Chapter 241 - Pagsabog!

Nagsimula ng mataranta ang mga nasa silid at ang pagkataranta ay nasasalamin sa puso ni Ruobing.

"Ano ang nangyayari?"

"Old Madam Xi, kumapit ka lamang po! Sabihin ninyo sa amin kung ano ang problema!"

"Doktor, bilis, tumawag kayo ng doktor!" Hiyaw ni Lolo Xi.

Naninigas na lumingon si Ruobing at nakita niya si Old Madam Xi, na kakalabas lamang ng surgery, ay mabilis na ipinasok pabalik.

Pinalibutan ng mga doktor at nurse ang nakahiga sa gurney na si Old Madam Xi na humihiyaw sa sakit samantalang ang iba pang miyembro ng pamilya ay kinakabahang pinaulanan ng tanong ang mga doktor…

Ang eksena ay tila napako sa harap ng mga mata ni Ruobing habang ang mga hiyaw na humihingi ng tulong ay paulit-ulit niyang nakikita. Isa itong bangungot sa pakiramdam.

Nakatitig lamang siya sa sitwasyon, ang utak niya ay hindi kayang intindihin ang mga nangyayari.

Ano ang nangyayari dito?

Isang masamang pangitain ang nararamdaman ng kanyang puso…

"Wala kang ideya kung ano ang nangyari? Simple lang, nabigo ka!" Ang malinaw na boses ni Xinghe ang narinig niya sa kanyang tabi.

Lumingon si Ruobing at galit na tumingin dito. "Nabigo, ako? Imposible. Hindi ako puwedeng mabigo, hindi ito tama!"

Ipinilig ni Ruobing ang kanyang ulo na tila gusto niyang malinawagan ang kanyang isip, matapos noon ay nagmamadali siyang tumakbo tungo kay Old Madam Xi.

Hindi, hindi ito nangyayari. Hindi ako isang talunan!

Matapos itulak ang ilang tao na nakaharang sa kanya, kanyang nakita ng harapan si Old Madam Xi na nakangiwi sa sakit at ang artipisyal nitong braso ay sumabog!

Ang braso na siya ang nagdisenyo ay sumabog!

"Yun Ruobing, ano ang nangyayari dito? Ipaliwanag mo ang sarili mo!" Galit na pinandilatan siya ni Elder Xi.

Sa ilalim ng nagbabaga niyang titig, nauutal na sumagot si Ruobing, "Wala, wala akong ideya kung bakit…"

"Hindi ba't ito ang disenyo mo? Kaya paano mo masasabing wala kang ideya sa nangyari?" May isang tao mula sa madla ang nagtanong.

"Tama iyon! Ang produkto mo ay isang bitag ng kamatayan! Sumabog ito ilang minuto matapos mailagay, kaya paano mo aakuin ang responsibilidad kung may masamang mangyari kay Old Madam Xi?"

"Kapag may masamang nangyari kay Old Madam Xi, hindi ka namin mapapatawad!"

Nawalan ng kulay ang mukha ni Ruobing at ang mga kamay niya ay nanginginig ng walang kontrol

Hindi niya inaasahan na mabilis na babalik sa kanya ang parusa at ganito kagrabe…

"Tumigil na kayong lahat sa pag-aaway," masungit na saway ni Lu Qi, "Ang artipisyal na braso ay sumabog at ang pagsabog, kahit na maliit, ay nakasama sa kanyang nervous system. Kailangan naming isagawa ang isang operasyon para alisin ang braso. Kailangan namin ang pirma ng pagpayag mula sa kapamilya para maisagawa ito ngayon na!"

"Ibibigay ko sa iyo mamaya ang pirma, iligtas mo na muna siya!" Deklara ni Elder Xi habang nagpapalipat-lipat ang kanyang mga mata sa sugat ng dating asawa at sa maputlang mukha nito.

Tumango si Lu QI at sinabihan na ang grupo ng kanyang mga surihano na maghanda para sa operasyon.

Sa oras na sumara na ang pintuan sa surgery hall, galit na bumaling si Elder Xi kay Ruobing, "Ano ang nangyari sa iyong produkto? Hindi ba't sinubukan mo na ito?"

Habang masaya nilang itinutulak si Old Madam Xi patungo sa sick bay, biglang sumabog ang artipisyal na braso, na nagpataranta sa kanilang lahat.

Nagsimula ng humiyaw sa sakit si Old Madam Xi na tila ba mamamatay na ito…

Handa nang pira-pirasuhin ni Elder Xi si Ruobing matapos makita ang paghihirap ng dating asawa!

Isang bungkos ng mga galit na mata ang tumitig kay Ruobing, naghihintay sa kanya ng isang katanggap-tanggap na paliwanag.

Nanlamig mula ulo hanggang talampakan si Ruobing. Sa nanginginig na boses, nagpaliwanag siya, "Lolo Xi, wala talaga akong palatandaan kung ano ang nangyari, sumusumpa ako na wala itong kinalaman sa akin… gumagana ito ng maayos habang nagsasagawa kami ng internal testing, kaya wala akong ideya kung ano ang naging problema."

"Ang bagay na iyon ay disenyo mo; kaya paanong hindi mo alam kung ano ang nangyari?!" Diin ni Ginoong Xi.