Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 235 - Ang Kakayahan ko ang Pinakamainam na Katibayan

Chapter 235 - Ang Kakayahan ko ang Pinakamainam na Katibayan

Tulad ng isang eksena sa isang telenobela, ang pahayag ni Xinghe na ang disenyo ay kanya at si Ruobing ang nagnakaw ng disenyo niya…

"Xia Xinghe, inaakusahan mo ako ng hindi tama, nasaan ang katibayan mo?!" Galit na balik ni Ruobing, "Sinasabi mo na ako ang nagnakaw ng disenyo mo pero ang totoo ay ikaw ang nagnakaw sa akin! Kung hindi ay paano ka makakagawa ng nakakahangang disenyo habang nagtatago lamang sa bahay ninyo sa lahat ng oras? Imposible ito ng hindi gumagamit ng mga kagamitan sa lab!"

"Tama iyon. Wala kang karanasan sa larangang ito, kaya paano mo nagagawang sabihin na ang disenyo ay sa iyo?" Walang tiwala si Ginang Xi kay Xinghe. "Sa tingin ko ay narito ka lang para manggulo sa lahat. Mabuti na lang, lahat kami na naririto ay matalino para agad na makita ang mga akusasyon mong walang basehan."

"Pero disenyo nga ito ng ate ko at ang magnanakaw ay si Yun Ruobing," giit ni Xia Zhi.

Umismid si Tianxin. "Kung ganoon, ipakita mo sa amin ang katibayan. Xia Xinghe, kung hindi mo mailalabas ang ebidensiya, maaari kang kasuhan ni Ruobing ng pagnanakaw ng intelligence property."

Masayang dumagdag pa si Ruobing, "Tama iyon, Xia Xinghe, mailalabas mo ba ang pruweba? Kung hindi, nangangahulugan lamang na ikaw ang nagnakaw ng disenyo ko! Sumuko ka na, lahat dito ay naniniwala na ang disenyo ay akin!"

"Naniniwala ako na ang disenyo ay kay Xinghe!" Anunsiyo bigla ni Mubai, na ikinagulat ng lahat.

Napasimangot ang kanyang ina at nagreklamo, "Mubai, bakit ba naniniwala ka sa kanya? Ang katotohanan ay malinaw pa sa sikat ng araw, ang disenyo ay halata namang kay Ruobing. Kung ang disenyo ay talagang kay Xinghe, bakit hihintayin niya si Ruobing na matapos ang produkto bago ibunyag ito? Dahil sa kailangan niya na matapos ni Ruobing ang mga prototype para manakaw niya ito mula dito!"

Diretsang nagpaliwanag si Mubai, "Naniniwala ako kay Xinghe dahil nakita ko na kung ano ang kanyang kakayahan. Ang ganitong klase ng kumplikadong disenyo ay masyadong mataas para sa antas ni Ruobing."

"Pero impossible iyon. Si Ruobing ay dalubhasa sa ganitong larangan, at ginugol niya ang mga taon sa pag-aaral sa larangang ito, kaya ang disenyo na ito ang kanyang tagumpay. Kung ikukumpara naman, walang alam si Xia Xinghe, lalo na ang isang mahirap na paksa tulad ng medical computer science," isinatinig ni Ginang Xi ang iniisip ng lahat.

Sa kanilang mga mata, si Ruobing ang pinuno ng isang science lab at si Xinghe ay isang walang kwentang diborsyada na nagbalik para akitin ang dating asawa nito.

Halata na kung sino ang mas kapani-paniwala.

Maliban kina Mubai at sa ilan pang tao, walang naniniwala kay Xinghe.

Kahit si Elder Xi ay wala sa kanyang panig. Seryoso niyang tinitigan si Xinghe habang nagtatanong, "Makakagawa ka ba ng iba pang ebidensiya para sabihin na sa iyo ang disenyong ito? Kung hindi, isa lamang itong pambibintang!"

"Tama si Father, ilabas mo ang katibayan kung kaya mo," pamimilit ni Ginang Xi.

"Ano'ng klaseng ebidensiya ba ang kailangan ninyo?" Buong tiwalang ngumiti si Xinghe, habang sinasabi na, "Kung ang kakayahan ko naman ang pinakamabuting ebidensiya na naririto!"

"Nagpapatawa ka siguro, wala ka namang abilidad!" Isang hindi pamilyar na babaeng nakasal sa Xi Family. Ito ang pinakamagandang biro na narinig niya buong araw.

Ang kanilang impresyon kay Xinghe ay nanatili sa panahong kasal pa ito kay Mubai, isang naglalakad na walang alam.

Kaya naman hindi nila talaga kasalanan na hindi sila kumakampi kay Xinghe. Hindi pa nga lamang nila nakikita ang kakayahan nito.

"Oo nga, bakit hindi mo ipakita sa amin ang kakayahan mo?"

"Tingin ko may sira na ata ang utak niya…"

Halos lahat ay hinahamak na siya.

Masaya at kumportableng nagpahinga si Ruobing na malamang ang lahat ay sumusuporta sa kanya. Ang pagtalo kay Xia Xinghe ay hindi isang mahirap na hamon na tulad ng kanyang inaakala.