Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 264 - Mananatili Ako

Chapter 264 - Mananatili Ako

Ngayong wala na ang mga magulang niya, ang Chu family ay guguho sa susunod. Mawawala ang kanyang posisyon bilang isang respetadong young lady ng Chu family patungo sa isang babaeng wala ni isang gustong lapitan siya.

Kapag wala ang suporta ng kanyang pamilya, wala na siya.

Hindi lamang nawala ang pagkakataon niyang mapakasalan si Mubai at matupad ang pangarap niya sa buhay, ang katapusan pa niya ay magiging kahindik-hindik…

Namuhay sa karangyaan si Tianxin mula pa noong bata siya; walang paraan na hahayaan niya ang sarili na malugmok sa nakakaawang kalagayan.

Ang isipin na kinuha ni Xinghe ang orihinal niyang lugar sa ituktok at itapon siya nito sa hukay ng laylayan ng lipunan ang nagpakulo ng puso niya sa sama ng loob.

Hindi niya matatanggap ang ganitong kalagayan!

Mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa maghirap!

Hindi niya matatagalan na makita ang tanging bagay na hinangad niya sa buhay, ang isang marangyang buhay na nakakasal kay Mubai, ay makuha mula sa kanya!

Kung hindi niya ito makukuha, wala ng iba pang makakakuha nito! Lalo't hindi si Xia Xinghe!

Ang mga mata ni Tianxin ay nagningning ng may kabaliwan habang tumayo ito at nagmamadaling pumasok sa kanyang bahay.

"Lumikas na ang lahat!" Dali-daling utos ni Mubai habang itinutulak niya pabalik ang wheelchair ni Xinghe.

Hinawakan ng mahigpit ni Xinghe ang wheelchair para pigilan ito sa paggalaw. "Not yet."

"Kailangan na nating umalis ngayon, masyado na itong mapanganib!" Sabi ni Mubai sa tono ng tinig na hindi tumatanggap ng dahilan.

Matiim na tinitigan ni Xinghe ang pintuan na dumederetso sa sala ng mga Chu at sinabi sa isang bahagyang ngiti, "Walang peligro ang hindi mapanganib at sa malalaking panganib ay may malaking gantimpala. Kailangang makisigurado ako na tuluyan siyang matalo ngayong gabi, at handa akong suungin ang peligrong ito."

"Kahit na, hindi mo kailangang personal na tanggapin ang peligro!" Galit na katwiran ni Mubai.

Lumingon si Xinghe sa kanya ng may pares ng mga matang maliwanag. "Pero ang taong gusto niyang patayin ay ako."

Tama siya. Ang target ni Tianxin ay si Xinghe. Kapag umalis siya, wala ng dahilan pa si Tianxin para kumilos.

Kung iyon ang kaso, paano maihuhulog ni Xinghe ito sa patibong?

"Magagawa ko siyang patayin para sa iyo," tumalungko si Mubai at tumingin sa mga mata ni Xinghe. "Hindi mo na kailangang ilagay sa panganib pa ang sarili mo."

Sinalubong ni Xinghe ang mga maiitim niyang mata at ang sarili niyang tingin ay nagsimulang mangatal. "Gusto kong magplano ng hindi pumapatay."

Hindi gustong mabahiran ni Xinghe ang kanyang mga kamay ng dugo kapag hinaharap ang kanyang mga kaaway kung hindi kinakailangan. Hindi ito nararapat gawin.

Madadamay ka sa pagpatay at pagbabayaran ang buong buhay mo sa pag-utang ng buhay para sa isang sandali ng kasiyahan. Hindi magandang kapalit ito.

Kaya naman, mas gugustuhin pa ni Xinghe na mahulog ang mga kalaban niya sa sarili nila o sa mga bitag niya.

Kahit na ialok pa ni Mubai na gawin ito para sa kanya, tinanggihan niya ito dahil ito ito karapat-dapat gawin. Bakit gugugulin nito ang buong buhay niya para sa mga ginawa niyang gulo? Ayaw niyang magkautang dito ng kahit ano. Gusto lamang niyang pagbayaran ni Chu Tianxin ang sarili nitong mga kasalanan sa sarili nitong pagsuko, pero sa mga kondisyon ni Xinghe.

Kaya naman, ang panganib na ito… kailangan niya itong kunin.

Nakita agad ni Mubai ang mga iniisip niya at seryoso itong tumango. "Kung iyon ang gusto mo, mananatili ako dito kasama ka."

Hawak niya ang mga kamay nito at humigpit pagkakahawak niya sa ang mga ito.

Naramdaman ni Xinghe ang pagpisil nito at boluntaryong tumingin ang mga mata niya sa mga mata nito. Tila ba namamahika sa sandaling iyon, humilig paabante si Mubai…

Sa oras na iyon ay lumabas si Tianxin at nagsimulang sumigaw nang makita niya kung ano ang nangyayari.

"Papatayin ko kayong dalawa!"

Itinaas nito ang isang baril at ipinutok sa kanila.

Ang tunog ng pagputok ng baril ay sumira sa katahimikan ng gabi. Nanlaki ang mga mata ni Xinghe sa pagkabigla at sinubukan niyang itulak palayo si Mubai. Gayunpaman, mabilis siyang itinulak pabalik habang tumakbo si Mubai sa kanya, hinila siya para yakapin at gumulong palayo sa kapahamakan.

Mabilis na inilabas ng mga bodyguard ang kanilang sariling armas at pinaputukan bilang ganti si Tianxin.

Ang isa sa mga bala ay tinamaan ang baril ni Tianxin, at nawala ito sa kanyang mga kamay.

"Patumbahin ninyo siya—" isang malaking bodyguard ang sumigaw habang dinamba ng iba si Tianxin.

Nagpupumiglas na gumapang si Tianxin para abutin ang baril na lumipad mula sa kanyang pagkakahawak.

Ang kanyang mga mata ay nag-aalab sa selos at kabaliwan. Ang kabaliwan ang nagpatabingi sa kanyang bibig sa isang pangit at nakatabinging linya.

Related Books

Popular novel hashtag