noong sinubukan ni Ye Shen na makipagnegosasyon sa Xi Empire, hindi ito ang nakipag-usap sa kanya. Siguradong wala ding pakialam si Xi Mubai na malaman kung ano ang pangalan ni Ye Shen.
Ngunit, ang business legend na ito ay hindi lamang kilala si Xia Meng kundi tinangay pa ito paalis! Nang malaman ni Ye Shen ang balitang ito, hindi siya makapagsalita sa kabiglaanan.
Gayunpaman, matapos niyang kumalma at mag-isip tungkol doon, ang pangyayaring ito ay maaaring magdala ng benepisyo sa kanya.
Mula sa kung anong sinabi ng kanyang ina sa kanya, grabe ang pagtatanggol ni Xi Mubai kay Xia Meng. Ang pagkakasiwalat ng mga sikreto ng korporasyon ng Ye Corps idagdag pa ang taon ng maling pamamalakad ay itinutulak na ito paunti-unti sa pagkabangkarote.
Kung makukuha lamang niya ang tulong ng Xi Empire sa pamamagitan ni Xia Meng, ang lahat ng problema niya sa negosyo ay mawawala.
Habang iniisip ni Ye Shen ang plano na ito, mas sumasaya siya. Gayunpaman, mas masaya siya sa sarili dahil naisip niyang lokohin si Xia Meng na pakasalan siya maraming taon na ang nakakaraan. Isa pala itong mahusay na kasangkapan.
Ang isipin na hindi siya tutulungan ni Xia Meng ay hindi man lamang sumagi sa kanyang isip. Sigurado siya na patatawarin siya ni Xia Meng pagkatapos niyang bigyan ito ng ilang matatamis na salita at pagmamakaawa. Masyadong malambot ang babaeng ito.
Nasiyahan na si Ye Shen sa kanyang plano at masayang naghintay sa bahay para sa pagbabalik ni Xia Meng. Noong umaga na iyon ay nag-aalala siya na matatapos na ang Ye Corps, pero ngayon ang tagapagligtas niya ay lumitaw sa kaanyuan ni Xia Meng. Hanggang maloloko niya si Xia Meng na maniwalang mahal niya ito ang lahat ng problema niya ay mareresolbahan.
Naghintay si Ye Shen kay Xia Meng na umuwi ng buong araw pero, hindi na kailangang sabihin pa na hindi siya lumitaw.
Sa wakas, nagdesisyon siya na personal na puntahan ito sa Jade Purple Villas.
Siyempre, hindi siya gustong makita ni Mubai kaya naman wala siyang nakuhang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Xia Meng. Para ipakita ang kanyang sinseridad, nanatili si Ye Shen sa harap ng gate ng Xi Family. Kahit na gaano kadaming beses na siyang pinaaalis ng mga guwardiya, hindi ito natitinag.
Nang marinig ito ni Xinghe, hindi niya maiwasan na hindi tumawa.
"Hayaan ninyo siyang maghintay, sabihin ninyo sa kanya kung nasaan ako bukas ng umaga," sinabi niya kay Mubai sa pamamagitan ng telepono.
"Okay. Pero mag-iingat ka, tawagan mo ako kung may kailangan ka. Sapat na ba ang security diyan?" Ang boses ni Mubai ay may langkap na pag-aalala.
Binigyan na siya ni Mubai ng sampung bodyguard sa villa na kung saan siya nito itinalaga.
Inobserbahan ni Xinghe ang grupo ng mga bodyguard na nagpapatrolya sa ibaba at ngumiti sa sobrang pag-aalala ni Mubai.
"Hindi mo na kailangan pang mag-alala; ang mga guwardiya dito ay higit pa sa sapat. Hindi pa ganoon kadesperado si Ye Shen na makakagawa ito ng anumang kabaliwan… sa ngayon."