Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 243 - Ang Kaloobang Hindi Mababago

Chapter 243 - Ang Kaloobang Hindi Mababago

Wala ng laban si Ruobing sa mga interogasyong walang humpay.

Hindi na ito nakakasorpresa dahil hindi naman siya ang tunay na maylikha sa simula pa lamang…

Sinubukan na niyang gumawa ng palusot pero hindi niya alam kung saan magsisimula.

"Imposible para sa akin na makagawa ng pagsisiyasat ngayon. Bigyan ninyo ako ng sapat na oras para magsagawa ng mga internal testing at pagsusuri, pero matapos kong matukoy ang problema, sinisigurado kong hindi na ito mauulit, kaya pakiusap bigyan pa ninyo ako ng oras…" sinubukan ni Ruobing ang makakaya niya na magpaliwanag.

Malakas na tumawa sa kanyang likuran si Xinghe. "Kahit bigyan ka pa ng milyong taon ay hindi mo pa din makikita ang tamang pagsusuri."

"Xia Xinghe, tumigil ka na sa pagsisi sa akin dahil sa aksidenteng ito! Maaaring mangyari ito sa kahit na sino!" Galit na sigaw ni Ruobing.

"Diyan ka nagkamali dahil hindi ito mangyayari sa disenyo ko dahil alam ko kung saan nagkaroon ng problema at ikaw ay hindi."

Hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya si Ruobing at ang mga naunang salita ni Xinghe ay umalingawngaw sa kanyang isip.

Ang kakayahan ko ang pinakamainam na pruweba!

Sa wakas ay naintindihan na ni Ruobing ang ibig ipahiwatig doon ni Xinghe.

Kung mareresolbahan ni Xinghe ang problema na humahadlang sa kanya, ito ang pinakamainam na ebidensiya na si Xinghe ay mas mahusay kaysa sa kanya.

Kung iyon ang kaso, masasabing hindi ninakaw ni Xinghe ang disenyo niya.

Dahil walang saysay para dito na magnakaw mula sa isang taong mas mahina kaysa kanya.

Ang kakayahan ko ang pinakamainam na pruweba!

Muling umugong ang pahayag na ito sa isip ni Ruobing at ang katotohanan ng pahayag na ito ay tumambad sa kanya…

Sa oras na iyon, ang lahat ng takot ni Ruobing ay nawala dahil napalitan ito ng sobrang inggit! Inggit sa natural na talento ni Xinghe.

"Alam mo kung saan nagkaroon ng isyu?" Tanong ni Elder Xi kay Xinghe.

"Tama iyon," tango ni Xinghe at tiwalang sumagot.

"Sige, bibigyan kita ng pagkakataon na kumbinsihin kami. Kkung magagawa mo ito, maniniwala ako na ang disenyo ay sa iyo!" Detalyadong sinabi ni Elder Xi.

Bahagyang kumibot ang mga talukap ni Ruobing…

Kailangan niyang patigilin si Xinghe sa pagsasalita pero… paano?

Bago pa siya makaisip ng solusyon, nagsalita na si Xinghe, "Ang problema ay nasa neural center ng braso. Noong una kong sinisimulan ang disenyo, alam ko na ang neural center ang magiging problema dahil sa ayos nito, dahil masalimuot ito at hindi matibay. Mabilis na mapupuno ang center sa dami ng nerve impulses. Hindi ko inaasahang sasabog ito, wala ito sa inaasam ko. Siyempre, hindi ko din inaasahan na may taong magnanakaw ng disenyo ko at aangkinin na kanya ito. Ang dahilan kung bakit mas matagal na makompleto ang produkto ko kumpara kay Ruobing ay dahil sa kailangan ko pa ng oras para ayusin ang disenyo ng neural center. Ang mas napabuting disenyo ay mas matibay at mas maliit…"

Kahit na pinasimple pa ni Xinghe ang paliwanag, marami pa ding nalito sa paliwanag niya.

Pero kahit pa, hindi nito napigilan na mapaniwala ang mga ito na ang disenyo ay talagang kanya.

Sa pamamagitan ng post-surgery analysis, malalaman nila kung nagsisinungaling siya o hindi.

At dahil hindi naman natatakot si Xinghe na ilabas ang lahat para matiyak ang mga salita niya, mas masasabi kaysa hindi na ang disenyo ay talagang kanya.

Ibig sabihin nito ay ninakaw ni Ruobing ang disenyo nito!

Kung ikukumpara ang tiwala ni Ruobing na nababahiran ng kayabangan, ang natural na tiwala sa sarili ni Xinghe ay mas kapani-paniwala.

Gumagawa siya ng isang siyentipikong paliwanag pero, sa oras na iyon, tila isa siyang bituin sa entablado, na napapahanga ang lahat sa kanyang palabas.

Ang iba ay nakatitig sa kanya ng nakanganga.

Ang titig ni Mubai ay napako sa kanya; ang presensya ni Xinghe ay natakpan ang bawat isa sa kanyang mga pandama.

Marahil ay nakikita ng iba ang kumpiyansa sa sarili at katatagan ni Xinghe pero ang nakikita niya dito ay ang hindi mababagong kalooban, na habambuhay na nag-aalab tulad ng apoy ng isang phoenix.

Related Books

Popular novel hashtag