Sa pagkakabanggit ng 'Project Galaxy', nanlaki sa pagkabigla ang mga mata ni Xinghe.
Naningkit ang kanyang mga mata kay Ee Chen, sinusubukang basahin ang ekspresyon nito.
Ganun din ang ginagawa sa kanya ni Ee Chen.
"Sino ka ba?" Malamig na tanong ni Xinghe.
"Ako, syempre, si Ee Chen; sa tingin ko ay kindred spirit of some sort tayo."
"…"
"Mukhang tama ang suspetsa ko, narinig mo na ito dati. Well, ang pangalan mo ay isang malaking palatandaan na."
"Ano ang Project Galaxy?" Singit ni Xia Zhi sa tabi niya.
Walang sumagot sa kanya.
"Lapitan mo ako kung kailangan mo ng kahit anung tulong, pero sigurado ako na kakailanganin ko ang tulong mo sa hinaharap. Ang mga taong tulad natin ay dapat na nagtutulungan sa isa't isa," misteryosong dagdag ni Ee Chen bago nito isinara ang camera feed.
Gayunpaman, marami pa ding katanungang walang kasagutan si Xinghe.
"Ate, ano ba itong Project Galaxy? At ano ang kinalaman nito sa iyo?" Patuloy na tanong ni Xia Zhi.
Sinalubong ni Xinghe ang mga mata nito at sinabi, "Wala din akong ideya kung ano ito. Xia Zhi, ipangako mo sa akin na ititigil mo ang pagtatanong o kahit na mabanggit ang bagay na ito sa akin o sa kahit na sino, umakto ka na parang wala kang narinig."
"Pero…"
"Mangako ka sa akin."
Nakita ni Xia Zhi ang pagpupursige sa kanyang mga mata kaya pumayag na siya, "Sige, nangangako ako sa iyo…"
Tumango si Xinghe. Tumayo na siya at sinabi, "Halika na, bumaba na tayo para maghapunan. Mayroon akong trabahong ipapagawa sa iyo pagkatapos noon."
"Okay!" Tinanggap ito ni Xia Zhi ng may galak, ngunit desperado pa din siyang malaman kung ano ang Project Galaxy na ito!
…
Kinabukasan, kinuha ni Xinghe si Ee Chen na tumulong sa pagdidisenyo ng artificial limb.
Sa kabiguan ni Xia Zhi, wala silang binanggit na salita tungkol sa Project Galaxy.
Kung titingnan ang mga bagay, tulad ng kung paano sila magpahiwatig ng mga bagay na hindi maintindihan ni Xia Zhi, ipinagpapatuloy nila ang nauna nilang usapan matapos ang hapunan kinagabihan.
Alam ni Xia Zhi na mas maigi pang manahimik kaysa usisain ang problemang iniiwasan ng mga nasa silid. Sa halip ay pinagtuunan niya ng pansin ang trabahong iniatang sa kanya ng kanyang kapatid, ang tulungan si Xiao Mo na patakbuhin ang kumpanya.
Gayunman, wala siyang rason para manatili kung saan tinatrabaho nila Xinghe at Ee Chen ang mga disenyo. Masyado silang mahuhusay kaysa sa kanya para makatulong ng kahit na ano.
Ang computer skills ni Ee Chen ay kasing husay tulad ng pangako nito.
Salamat na lamang at sanay na si Xia Zhi sa mga nakakahangang computer whizzes mula sa patuloy na pakikisalamuha sa kanyang kapatid o baka nagsimula na siyang maawa sa sarili niya.
Ang abilidad ni Ee Chen ay hindi kasing husay ng kay Xinghe pero mas malayo at mataas pa din ito kaysa kay Xia Zhi.
Si Xia Zhi na ang inisyal na intensyon ay palawigin ang kaalaman at husay sa computers ay natanggap na din sa wakas ang kanyang limitasyon.
Maaaring gugulin niya ang buong buhay sa pag-aaral ng IT skills at hindi pa din niya maaabot ang kanyang kapatid; napagdesisyunan na niyang sumuko sa landas na ito.
Nagdesisyon na siya na magbago ng landas sa buhay. Ang pansin niya ay natuon sa pagtulong kay Xiao Mo para pamahalaan ang kumpany.
Sa kanyang pagkabigla, nalaman niya na may magandang kaugnayan siya sa pamamahala ng negosyo.
Tungkol sa husay ni Xinghe, kahit si Ee Chen ay napahanga at naging mapagkumbaba sa mga ito.
"Ikaw na talaga ang pinakamahusay na cimputer expert na nakadaupang-palad ko. Hindi ako makapaniwala na nagawa mong makagawa ng isang bagay na napakakumplikado na nangangailangan ng ibayong kadalubhasaan," napasinghap sa labis na pagkabigla si Ee Chen habang sinusuri niya ang halos tapos nang disenyo sa computer screen ni Xinghe.
Kung hindi sa pakikipagtulungan niya kay Xinghe sa mga nakaraang araw, hindi siya magkakaroon ng ideya kung gaano ito kahusay sa kanyang trabaho.
Natatawa pa din siya habang naaalala ang plano ni Ruobing na subukan si Xinghe sa kanyang mga kadalubhasaan sa computer at mathematics.
Ito ay tulad sa isang pangahas na bata na sinusuri ang isang college professor sa kanilang kaalaman.
Bukod sa malawak na kaalaman, mayroon ding utak na kasing husay ng isang mabilis na computer si Xinghe.