Pero paano kung hindi siya naniniwala sa akin?
Kaya naman, imbes na sabihin ito ng direkta at aminin na siya si Xinghe, nagdesisyon siya na bigyan muna ito ng pagdududahan.
Ang pangalan ng host ko ay si Xia Meng, ang Young Mistress ng Ye Family.
Naningkit ang mga mata ni Mubai sa pahayag na ito at ng humilig siya para i-type ang susunod niyang tanong, isang katulong ang nagmamadaling pumasok sa kanyang study at nasasabik na nagsalita, "Young Master, gising na si Miss Xia, gising na siya!"
Napatalon mula sa kinauupuan si Mubai, ang puso niya ay punung-puno ng galak.
"Talaga?" Tanong niya na nagmamadali.
"Oo, kakagising lamang niya."
Handa ng magmadaling tumungo si Mubai kay Xinghe pero nagdalawang-isip siya ng ilang sandali.
Sinulyapan niya ang kanyang computer at sa wakas ay nagpasya na patayin ito. Matapos noon ay tumakbo siya para tingnan si Xinghe.
Nakapalibot ang mga doktor at nars sa paligid ni Xinghe. Gising na siya ng ilang sandali ng dumating si Mubai.
"Xinghe—"
Nasasabik niyang tinawag ang pangalan nito nang makita niya na gising na talaga ito. Halos tumakbo si Mubai sa tabi nito at sinabi, "Sa wakas ay gising ka na."
Si Xinghe na nakahiga sa kama, ay umikot para harapin siya at binigyan siya ng isang banayad na ngiti. "Paumanhin kung pinag-alala kita."
Ang kamay ni Mubai na nakaunat para hawakan si Xinghe ay tumigil sa ere. Walang nakapansin sa kislap ng pag-uusisa na nagpakita sa kanyang mga mata ng isang sandali.
…
Doon sa Ye Family villa, napatangang nakatitig si Xinghe sa kanyang computer. Bakit biglang isinara ni Mubai ang kanyang computer? Akala ba niya ay baliw na ako? Ang sakit naman nito sa ulo, mukhang kailangan ko siyang kausapin ng harapan.
Nagpasya si Mubai na hanapin si Mubai sa kasunod na araw, dahil, kailangang makita muna ng isa para mapaniwala ito.
Buo na ang plano, nahiga na si Xinghe sa kama para matuolog.
Ito ang kanyang unang pagtulog sa gabi mula ng pumasok siya sa katawan ng ibang tao at hindi siya mapakali ng buong magdamag.
Kinabukasan, sumailalim na si Xinghe sa kanyang mga ritwal sa umaga at handa na siyang lumabas.
Gayunpaman, nalaman niya na ang pintuan ng kanyang silid ay nakakandado mula sa labas!
Malakas na kinatok ni Xinghe ang pintuan at ang mapanghamak na boses ni Auntie Ding narinig niya mula sa kabilang parte, "Tumigil ka na sa kakakatok, maiistorbo mo ang pamamahinga ni madam."
"Buksan mo ito ngayon!" Utos ni Xinghe, "Buksan mo ang buwisit na pintuang ito ngayon."
Nang-aasar na sumagot si Auntie Ding, "Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo, Young Mistress, pero hindi ko ito pwedeng gawin. Utos ito ng Young Master. Walang pupwedeng magbukas ng pintuan ng walang pahintulot niya. Pupunta na din siya dito mamaya kaya tahimik mo na lamang siyang hintayin."
Bakit nga ba siya ikukulong ni Ye Shen? Iyon ay para mapilitan siyang ibigay ang bagay na hinihingi niya.
Nasa ibang antas talaga ang kasamaan ng lalaking ito. Hindi niya tinupad ang sarili niyang sinabi, na nangangakong bibigyan niya si Xinghe ng isang linggo ng kalayaan.
Gusto nitong agad na makuha ang bagay na iyon.
Tinanggihan na nga siya minsan ni Xinghe at kapag tinanggihan pa niya itong muli, alam niyang hindi na siya papalampasin pa ni Ye Shen.
Sa pisikal na aspeto, wala siyang laban dito. Ang nakakalungkot para sa kanila, hindi siya umaasa sa mga suntok niya para ibagsak ang mga kalaban niya sa simula pa lamang!
Pilyang ngumiti si Xinghe at bumalik para sa computer na nasa silid. Dahil si Ye Shen ang nagsimula ng pagsalakay, hindi na siya magpipigil pa.
Para maiwasan na magkaroon ng panlabas na pakikipag-ugnayan si Xia Meng, ang internet access ay naka-block sa computer na nasa silid.
Pero madali lamang ito para kay Xinghe. Bigyan mo siya ng computer at kaya na niyang pagharian ang mundo!
Mabilis na tumipa siya sa keyboard at sa loob lamang ng ilang minuto, nagawa na niyang ma-hack ang internal database ng Ye Corps.
Mabilis na kumalat ang mga sikreto ng korporasyon ng Ye Corps sa buong mundo ng hindi nila agad nalalaman!
Sampung minuto ang nakalipas, nakatanggap ng emergency call mula sa kanyang kumpanya.