Matapos ang mahabang araw sa trabaho, umalis na si Xinghe sa lab para makita ang mamahaling kotse ni Mubai na nakaparada hindi kalayuan mula sa entrada.
Nakasuot ng puting shirt si Mubai at patamad na nakasandal sa kanyang kotse.
Ang papalubog na araw ang nagpatingkad ng kanyang mukha. Ang natatagong kalahati ng kanyang mukha gawa ng anino ay nagpadagdag ng misteryo sa hitsura ng lalaki.
Ang papawalang liwanag ng araw ang nagsilbing natural na tabas na nagpatingkad ng perpektong istruktura ng kanyang buto at balingkinitang katawan.
Nababalutan siya ng mala-gintong sikat ng araw tulad ng Greek God na si Apollo na papalabas sa isang oil painting, malahari at nakaka-akit.
Kahit si Xinghe na wala ng nararamdaman para sa kanya ay hindi mapigilan na maramdamang tumibok ng mabilis ang puso niya.
Naririnig pa niya ang pagsinghap na nagmumula sa dalawang babaeng inhinyero na sumusunod sa kanya.
"Sino iyon?"
"Hindi mo kilala kung sino siya? Siya ang tanging rason kung bakit nag-apply akong magtrabaho sa lab na ito!"
"Napakakisig niya… sa tingin mo?"
Sa engineering lab na tulad ng kanila, ang numero ng lalaki ay higit kaysa sa mga babae kaya naman ang mga babaeng inhinyero ay nakakapamili ng kanilang kapareha kaya naman kinakailangan na isang kaaya-ayang lalaki talaga ang kailangan nilang makita para makapagkumento sila ng ganito…
Nakaramdam ng kakaibang kasiyahan si Xinghe na marinig ang mga kumento nila.
Habang pinagbibigyan niya ang sarili ng may ngiti, humarap bigla si Mubai at ang pares ng mga magiliw nitong mga mata ay sinalubong ang tingin niya.
Halos agad-agad, gumuhit sa mga labi nito ang isang makasalanan ngunit indolenteng ngiti.
"Saluhin mo ako, tingin ko ay hihimatayin ako!"
"Girl, tulungan mo ang sarili mo dahil sa tingin ko ay mauuna akong himatayin kaysa sa iyo!"
"Well, ako naman ay mamamatay kapag hinimatay ka! Hindi ako papayag na matalo mo ako sa harap ng dream guy ko!" Ang dalawang inhinyero ay nagsimulang magtilian na parang mga dalagita.
Pinaikot ni Xinghe ang kanyang mga mata bilang tugon sa pag-arte ng mga ito.
Oo, higit na mas gwapo si Mubai kaysa sa karaniwan sa mga lalaking nagtatrabaho dito pero talaga bang nararapat sa kanya ang ganitong mga reaksiyon?
"So, kumusta ang unang araw mo sa trabaho?" Lumapit si Mubai sa kanyang tabi at nagtanong ng may ngisi.
Akala ni Xinghe ay guni-guni lamang niya pero sigurado na siya ngayon na ang paraan ng pagtingin nito sa kanya ay mas naging… magiliw.
Na tila ba nakatingin siya sa isang minamahal na alagang pusa, na nangangailangan ng ibayong ingat sa pakikitungo at pagbibigay ng layaw.
Samakatuwid, kinumbinsi niya ang sarili na baka guni-guni lamang niya ito…
Pero, wala naman talaga siyang pakialam kung nagkaroon ng pagbabago ang damdamin nito o hindi; pasya na nito ito, at hindi niya hawak iyon.
"Ayos lang," sagot ni Xinghe ng walang masyadong diin.
"Sumakay ka na, maaari mo namang ikwento sa akin habang papauwi tayo." Umikot si Mubai para pagbuksan siya ng pintuan. Matapos noon, tumayo ito sa may pintuan na parang isang chaffeur, ang mga matang umaasa ay nakatuon sa kanya, na tila ba mabibigo ito kapag lumakad siya palayo.
Ayos lamang naman kay Xinghe na sumabay siya dito pauwi. Kahit na hindi na sila kasal, hindi naman masama ang loob niya dito.
Ang katotohanan niyan, hindi siya kailanman kinamuhian ni Xinghe. Ayaw lang niya manatiling kasal dito.
Maliban doon, ayos lamang sa kanya na magkaroon ng mga normal na interaksyon dito.
Gayunpaman, nanigas ang katawan niya sa oras na yumuko siya para pumasok sa kotse nito. Naramdaman niya ang pagdiin ng palad ni Mubai sa kanyang ulo.
Nag-aalala ito na baka mauntog ang ulo niya sa bubong…
Makalipas ang isang segundo, naramdaman niya na tumatagos at nakakasunog ang titig na ipinupukol ng dalawang babaeng inhinyero sa kanya!
Iniisip ng dalawa na tumakbo palapit para haltakin siya paalis at palitan siya!
Nanginig ng hindi sadya si Xinghe mula sa mga nagseselos na tingin na ipinukol sa kanya ng dalawang babae. Mabilis siyang pumasok sa kotse para makatago mula sa tingin ng mga ito.
Matapos sumibad paalis ng kotse, saka lamang niya pinakawalan ang paghinga niya na hindi niya alam na pinipigil niya…