Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 217 - Huwag Mong Saktan ang Mukha Ko!

Chapter 217 - Huwag Mong Saktan ang Mukha Ko!

Ang kagalakan ay nasasapawan ang lahat sa kanyang isip, pati na din ang kanyang pagkabalisa at alarma.

Ang tagumpay at karangalan na malapit na niyang maabot ay nagpabulag sa kanya sa iba pa…

Sa tabi niya, si Tianxin ay masaya din.

Nang narinig niya ang pangako ni Xinghe na maperpekto ang artificial human limb technoloigy, hindi siya naniniwala na magagawa itong matapos ni Xinghe pero hindi pa din niya maiwasang hindi mag-alala.

Nag-aalala siya na baka nga magawa ito ni Xinghe.

Kung magawa niya, ang impresyon sa kanya ng Xi Family ay iikot ng 180.

Ang plano ni Xinghe na mapakasalang muli si Mubai ay malapit ding magkatotoo dahil hindi na haharang pa sa kanyang landas ang mga Xi.

Salamat na lamang at dumating si Ruobing para iligtas siya. Ngayon ay napaalis na si Xinghe sa lab, ang plano nito ay biglang nahinto.

Wala ng paraan pa na makakabawi si Xinghe matapos na mawala sa kanya ang mahalagang pagkakataong ito!

Ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na mahabol si Mubai, ang mahila itong pabalik sa kanyang tabi.

Nagbigay ng maliwanag na ngiti si Tianxin, nauunawaan na kinumpirma ng Diyos ang kanyang suspetsa.

Kapalaran na ni Xia Xinghe na makipagtunggali bilang isang piraso ng basura sa pinakailalim ng lipunan ng mga tao at hindi kailanman ito magiging banta laban sa kanya!

Kautusan na ito mismo ng Diyos! Si Xia Xinghe ay isang babaeng nahatulan na! Syempre, nahatulan na siya!

Ang ibig sabihin nito ay talagang akin si Mubai… Oo, dahil kahit ang Diyos na ang nagtakda nito kaya… ipinanganak kami para kumpletuhin ang isa't isa!

Pabalagbag na binuksan ni Xinghe ang pintuan ng basement at pumasok na nag-aalab ang paghihiganti sa kanyang mga mata.

Si Ee Chen, na patuloy pa ding nagtatrabaho sa basement ng Xia Family, ay itinaas ang kanyang ulo sa takot para masalubong ang mapaghiganting titig niya. Sa kanyang mga mata, tila siya ay ang Diyosang si Nemesis, na nagpunta sa kanya para singilin ang kanyang paghihiganti.

Kasunod niya ay ang kanyang dalawang naghihiganting mga anghel na sina Xiao Mo at Xia Zhi!

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi mo aakalaing gagawin ni Ee Chen ang ngumiti. "Bakit nakatutok sa akin ang mga tinging puno ng pagkasuklam? Mukhang hindi kayo naririto para imbitahan akong lumabas para uminom ng tsaa."

"Tama ang hula mo! Mayroon pang isang palaisipan para sa iyo, hulaan mo kung ano ang gagawin namin sa iyo ngayon?" Galit na hamon ni Xia Zhi.

Napakamot si Ee Chen sa kanyang baba na gumagawa ng isang kagalang-galang napagkilos na tila siya nag-iisip bago nagsabi ng, "Umaasa ako na sana ay hindi pero ang hula ko ay bubugbugin ninyo ako?"

"Hulihin ninyo siya—" may pinalidad na utos ni Xinghe sa oras na natapos ni Ee Chen ang kanyang pangungusap.

Agad na lumapit sina Xiao Mo at Xia Zhi sawimpalad na hacker!

Itinaas ni Ee Chen ang kanyang mga kamay bilang depensa habang sumisigaw, "Teka, teka, seryoso ba kayo? Nagbibiro lang ako!"

"Siyempre seryoso kami. Ang isang traydor na tulad mo ay kailangang bugbugin hanggang mamatay!" Pagmumura ni Xia Zhi habang sinusuntok si Ee Chen.

Walang sinabi si Xiao Mo, itinutok na lamang niya ang kanyang enerhiya sa pagsuntok.

Hindi na madepensahan ni Ee Chen ang sarili sa pag-ulan sa kanya ng mga suntok. Niyakap na lamang niya ang kanyang ulo at nagmakaawa, "Suntukin na ninyo ako kahit saan ninyo gusto pero huwag sa mukha!"

Nagpakita ng perpektong kooperasyon sina Xiao Mo at Xia Zhi habang tig-isa silang hinila ang mga kamay ni Ee Chen at sinuntok ito ng deretso sa mukha!

Suminghal na si Ee Chen, "Hindi ba't sinabi ko na huwag saktan ang mukha ko!"

Nagtanguan sina Xiao Mo at Xia Zhi sa isa't isa at nagbigay na naman ng isa pang suntok sa mukha ni Ee Chen. Nagmukhang panda na puro pasa si Ee Chen.

Napagtanto ni Ee Chen na hindi sila titigil anumang oras at hindi rin nagpakita ng intensiyon si Xinghe na patigilin ang mga ito. Agad siyang nagmakaawa, "Itigil na ninyo ang pambubugbog, sumusuko na ako, okay? Isa pa, hindi naman talaga ako traydor. Kailangan ninyong pakinggan ang paliwanag ko!"

"Sampung segundo pa." Ito ang ikalawang pangungusap na sinabi ni Xinghe matapos niyang pumasok sa silid.

Ginamit nila Xiao Mo at Xia Zhi ang huling pagkakataon na ito para gawing memorable sa buhay ni Ee Chen ang sampung segundong ito.

Nang matapos na sila dito, nanghihinang sumalampak sa sahig si Ee Chen, na sumisinghap para makahinga.

Ang una niyang sinuri ay ang kanyang mukha.

Habang hinahawakan ang kanyang mukha na nagsisimula nang magpasa, galit siyang nagreklamo, "Hindi ba at sinabi ko na palampasin ang mukha ko? Paanong naging malupit kayong dalawa para sirain ang mukhang gwapo tulad nito?"

Parehong tinapunan siya nila Xia Zhi at Xiao Mo ng mapang-uyam na mga tingin dahil ang dalawa ay naniniwala na mas gwapo sila kaysa sa kanya.

Related Books

Popular novel hashtag