Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 266 - Pagkawala ng Malay (Pagtatapos ng Chu Family Arc)

Chapter 266 - Pagkawala ng Malay (Pagtatapos ng Chu Family Arc)

Isang gabi lamang ang ginugol ni Xinghe para mapatumba ang buong Chu Family.

Ang kanyang kahandaan at mahusay na pagpaplano ang nagpahanga kay Mubai.

Gayunpaman, hindi nito maiaalis ang katotohanan na isa itong malaking peligro.

Mabuti na lamang, sumunod siya kung hindi ay baka nauwi ito sa isang pisikal na panganib.

"Ako na ang bahala sa buong isyu. Huwag kang mag-alala, hindi sila makakaligtas ng ganoon kadali. Kaya ngayon, pakiusap sumunod ka na sa akin pabalik sa ospital. Kailangan mo nang magpahinga," sabi ni Mubai sa tinig na puno ng pag-aalala.

Tumingin si Xinghe sa kanya at matapos ang ilang pagtatalo sa kanyang isip, tumango siya.

"Okay."

Nagpumilit tumayo si Xinghe pero agad siyang binuhat ni Mubai!

Nagulantang si Xinghe bago siya nagsimulang magpumiglas. Gayunpaman, mabilis niyang nalaman na na-trap na siya sa malakas nitong yakap at nagdesisyon na lamang siyang pagbigyan ito ngayon. Isa itong labanan na hindi dapat ipagpatuloy.

Nakita ni Mubai na tumigil na itong magpupumiglas at natuwa siya ng husto.

Habang kinakarga niya ito paalis sa gate ng Chu Family, sinabi nito ng may ngiti na sa sobrang laki ay kayang takpan ang araw, "Kapag magaling ka na, kailangan nating baguhin ang araw ang tanghalian ng ating pamilya."

Naipaalala kay Xinghe ang katotohanan na dapat ay papunta sana siya sa pananghalian kasama si Mubai at si Lin Lin.

Na nagambala ni Tianxin…

"Hanggang saan ang alam ni Lin Lin?" Tanong ni Xinghe ng may bahid ng pag-aalala, ayaw niyang mag-alala ng husto ang kanyang anak sa kanya.

"Hindi ko sinabi sa kanya ang kahit ano maliban sa ligtas at maayos ka na."

Mabuti naman.

"Gawin natin ang tanghalian na iyan makalipas ang ilang araw," biglang sabi niya.

Mariing tinitigan ni Mubai ang kanyang mukha at ngumiti. "Ang kahilingan mo ay masusunod!"

Hindi siya pinansin ni Xinghe. Nagdasal siya na sana ay gumaling na ang katawan niya dahil hindi niya pupwedeng hindi daluhan ang tanghaliang ito.

Ang orihinal na plano niya ay umalis sa bansang ito kasama si Lin Lin sa makalawa.

Gayunpaman, dahil sa kanyang tinamong pinsala, ang plano niya ay maaantala.

Umaasa siya na sana ay may oras pa…

Bigla, nakaramdam siya ng sobrang sakit ng ulo.

Nagsimula na ding tumibok ng mabilis ang kanyang puso.

Dinaklot niya ang harapang kamiseta ni Mubai ng hindi sinasadya. Nahihirapan na siyang makahinga at narinig niya ang nasorpresa at nag-aalalang boses ni Mubai na nagtatanong, "Ano'ng problema?"

"Ako…" binuksan ni Xinghe ang kanyang bibig para sabihin dito na hindi maganda ang kanyang nararamdaman ngunit nawalan na siya ng ulirat.

"Xinghe!" Ang huling bagay na narinig niya ay ang natutulirong tawag ni Mubai sa kanyang pangalan.

Makalipas ang ilang panahon, nagkamalay na din si Xinghe.

Bago niya buksan ang kanyang mga mata, naaamoy na niya ang disinfectant sa ere.

Nasa loob siguro siya ng isang ospital.

Sintomas ba ito ng sakit niya? Nangangahulugan ba nito na alam na ni Mubai ang kondisyon ko?

Kung alam niya, hindi niya mapapayagan na sundan ako ni Lin Lin sa ibang bansa.

Dahan-dahang binuksan ni Xinghe ang kanyang mga mata at tulad ng inaasahan niya, ang unang nakita niya ay ang puting kisame.

Walang ibang nasa silid maliban sa kanya.

Sinubukan ni Xinghe na maupo pero wala siyang lakas. Na tila ba nawala ang lakas sa kanyang katawan sa matagal na pagkakahiga sa kama.

"Gising ka na!" Bigla, isang nars ang bumukas ang pintuan ng silid. Nakita siya ng nurse at nagbigay ito ng isang nasorpresang ngiti. "Sa wakas ay gising ka na. Wala kang ideya kung gaano katagal kang nahihimbing. Nagsisimula na kaming mag-alala."

Bago pa makapagsalita si Xinghe, mabilis na tumakbo palabas ang nurse matapos nitong sabihin na, "Pupunta ako para sabihan ang pamilya mo!"

Nakakalungkot ito kay Xinghe. Sa pagtingin niya sa mga bagay-bagay, mukhang alam na ng tiyo niya at ni Xia Zhi ang kondisyon niya ngayon. Paano pa niya haharapin ang mga ito?

Isa pa, mukhang matagal siyang nawalan ng malay. Mukhang lumala ang tumor at ang katapusan ng buhay niya ay mas nalalapit na.

Related Books

Popular novel hashtag