Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 218 - Isang Taong Tulad Natin

Chapter 218 - Isang Taong Tulad Natin

"Ngayon magsalita ka, bakit mo tinulungan si Yun Ruobing na nakawin ang aking disenyo?" Tanong ni Xinghe, habang humakbang ito palapit at tumingin dito ng pababa.

Itinaas ni Ee Chen ang kanyang ulo para tumingin sa kanya. Tumuro siya kina Xia Zhi at Xiao Mo. "Sasabihin ko sa iyo ang lahat matapos mo silang mapaalis sa silid na ito."

"Mukhang kailangan mo pang maturuan ng leksyon…" itinaas ni Xia Zhi ang kanyang braso para bigyan ng ilan pang suntok ito pero pinigilan siya ni Xinghe habang sinasabi, "Hintayin ninyo ako sa labas."

Nabigla si Xia Zhi. "Ate, hindi ka pupwedeng sumunod sa kahilingan niya. Paano kung umatake siya sa iyo kapag wala kami?"

Maski si Xiao Mo ay nag-aalala din sa kanya. "Tama siya, Miss Xia. Masyadong delikado para sa iyo na iwanang mag-isa kasama siya."

Umiling si Xinghe. "Hindi niya ako sasaktan. Pakiusap hintayin na lamang ninyo ako sa labas."

"Pero…"

"Magiging ayos ang lahat," hindi nila matinag ang determinasyon ni Xinghe. Alam nila Xiao Mo at Xia hi na hindi nila ito makukumbinsi kaya sila umalis.

Gayunpaman, hindi sila lumayo masyado mula sa basement entrance. Ang totoo, idinikit nila ang kanilang mga tainga sa pintuan, lihim na nakikinig sa pangyayari sa loob kaya maaari silang biglang pumasok kung hinihingi ng sitwasyon.

Ngunit nag-uusap sa mahinang tinig sina Xinghe at Ee Chen kaya halos wala silang marinig.

Humatak si Xinghe ng isang upuan at sinabi, "Oras na sa iyo na magsabi ng totoo. Kung hindi mo ako mabibigyan ng kasiya-siyang paliwanag, babalaan na kita na marami akong pamamaraan kung paano ko gagawing impyerno ang buhay mo." Ang kanyang mga salita ay malamig na tulad ng dati ngunit mayroong natatagong pagbabanta sa likod ng mga iyon.

Umakyat si Ee Chen sa tulong ng upuan na kalaunan ay kanyang hinigaan. Hindi niya agad sinagot si Xinghe. Sa halip ay ininspeksyon niya ang kanyang pasaang mukha, at nagreklamo, "Kung alam ko lang na gagawin ninyo ang bagay na ito sa mukha ko, hindi na sana ako nagkusa na manatili pa. Kasalanan ito ng konsensiya ko."

"So, umaamin ka na may kasalanan ka?"

Iniwasan ni Ee Chen ang tanong niya sa pamamagitan ng sarili niyang tanong, "Paano mo nalaman na ako ang nagnakaw ng disenyo mo para kay Yun Ruobing?"

"Dahil ang lahat ay masyadong madali. Natapos niya ang disenyo niya sa kaparehong panahon ng sa akin? Kalokohan! Isa pa, wala akong tiwala sa kakayahan niya na matapos ang disenyo sa una pa lamang."

"Aray, masakit iyon ha! Pero tama ka, hindi niya matatapos ang disenyo ng sarili lamang niya," pagbibiro ni Ee Chen na sinusubukang pagaanin ang kapaligiran.

"Hindi ako nandito para makipag kwentuhan, sabihin mo na ang totoo at bilisan mo!" Naningkit ang mga mata ni Xinghe sa kanya, na nagpatigil sa kanya agad-agad.

Sumeryoso ang mukha ni Ee Chen at sa wakas ay sinabi nito, "Si Yun Ruobing ay isang taong katulad natin!"

Saglit na natigilan si Xinghe pero mabilis siyang nakabawi, "Eh ano ngayon?"

"Nasa pag-aari niya ang isang bagay na importante para maintindihan ko ang ating pagkakakilanlan kaya naman sinusubukan ko itong makuha. Hinanap niya ako kanina, at inatasan ako na nakawin ang disenyo mo. Kung nasiyahan siya sa trabaho ko, ibibigay nila sa akin ang bagay na kailangan ko bilang kapalit."

Nag-uusisang tumitig sa kanya si Xinghe na tila sinusuri kung nagsisinungaling siya bago nagtanong, "Anong bagay?"

Bumalik sa pagiging masiyahin si Ee Chen. Sumagot siya ng may ngiti, "Ang totoo niyan, wala akong ideya kung ano ito talaga pero alam ko na mayroon ka ding hawak na isa sa kanila."

Muli ay nasorpresa si Xinghe.

"Inaamin ko, mayroon din akong isa sa kanila. Hindi lamang iyon, may iba pang tao maliban sa ating tatlo na mayroon din noon. Matapos lamang nating makolekta ang lahat ng mga ito ay saka natin malalaman kung ano ang talagang gamit sa kanila."

Tila ay nagsasalita si Ee Chen ng mga palaisipan pero naiintindihan siya ng malinaw ni Xinghe.

"Sino pa?" Kalmado niyang tanong.

"Hindi ko masiguro sa ngayon, ang tangi kong nahanap ay ikaw at si Yun Ruobing. Sasabihin ko sa iyo kapag nakilala ko na ang iba pa."

"Nasaan ang bagay na sinasabi mo, ibigay mo na dito—" inilahad ni Xinghe ang kanyang kamay pero umiling si Ee Chen. "No, can't do. Finders keepers, kaya ang bagay na nasa akin at ang nakuha ko ay mananatili sa akin. Pero huwag kang mag-alala kung ako sa iyo dahil kalaunan ay kakailanganin kong bumalik sa iyo. Alam mong hindi ako ganoon kahusay para maintindihan ang misteryo sa likod nila. Ang suspetsa ko ay ikaw lamang ang makakalutas ng misteryo kaya ikunsidera mo na iniingatan ko muna ang mga ito para sa iyo sa ngayon. Manalig ka sa akin – dahil sinisiguro ko sa iyo na aalagaan ko sila ng mabuti."

Related Books

Popular novel hashtag