Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 225 - Papatayin Kita

Chapter 225 - Papatayin Kita

"Tama iyon. Hindi lamang niya kami binalaan sa pagtarget kay Xia Xinghe, kung hindi ay kakalabanin niya kami mismo," sinasadyang dagdag ni Ruobing para galitin si Tianxin. "Nangako pa si Old Madam Xi, na kapag nagtagumpay si Xinghe sa proyektong ito, papayag siya na makasal silang dalawa ulit."

Hindi na makapagsalita si Tianxin sa pagkakataong ito dahil sa pagkasindak.

Napuno ng takot ang puso niya, at nanlamig siya mula ulo hanggang talampakan.

Tumigil na siya sa pakikinig sa sinasabi ni Ruobing. Bigla, nawala sa pokus ang kanyang mga mata at ibinato niya sa pader ang teleponong hawak-hawak niya!

Matapos noon, nagwala siya, sinisira ang lahat ng nakikita niya at nagsisisigaw habang ginagawa iyon.

"Ano ang nangyayari?!" Nagmamadaling pinuntahan nila Ginoo at Ginang Chu ang silid ni Tianxin matapos nilang marinig ang nakakabinging sigaw nito at natigilan ng makita ang kaguluhan sa loob ng silid ni Tianxin.

"Tianxin, ayos ka lamang ba?" Nag-aalalang tanong ni Ginang Chu habang tinititigan ang anak na para itong isang estranghero.

Gulo-gulo ang buhok ni Tianxin at ang mukha niya ay nahahaluan ng sakit at pag-aalala, na tila isa itong biktima na nakaligtas sa isang natural na kalamidad.

"Xia Xinghe…" bigkas ni Tianxin sa pangalan na tila nagmumura at ang mga mata niya ay nag-aalab sa sobrang pagkamuhi. "Papatayin kita! Sinisiguro kong papatayin kita!"

Si Xinghe na nagtatrabaho sa study ay biglang nanginig at bumahin.

Pumasok si Xia Zhi na may dalang baso ng mainit na gatas ay nagtanong ng may pag-aalala, "Ate, magkakasakit ka ba ng trangkaso?"

"Ayos lang ako, may bumara lang sa ilong ko. Bakit gising ka pa? Dapat ay tulog ka na."

"Ate, ang mga taong nabubuhay sa bahay na salamin ay hindi dapat nagtatapon ng bato, ikaw din dapat tulog ka na," ibinaba ni Xia Zhi ang baso ng gatas sa kanyang tabi. "Heto, Ate, nagtatrabaho ka pa din diyan sa disenyo? Masyado ng gabi, sigurado akong maipagpapatuloy mo pa iyan bukas."

"Kaunti na lang, matatapos na ako," sumipsip si Xinghe ng gatas at agad siyang sumigla. "Bumalik ka na sa kama mo, ayos lang ako."

"Ate, gusto kong sumama sa iyo kapag pumunta ka sa lab," biglang sabi ni Xia Zhi.

Nalilitong itinaas ni Xinghe ang kanyang ulo. "Pero bakit?"

Seryosong sumagot si Xia Zhi, "Syempre para suportahan ka kung sakaling apihin ka na naman ng mga taong iyon! Saka, ang isang pares pa ng mga mata ay hindi makakasama, matutulungan kitang bantayan ang likod mo."

Ngumiti si Xinghe. "Iniisip mo ba talaga na kaya nila akong apihin?"

"Ate, alam kong mahusay ka pero sa tingin ko ay iba pa rin ang nag-iingat. Sinisigurado ko na may ilang partido ang may gagawing hindi maganda para mapigilan ka na matapos ang pananaliksik mo."

"Tama ka. May mga taong pipigilan talaga ako."

"Ate, alam mo na din iyan? Alam mo na ba kung ano ang plano nila?!" Sabik na tanong ni Xia Zhi. Ang kapatid niya ang pinakamatalinong taong kilala niya kaya siyempre makikita nito ang mga plano nito.

Umiling si Xinghe. "Sa kasamaang-palad, hindi ko alam, pero sigurado akong gagawa sila ng paraan para hindi ako magtagumpay."

"Kaya kailangan mo ako doon, para protektahan ka."

Hindi tinanggihan ni Xinghe ang alok niya, imbes ay sinabi niya, "Walang dahilan para magmadali. Hindi pa ako babalik sa lab agad-agad. Hahayaan nating maniwala sila na nanalo na sila- sa ngayon."

"Kung ganoon, kailan ka babalik?"

"Kapag tapos na ang lahat ng paghahanda."

"Tandaan mo na isama ako!" Desididong sambit ni Xia Zhi. Napipilitang pumayag si Xinghe, "Sige na nga, isasama kita. Ngayon bumalik ka na sa kama mo."

Masayang umalis na sa study si Xia Zhi matapos matanggap ang permiso niya. Ang mga tanong na inilahad ni Xia Zhi ang nagpagulo ng isip ni Xinghe kaya hindi na siya makapag-isip ng mabuti sa kanyang trabaho…

Ano ang gagawin ni Yun Ruobing para pigilan ako?

Hindi dumating sa lab si Xinghe kinabukasan tulad ng sinabi nito.

Nakahinga ng maluwag si Ruobing dahil inaakala niyang magpapakita si Xinghe.

Gayunpaman, alam niyang hindi niya maaaring ibaa ang kanyang dipensa, dahil tulad niya, ay may sariling disenyo si Xinghe, at hindi magtatagal ay magpapakita din ito.

Kailangang maging handa ni Ruobing dahil kailangan niyang magtagumpay bago niya mapayagan at mapagbigyan si Xinghe na magkaroon ng pagkakataon.

Related Books

Popular novel hashtag