Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 272 - Isang Sabwatan at isang Panaginip

Chapter 272 - Isang Sabwatan at isang Panaginip

Kung susumahin ang buhay ni Xia Meng sa isang salita, ito ay kahirapan.

Noong siya ay 13 taong gulang, nawala ang tatay niya, naiwan si Xia Meng at ang nanay niya na itaguyod ang kanilang sarili. Ang isang single mother na may anak na dalaginding, hindi naging mabuti ang buhay sa kanila/

Hindi pa naging maganda ang taon sa kanila; hindi lumaon ay namatay ang nanay niya sa isang car accident.

Nawala sa kanya ang kanyang mga magulang bago pa niya sapitin ang legal na edad ng pag-inom. Bago niya nakilala si Ye Shen, nakadepende siya sa kabaitan ng mga kamag-anak para mabuhay at ang mga panahon ng kabaitan na iyon ay kakaunti at matagal ang pagitan.

Nabigyan siya ng panandaliang pahinga nang makilala niya sa unibersidad si Ye Shen. Niligawan siya nito ng husto at trinato siya na tila siya ang reyna ng mundo nito.

Akala ni Xia Meng ay magbabago na ang kanyang kapalaran. Naniwala siya sa pagmamahal sa kanya ni Ye Shen.

Akala niya ay makakaasa siya sa suporta nito ng mag-aya itong magpakasal.

Alas, nagkamali pala siya!

Ang tanging dahilan kung bakit pinakasalan siya ni Ye Shen ay para manakaw sa kanyang mga kamay ang mga bagay na iniwan sa kanya ng kanyang ama.

Sa una, walang ideya si Xia Meng na ito ang plano niya dahil mabait nitong hinikayat siya na ipahiram sa kanya ang mga ito dahil hindi pa ito nakakakita ng ganito dati at interesado ito.

Patuloy niya itong tinatanggihan. Hanggang sa naubos ang pasensiya nito at ang mga paraan nito ay naging mas marahas.

Nang una siyang pagbuhatan ng kamay nito, sa wakas ay nalaman niyang isa itong sabwatan!

Hindi naman talaga siya minahal ni Ye Shen. Matapos mabunyag ang pagkukunwari nito, ang panghahamak nito ay nabunyag. Ang totoo, ang buong Ye Family ay hinahamak siya.

Nang malaman niya ang katotohanan, nagkaroon ng mental breakdown si Xia Meng pero lalo lamang nitong pinatibay ang kanyang pasya. Na nag-uwi pa ng mas maraming pang-aabuso sa mga kamay ni Ye Shen.

Tumigil na si Ye Shen na tratuhin siya bilang asawa. Aabusuhin siya nito kung kailan nito gusto, na tila ba isa siyang sandbag kaysa isang aktwal na tao.

Si Ye Shen, na ang lalaki sa bahay, ay nagbigay halimbawa sa iba pa.

Domestic abuse, berbal na pang-aabuso, at emosyonal na pagpapahirap… ito ang araw-araw na nangyayari kay Xia Meng.

Isang gabi, mga kalahating taon na ang nakakaraan, umuwing lasing si Ye Shen. Nang tumutol si Xia Meng na ibigay sa kanya ang mga bagay, halos mapatay siya nito sa bugbog.

Nangyari ang pinsala niya sa binti sa araw na iyon/

Binali ni Ye Shen ang kanyang kaliwang binti at, habang sumisigaw siya sa sakit, ay tinapak-tapakan pa iyon. Tumawa ito habang umiiyak siya sa sakit at pighati. Kahit na gumaling ang mga buto, naging isa siyang pilay.

Nakaisip na siyang magpatiwakal noon. Wala na siyang makitang hinaharap para sa sarili niya. Hindi siya bibigyan ni Ye Shen kung hindi niya ibibigay ang mga bagay na gusto niya. Pero, mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa ibigay ang mga iyon.

Sa bandang huli, ito ang pinili niya. Matapos ang isang araw ng matinding pang-aabuso sa bahay, uminom siya ng isang dakot ng mga gamot para mamatay sa overdose.

Siyempre, nabigo siya. Pero, nagdala ito ng isang interesanteng pangyayari dahil ang kamalayan na nagising sa katawan ni Xia Meng ay si Xia Xinghe.

Pero bakit?

Binasang muli ni Xinghe ang buong diary mula harap at likod para makahanap ng kasagutan pero wala siyang nakita.

Ang tanging bagay na importante ay ang mga bagay na iniwan ng ama ni Xia Meng sa kanya, ang mga bagay na gustong makuha ni Ye Shen.

Nararamdaman ni Xinghe na marami pang piraso ng palaisipan ang mabubunyag kapag nalaman na niya kung ano ang mga bagay na iyon.

Nagsimula muli siyang maghalughog sa silid. Kahit ang computer ni Xia Meng ay tiningnan na din niya, ngunit walang resulta.

Dahil wala ng mapagpilian, gumamit siyia ng human flesh search engine sa taong ito, kay Xia Meng.

Sa kanyang surpresam ang tatay ni Xia Meng ay dumating sa City T mga 30 taon na ang nakakaraan. Makalipas ang ilang taon ng ligawan, pinakasalan nito ang nanay ni Xia Meng. 18 taon ang nakalipas, muli itong nawala, na hindi man lamang nag-iwan ng bakas.

Nang makita niya ang impormasyong ito, nayanig ang mundo ni Xinghe.

Related Books

Popular novel hashtag