Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 293 - Isang Sobrang Nakakatakot na Isipan

Chapter 293 - Isang Sobrang Nakakatakot na Isipan

"Paano mo kami aasahan na magtiwala sa iyo kung nakagawa ka na ng bagay na makakasama kay Xinghe?" Humakbang palapit si Mubai at tinitigan ng masama ang kaibigan niya.

Napatungo sa kahihiyan si Lu Qi. "Tama ka, lubos akong humihingi ng patawad."

"Lu Qi, tapos na ang pagkakaibigan natin!" Walang emosyong anunsiyo ni Mubai. Bahagyang nanginig ang mga mata ni Lu Qi at nalungkot ang mukha nito.

"Naiintindihan ko. Wala na akong karapatan na tawagin kang kaibigan pa," mahina nitong sinabi at tinanggap ang pangyayaring ito.

Dahil nararapat lamang sa kanya na tanggapin ang pagtrato na ito dahil sa sinira niya ang tiwala ng kaibigan niya.

"Doctor Lu, ikaw ba ang nagpreserba ng alaala ko?" Biglang tanong ni Xinghe.

Nagulantang si Lu Qi bago niya naunawaan ang ibig nitong sabihin.

"Ang orihinal na plano ni Xia Meng ay ang lubusang burahin ang alaala ko, hindi ba?" Diin ni Xinghe.

Natawa sa sarili si Lu Qi. "Napahanga mo ako na nalaman mo din iyan. Oo, ang orihinal niyang plano ay burahin ang alaala mo at gampanan ang buhay mo ng lubusan. Ayaw na niyang maging Xia Meng pa. Hindi na niya kayang mabuhay sa dati niyang buhay."

"Kung gayon, bakit nailigtas sa bandang huli ang alaala ko? At bakit ako ang pinili ni Xia Meng? Ni hindi nga namin kilala ang isa't isa bago ito nangyari," tanong ni Xinghe.

Nagulat si Mubai. Dahil ba talaga kay Lu Qi na prineserba ang alaala ni Xinghe at pinanatili itong buhay?

Pareho ang katanungan niya tulad ni Xinghe. Bakit pipiliin ni Xia Meng ang buhay ni Xinghe para gampanan, at tulad nga ng sinabi ni Xinghe, hindi nila kilala ang isa't isa…

Napabuntung-hininga si Lu Qi at nagsimula ng magpaliwanag, "Sa bandang huli, lahat ng ito ay kasalanan ko. Lubha akong napahanga sa katapangan at talinong ipinamalas mo noong kaarawan ni Lin Lin. Isang beses na nagpakita si Xia Meng para sa kanyang pisikal at psykolohikal na gamutan, nakita ko kung gaano siya kalungkot kaya naman ikinuwento ko sa kanya ang kuwento mo, umaasa na magbibigay ito ng lakas ng loob at inspirasyon sa kanya. Pero ang nagawa ko lamang ay bigyan ito ng obsesyon. Tatanungin niya ako na magkwento pa ng tungkol sa iyo tuwing pumupunta siya sa aming mga sesyon." Dito ay nakamot ni Lu Qi ang baba at nahihiyang nagpatuloy, "Dahil interesado din ako bilang lalaki kay Miss Xia nagsaliksik din ako ng sarili ko. Gusto din niyang malaman ang tungkol doon…"

"Marahil ang kwento mo ang nakaantig ng husto sa kanya kaya nainggit siya ng husto sa iyo. Hanggang sa nagdesisyon ito na gusto niyang maging ikaw. Alam kong isa itong psykolohikal na sakit dahil ang akala niya na ang mabuhay na bilang ikaw ang mag-aalis sa kanya sa kanyang hirap at ito lamang ang tanging pag-asa na mayroon siya sa buhay niya. Nakiusap nga siya sa akin na burahin ng lubusan ang alaala mo para lubos na mapalitan ka niya pero hindi ako pumayag. Sa wakas, nakipagkompromiso siya sa isang memory swap, dahil sa, ang layunin niya ay makatakas mula sa Ye Family."

Ayun pala ang buong istorya… ang bawat piraso ng palaisipan ay napunta na sa kanilang lugar.

Buhat doon, may nakakatakot na realisasyon si Xinghe.

Marahil ang babaeng nagpakasal kay Mubai sa nauna niyang panaginip ay hindi si Chu Tianxin kundi siya, iyon lamang ay ang Xia Xinghe na iyon ay napalitan na ni Xia Meng!

Kung hindi isinalba ni Lu Qi ang kanyang memorya, ang kamalayan ni Xia Xinghe ay maaaring patay na.

Pagkataps noon, napalitan na siya ni Xia Meng at nakipagbalikan kay Mubai. Siyempre, dahil hindi naman si Xia Meng ang tunay na siya, hindi nito tatratuhin ng maayos si Lin Lin tulad niya.

Lumayas sa bahay si Lin Lin marahil ay dahil sa inaakala nitong pinabayaan na siya ng sarili niyang ina…

Habang mas iniisip ito ni Xinghe, mas nagiging sigurado siya na ito ang ibig ipakita sa kanya ng kanyang panaginip!

Sa tinagal-tagal, ang inakala niya, matapos maalis si Chu Tianxin, ang anak niya ay magiging ligtas, pero nagkamali siya.

Matapos ni Chu Tianxin, nandiyan pa si Xia Meng!

Kung hindi ipinilit ni Lu Qi na itago ang alaala niya, magtatagumpay ang plano ni Xia Meng.

Hindi siya takot sa kamatayan, pero natatakot siya na si Lin Lin ay magkakaroon ng isang nanay na hindi naman talaga nito ina! Ang karumal-dumal na kamatayan nito ay hindi mababago!

Kaya naman, kahit na binigo siya ni Lu Qi, nagpapasalamat pa din siya dito na nagdesisyon ito na panatilihing buhay ang alaala niya.

"Pumapayag ako na kalimutan ang lahat ng ito kung mapagtatagumpayan mong maibalik ang memorya ko." Sabi ni Xinghe.

Related Books

Popular novel hashtag