Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 281 - Narito si Xi Mubai

Chapter 281 - Narito si Xi Mubai

Nahawa ng kanyang pagkabalisa si Mrs. Ye.

Ang biglaang pagdating ni Xi Mubai ay nagbigay ng malaking kagalakan sa pamamahay na ito tulad ng isang sorpresang regalo mula sa langit.

"Bilis, dalhin mo ako sa kanya para malugod na tanggapin siya! Tawagan ninyo ang Young Master, sabihin mong umuwi siya agad, sabihin ninyo na hinahanap siya ni CEO Xi," masayang sambit ni Mrs. Ye.

Agad na ipinalupot ni Ye Qin ang kanyang kamay sa braso ng ina. "Mom, susunod ako sa iyo."

Agad na inilabas ng guwardiya ang telepono para bigyan ng tawag si ye Shen pero mabilis nitong naalala ang anomalya.

Nagdadalawang-isip na sinabi nito kay Mrs. Ye, "Madam… sinabi ni CEO Xi na ang gusto niyang makita ay si Young Mistress at hindi ang Young Master."

"Ano?" Sabay na sambit ni Mrs. Ye at ng anak nito ng may pagkalito.

Nang dumating ang guwardiya para ibalita sa kanila ito, masyado silang naging masaya ng marinig ang pangalan ni Mubai para bigyang atensiyon ang iba pang detalye.

Natural lamang na inakala nila na narito ito sa negosyo para makausap si Ye Shen, hindi ang asawa nito!

Pinandilatan ni Ye Shen si Xinghe ng may panunuya at inggit. "Gusto niyang makita ito? Bakit?"

Kahit si Mrs. Ye ay hindi makapaniwala. "Nagkamali ka siguro ng rinig? Nandito talaga si CEO Xi hindi para makita si Ye Shen kundi siya?"

Kalmadong sumagot ang guwardiya, "Wala akong ideya pero iyon ang sinabi ni CEO Xi. Narito siya para makita si Young Mistress Xia."

"Wala silang negosyong pag-uusapan; baka naman nagkamali ka ng dinig!" Inis na argumento ni Mrs. Ye.

Tumango si Ye Qin. "Oo nga, baka namali ka ng rinig sa kanya. Si Xia Meng ay mas mababa pa sa taong basura at siguradong walang koneksyon sa isang importanteng tao tulad ni CEO Xi. Kaya paano ito pupunta dito para makita siya? Mom, halika nang kitain siya at personal na magtanong, nandirito marahil siya para katagpuin ang kapatid ko, maniwala ka sa akin."

Tumango si Mrs. Ye at iginiya na si Ye Qin patungo sa front door.

Nagtatalo ang kalooban ni Xinghe pero hindi ito nakikita sa kanyang kalmadong hitsura.

Nandirito si Mubai… ang maiksing pag-uusap namin online ay nagbigay ng suspetsa sa kanya? Mabuti, dahil pupuntahan ko naman siyang talaga.

Sumunod si Xinghe matapos ng iba. Masyado silang abala sa pagpokus sa pagtanggap kay Mubai kaya naman nalimutan na siya ng mga ito.

Agad na narating nila Mrs. Ye at Ye Qin ang gate. Isang itim na mamahaling black limo ang nakaparada sa labas ng gate at si Mubai ay nakaupo sa likuran ng nakabukas ang kanyang bintana.

Sa likod ng kanyang limo, mayroon dalawa pang ibang sasakyan para sa kanyang mga bodyguard. Ang mga bodyguard ay nakatayo sa labas ng pintuan ng kotse, ang bawat isa sa kanila ay nakakahanga at mukhang masungit.

Bumilis ang tibok ng puso nila Mrs. Ye at Ye Qin habang minamasdan ang parada ng mga ito. Lalo na si Ye Qin, ang kanyang tingin ay awtomatikong napako sa perpektong mukha ni Mubai.

Hindi kumukurap na tinitigan niya ito, ang kanyang laway ay halos tumulo palabas ng bibig nito.

"CEO Xi, paumanhin kung hindi namin maibigay sa iyo ang mas magarbong pagsalubong dahil sa biglaan mong pagdating," sabi ni Mrs. Ye na makikita ang respeto, "Sigurado ako na naririto ka para bisitahin ang aking si Ye Shen. Kaaalis lamang niya para magtrabaho ilang oras na ang nakalipas, pero sigurado akong pauwi na din siya. Bakit hindi mo kami samahan sa bahay at hintayin na lamang natin siya habang nagta-tsaa?"

Hindi nakita ni Mubai si Xia Meng kaya sumagot ito sa nakakatakot na tinig, "Ipagpaumanhin ninyo pero hindi ako naririto para kay Mr. Ye. Nasa bahay ba si Miss Xia?"

Nanigas ang ngiti sa mukha ni Mrs. Ye. Kahit si Ye Qin ay natigilan at nagising sa kanyang pangangarap. Nagsulyapan sila sa isa't isa habang nasisira ang kanilang mood.

Naririto talaga si Xi Mubai para makaharap ang pilantod na iyon! Pero paano ito naging posible?

Nagpakawala ng pilit na ngiti si Mrs. Ye at nagtanong, "Hindi ka naririto para makita si Ye Shen… kundi ang asawa niya?"

Binigyang-diin niya ang huling parte ng kanyang tanong, na tila ipinahihiwatig kay Mubai na hindi tama ang pagbisita nito sa asawa ng may asawa.

Nagdilim ang mga mata ni Mubai at inulit na tila hindi nito naintindihan ang lihim na akusasyon nito. "Mayroon kaming dapat pag-usapan ni Miss Xia, pakiusap ay palabasin na ninyo siya dito."

"Wala siya dito sa bahay!" Biglang sabad ni Ye Qin.

"Sino ang nagsabing wala ako sa bahay?" Ang kalmadong boses ni Xinghe ay umalingawngaw mula sa likuran.