"Dahil lamang sa binigyan kita ng isang masamang biro, sisirain mo na ako?" Galit na tinitigan siya ni Tianxin at sumagot ito.
Ngumisi si Xinghe. "Ikaw? Ikaw na nag-iisa ay hindi karapat-dapat sa oras ko."
Natigilan si Tianxin. Ano ang sinasabi ng b*tch na ito? Hindi ako karapat-dapat sa oras niya? Kung gayon ay ano ang ginagawa niya dito? Sino ba siya sa inaakala niya?
Sa oras na iyon ay idinagdag ni Xinghe, "Inilalabas ko na ang lahat ng basura ng Chu Family!"
Pumipintig sa galit ang ngiti ni Tianxin habang sumasagot ito, "Xia Xinghe, sa tingin ko ay indi mo kakayanin ang pamilya ko kahit na gusto mo pa! Sino ka ba sa tingin mo? Ang tanging dahilan na nakakasalita ka ng malakas ngayon ay dahil kakampi mo si Mubai para suportahan ka! Kung wala siya, wala ka din!"
"Nagsimula na akong mangolekta ng ebidensya laban sa tatay mo noong una mo akong binisita sa ospital para insultuhin mo ako gamit ang credit card charity." Biglang anunsiyo ni Xinghe.
Gulat na gulat si Tianxin at ang ama nito na matagal na pala itong pinagpaplanuhan ni Xinghe…
Nagpatuloy sa mahinang tinig si Xinghe, "Siyempre, ang ebidensiya ay isa lamang pag-iingat. Kung hinayaan mo akong mag-isa, hindi tayo hahantong sa ganitong paraan. Pero dahil ikaw mismo ang humingi nito, buksan mo ang mga mata mo at tingnan kung paano ko ibabagsak ang buong pamilya mo!"
Matapos noon ay tumuro si Xinghe kay Ginoong Chu at nagpatuloy, "Matapos kong ibagsak ang tatay at nanay mo, ay babagsak ng kusa ang Chu family. Kapag wala na ang impluwensiya ng titulo ng Chu Family's Young Lady, sa tingin mo ba ay kailangan ko pang sayangin ang oras ko para umaksyon laban sa iyo?"
Sa wakas ay nalaman na ni Tianxin ang buong plano ni Xinghe.
Matapos ibigay sa kanya ang tatlong mga regalo, inalis na ni Xinghe ang kapangyarihang hawak ng Chu Family. Dahil wala ang mga magulang niya para suportahan ang tahanan nila, oras na lamang ang bibilangin bago bumagsak ang Chu family.
Kapag wala ang suporta ng kanyang pamilya, maiiwanan ng wala si Tianxin. Kayang-kaya na siyang durugin ni Xinghe ng tulad sa isang langaw, walang kakayahang gumanti at napakadali lamang.
Nagulat si Tianxin para malaman kung gaano kagaling ang pag-iisip ni Xinghe. Nahulaan niya na babalikan siya ni Tianxin at nagplano na kung paano gaganti pabalik ng maaga.
Hindi lamang iyon, hindi lamang siya ang pinuntirya nito; pinuntirya nito ang buong Chu Family!
Tulad ng sinabi inya, nag-iisa si Tianxin pero hindi ito karapat-dapat sa oras niya kaya naman uubusin nito ang buo niyang pamilya!
Napuno ng pagkasuklam ang puso ni Tianxin. Dapat ay tinapos na niya ang buhay ng b*tch na ito!
Sa oras na iyon, isang malamig at walang emosyong utos ni Mubai, "Pigilan ang natitirang kriminal at hintaying dumating ang mga pulis!"
"Yes, Sir!" At kinuha ng mga bodyguards si Ginoong Chu.
"Pakawalan ninyo ako! Sino ang nangangahas na hawakan ako, ako ang Traffic Minister ng bansang ito!" Nagpupumiglas si Ginoong Chu sa kanilang pagkakahawak. Ang pagpupumiglas niya ay mukhang gumising sa paglaban ni Ginang Chu at nagsimula na din itong lumaban habang sumisigaw ng ilang insulto patungo kay Xinghe.
Habang mas nagpupumiglas sila ng malakas, mas nagiging marahas ang mga guwardiya. Ang kanilang mga pagkilos ay nakakasakit sa sarili lamang nila.
Ang perpektong ayos ng buhok ni Ginang Xi ay nagulo na at ang damit niya ay napuno na ng dumi mula sa paggulong sa sahig…
"Stop! Pakawalan ninyo ang mga magulang ko!" Mabilis na umabante si Tianxin para pigilan ang mga bodyguard pero brusko siyang itinulak palayo. Nahulog siya sa sahig ng may malakas na pagbagsak.
"Mubai…" gumapang siya sa tagiliran ni Mubai at hinatak ang laylayan ng pantalon nito. Tumigala siya dito at nagmakaawa, ang kanyang mga mata ay puno ng luha at galit. "Paano mo nagawang tratuhin ng ganito kalupit ang pamilya ko? Ang Chu Family at Xi Family ay magkaibigan ng maraming taon; kailan nawala ang puso mo at nagpasya kang tratuhin kami ng ganito? Pakiusap, nagmamakaawa ako sa iyo na huwag ka ng maging malupit, maawa ka sa amin…"
Ang pagmamakaawa ni Tianxin ay nasundan ng mga hagulgol. Sinubukan niyang gamitin ang paghingi ng awa para matinag si Mubai.
Hindi natinag si Mubai. Ang totoo niyan, ang kanyang mga mata ay kumislap ng may pandidiri.
Tiningnan niya sa ibaba si Tianxin at inanunsiyo, na parang isang hukom mula sa impyerno, "Wala ka ng iba pang sisisihin sa ganitong katapusan kundi ang sarili mo. Chu Tianxin, sumobra ka na noong una mong pinagbalakan ng masama ang buhay ni Xinghe! Nasaan ang awa mo noon?"
"Wala akong ginawang ganoon!" Marahas na tanggi ni Tianxin, "Hindi ko sinaktan si Xia Xinghe, maski ang pagbalakan ang buhay niya. Wala akong ginawang ganoon. Hanggang ngayon, hindi niya mailabas ang pruweba na ako ang gumawa nito, sinasadya niyang akusahan ako! Nasaan ang ebidensiya?"
"Ang salita niya ang tanging ebidensiyang kailangan ko," malamig na tugon ni Mubai.
Ano?
Natigagal sa kanya si Tianxin ng may hindi maipaliwanag na hitsura.
Hindi niya inaasahan na sobra ang tiwala ni Mubai kay Xinghe.
Maniniwala ito kay Xinghe ng walang alinlangan lalo na kung akusasyon ito ng pagtangkang pagpatay dito!