Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 289 - Ikaw pa rin ay Ikaw, Ako pa rin Ako

Chapter 289 - Ikaw pa rin ay Ikaw, Ako pa rin Ako

Ang tanong na ito ay nagpalito kina Xinghe at Mubai.

Pumikit si Mubai para mag-isip. "Sinabi mo ba na memory lineage?"

Tumango si Xia Meng. "Tama iyon."

Agad na sumagot si Mubai, "Kahit na may mga siyentipikong nagtatrabaho nito sa brain technology, wala pa ang nakakakuha ng tagumpay sa ngayon."

Ito ay dahil isa itong kumplikadong paksa para sa pananaliksik. Ang hirap nito ay maihahalintulad sa isang prehistoric na tao na nagsasaliksik ng genetic engineering.

Maaaring hindi man ito eksaktong tama, dahil mas madali naman sa modernong tao ang makakuha ng tagumpay kaysa sa isang sinaunang tao.

Tumangong muli si Xia Meng. "Oo, theoretically speaking, wala pa ang nakakakuha ng tagumpay sa pananaliksik ng mga pamamaraan na ito… pero may nakagawa na. Hindi ba at ang sitwasyong ito ang pinakamagandang pruweba?"

Napasimangot si Xinghe habang nag-iisip ng malalim. "Sa madaling salita, ginamit mo itong memory lineage technology sa akin? Ang alaala ko ay napasa sa utak mo at ang sa iyo papunta sa akin?"

Nasorpresa si Xia Meng na nakuha nito kaagad ang ibig niyang sabihin.

Bahagya siyang tumango. "Iyon na nga iyon. Nagpalit lamang tayo ng alaala, kaya sa katotohanan, ikaw pa din ay ikaw at ako pa rin ay ako. Kung sasabihin naman na iisipin mong naging ikaw ako pero hindi iyon lubusang totoo. Ito ay dahil ang utak ko ay napupuno ng mga alaala mo kung kaya nasasapawan nito ang orihinal na alaala ko, kaya nagbibigay ilusyon ito na ikaw ay naging ako, pero hindi naman talaga tayo nagkapalit. Sana, hindi naman masyadong nakakalito yung sinabi ko."

Tumango si Xinghe. "Sa tingin ko ay nakuha ko na. May mga paraan naman talaga na mapapaniwala mo ang isang tao na nagbagong-anyo sila sa tulong ng future technology. Hanggang ang kanyang alaala ay naipalit sa alaala ng iba, maaring mapaniwala siya na siya ay ibang tao. Maihahalintulad ito sa hipnotismo, ngunit mas teknikal lamang ang uri."

"Oo, lahat ng ito ay may kinalaman sa memorya ng tao at kamalayan, ngunit ang memory lineage technology ay walang dugtungan dahil sa ang mga alaalang naitago sa utak ay tunay at aktwal na naranasan ito. Kaya naman, sa pagpuwersa ng alaala, maging ang kamalayan at natatagong kaisipan ay maaaring masalamin ang sa ibang tao."

"So, sino ang nakaperpekto ng ganitong teknolohiya?" Direktang tanong ni Xinghe.

Ito ang milyong dolyar na katanungan. Kahit si Mubai ay nag-uusisa na malaman kung ano ang tunay na katauhan ng maylikha na nakaperpekto ng kahanga-hangang teknolohiya na ito.

Pareho silang tiningnan ni Xia Meng at binigyan sila ng sagot na nagpabigla sa kanilang dalawa, "Ang aking ama."

Ang tatay ni Xia Meng?

Habang nasa kabiglaanan pa na estado si Mubai, may naunawaang bagay naman si Xinghe. "Pero base sa iyong personal na impormasyon, ang tatay mo ay naglaho maraming taon na ang nakakaraan!"

"Nawala nga at ang pananaliksik niya ay ang tanging bagay na iniwan niya sa akin. Ginamit niya ang teknolohiyang ito para makagawa ng isang bagay na tinatawag na memory cell. Matapos na ma-implant ang memory cell na ito sa isang tao, matapos ang ilang oras, ang cell na ito ay kokopyahin ang memorya ng taong ito ng lubusan. Matapos iyon, maaari mo nang ilagay ang memory cell ng may nakopyang memorya sa katawan ng ibang tao at ang taong iyon ay magkakaroon ng mga nakopyang alaala…"

Nang marating ni Xia Meng ang parteng ito ng kwento, naintindihan na nila Xinghe at Mubai ang lahat!

"So, kakutsaba mo pala si Lu Qi?"

Maawtoridad na tanong ito ni Mubai at ang atmospera sa loob ng silid ay bumagsak ng ilang antas.

Maliban kay Lu Qi, sino pa ba ang magkakaroon ng oportunidad na i-implant ang memory cell kay Xinghe at matapos noon ay alisin ito?

Nalinawan din si Xinghe. "Kailan niya isinagawa ang pag-iimplant? Matapos ba ito ng aksidente, sa unang pagkakataon na sinuri niya ako?"

"Ang ibig sabihin nito, walang tumor sa utak ni Xinghe noon pa man?" Tanong ni Mubai.

Muli ay napahanga si Xia Meng sa katalinuhan ng dalawa.