"Aalis na ako ng kusa kapag tapos ko nang ibigay ang mga regalo, kaya huwag kayong mag-alala," banayad na patuloy ni Xinghe, "Hindi pa ako tapos ipakilala ang una kong regalo kaya pakiusap kumalma kayo."
"Xia Xinghe, tama na iyan!" Sigaw ni Tianxin, "Patuloy mong sinasabi na ibinabalik mo ang dalawang aso na ito sa akin pero nasaan ang pruweba mo na ako ang nagpadala sa kanila sa iyo noong una pa lamang? Bakit ko ipapadala sa iyo ang mga asong ito ng walang dahilan?"
Ngumiti si Xinghe nang makitang wala na sa katwiran si Tianxin. Well, kaya ng dalawang maglaro sa labanang ito.
"Oo, ikaw ang nagpadala sa kanila sa akin ng walang dahilan at ngayon ay ibinabalik ko ito sa iyo ng walang dahilan. Oo nga pala, hindi mo ba gustong makita kung gaano ko inalagaan ang ikalawang aso? Tingnan mo lamang ito, napansin mo ba ang mga nabaling buto na lumalabas sa mga kasu-kasuan nito? Alam mo ba na ang tunog ng mga nababaling buto ay hawig sa kung paano nababali ang mga tuyong sanga?"
"Xia Xinghe, tama na, sumosobra ka na! Nababaliw at nahihibang ka na!" Hiyaw ni Tianxin habang tinititigan siya ng masama.
Hindi niya aaminin pero ang paglalarawan sa kanya ni Xinghe ay talagang nananakot sa kanya.
Kahit siya ay inisip na malupit na siya pero si Xia Xinghe ay nasa mas mataas na antas.
Ang dalawang mabalasik na aso ay hindi lamang siya napatay kundi ay napahirapan ang mga ito hanggang sa mamatay.
Gaano katapang niya itong ginawa…
Alam ni Tianxin na hindi niya magagawa ang mga bagay na ito kung siya ang nasa kalagayan ni Xinghe.
Kaya naman, si Xia Xinghe… ay isang nakakatakot na katunggali.
Naamoy ni Xinghe ang takot kay Tianxin at ngumiti siya. Ito ang gusto niyang makita.
Nanukso siya, "Bakit, natatakot ka?"
"Sino ang nagsasabing natatakot ako? Sa tingin mo ay matatakot ako sa iyo? Imposible!" Balik ni Tianxin.
"Siyempre, hindi ka takot sa akin. Kung ikaw ay natatakot, hindi mo ako ikukulong kasama ang dalawang mabangis na aso at ipakain ako sa kanila. Ang babaeng makakagawa noon ay malamang hindi matatakot kaninuman," ginulat ni Xinghe ang mga tao sa silid sa bawat salita niya.
Nanlaki ang mga mata nina Ginoo at Ginang Chu.
Tungkol saan ang sinasabi ni Xia Xinghe? Pinawalan ni Tianxin ang dalawang mabangis na aso kay Xinghe, para kainin ng mga ito?
Isang nakakamatay na aura ang nararamdaman kay Mubai.
Ang inisip niya ay ang dalawang aso ay naroon para lamang kagatin siya… hindi kainin siya!
Ang tingin niya, na natuon kay Tianxin, ay bumababa pa ng ilang antas sa temperatura.
"Sabihin mo lang at papatahimikin ko silang lahat!" Sambit ni Mubai sa nagngangalit na mga ngipin ng may dahas at galit.
Lalong nagulat ang Chu Family.
Papatayin silang lahat ni Mubai…
"Baliw, lahat kayo ay grupo ng mga baliw! Ano't nangangahas kayong pagbantaan ang kaligtasan namin, idedemanda ko kayo hanggang sa wala ng matira pa sa inyo!" Bulyaw ni Ginoong Chu habang inilalabas nito ang telepono para tumawag ng pulis.
Gayunpaman, ang daliri niya ay nanginginig ng husto para itipa ang tamang numero.
Hinatak ni Ginang Chu si Tianxin papasok sa bahay nila at pinanood sila ng may alertong mga mata.
"Mubai, hindi ka dapat magpaloko sa b*tch na ito! Hindi ito magagawa ng Tianxin ko; alam mong inaakusahan niya ng hindi tama ang mabait kong si Tianxin!" Sinubukang hikayatin ni Ginang Chu si Mubai.
Hindi siya naniniwala na ang inosente niyang anak ay makakagawa ng isang kabaliwan tulad ng akusa ni Xinghe.
"Mubai, hindi ko talaga ginawa ang bagay na sinabi niya, kailangan mong maniwala sa akin. Kung may ebidensiya siya sa kanyang akusasyon ay wala na akong masasabi pero wala siyang pinanghahawakan kaya hindi ka dapat maniwala sa mga kasinungalingan niya!" Paliwanag ni Tianxin ng may luha sa kanyang mga mata.
Biglang sumigaw si Ginoong Chu, "Tumawag na ako ng mga pulis at papunta na sila dito. Bibigyan ko kayo ng huling pagkakataon na umalis hanggang magagawa pa ninyo!"