Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 199 - Lahat nang Sabay-Sabay

Chapter 199 - Lahat nang Sabay-Sabay

Tumalikod na ito para umalis.

Sumunod din sa kanya si Professor Qian. "Ditto."

Iniisip nilang pareho na hindi kakayanin ni Xinghe na sagutan ang math problem na iyopn.

Hindi nila maintindihan kung bakit tinawag pa silang tatlo ni Ruobing at gumawa ng kaguluhang ito. Siya lamang ay sapat na para magbigay ng mga katanungan sa pagsusulit.

"Ako din ay aalis na muna, tawagin na lamang ninyo ako kapag nasagutan na ang problema." At kumilos na si Professor Chen para sundan ang kanyang mga kasamahan.

Kahit ang mga tao ay nagsimula ng magsi-alisan.

Sa oras na naisulat na ang math problem sa pisara, alam nilang tapos na ang lahat.

Walang halagang panoorin ang imahe ni Xinghe na nakatunghay sa pisara.

Siguro ay mananatili itong nakatayo doon ng buong araw ng walang nagagawang progreso.

"Ito lamang? Nasaan pa ang dalawa?" Biglang tanong ni Xinghe ng nagsimula ng tumalikod para umalis ang mga tao.

Ang kanyang boses ay may magandang kalidad kaya naman agad itong humiwa sa ingay ng mga tao sa lab tulad ng isang kutsilyo, matalim at maliwanag.

Ang mga nakarinig sa kanya ay mga natigilan sa kanilang paghakbang.

Hinarap ni Xinghe sina Professor Wong at Professor Qian, "Ang bawat propesor ay magbibigay ng isang tanong, tama? Kaya naman, ibigay na ninyo ito, sasagutan ko ang lahat ng sabay-sabay."

Ano ang sinabi niya?

Gusto nitong ibigay nilang lahat ang mga tanong ng sabay-sabay?!

"Alam mo ang solusyon sa problemang ito?" Masungit na tanong ni Professor Wongh habang tumuturo sa pisara.

Nagkibit-balikat si Xinghe na hindi direktang nagbigay ng sagot. "Malalaman mo na lamang sa oras na nandiyan na ang tatlong katanungan."

"Pusta ko ay dahil sa hindi niya masagutan ang tanong na ito kaya gusto niyang subukan ang swerte niya sa dalawa pang tanon. Professor Wong at Professor Qian, bakit hindi ninyo siya pagbigyan? Siguro naman alam niya ang sagot sa isa sa mga ito,"'Mabait' na paliwanag ni Ruobing sa madla.

Pagkatapos, 'mabait' niyang ipinaliwanang kay Xinghe, "Gayunpaman, hindi ito ang patakaran sa hamon na ito. Kailangan mong sagutan lahat ng tatlong tanong para makapasa. Syempre, mayroon kang isang buong araw para sagutan sila, kaya hula ko…. Kailangan na nating maging kumportable."

"Siguradong tatayo siya doon ng isang buong araw…" bulong ng isa sa mga taong naroroon.

Ang unang tao ay humarap sa kanila ng nasisindak. "Naniniwala kayo sa kaniya? Hindi ba halata, na ang tanong na iyan ay hindi masagutan ng kahit sino sa atin dito, paano pa kaya siya."

Ang misteryosong lalaki ay kumurba ang labi para ngumiti. "Well, narinig ko na mahusay siya sa computer science. Ang dalawang larangan ay may kaugnayan kaya naman ang husay niya sa mathematics ay maaaring maging surpresa sa atin."

"Pero, masyado naman ata iyon…"

Tumigil nang sumagot ang lalaki pero ang tiwala niya kay Xinghe ay hindi nabawasan.

Sa kaparehong oras, tahimik niyang tinatawanan ang mga taong nasa paligid niya.

Isang grupo ng mga ordinaryong taong ito, ni hindi nila makita na ang tunay na talentado ay naririto na sa harap nila.

Hindi niya mahintay na makita ang mga natataranta nilang ekspresyon…

"Syempre, sasagutan ko ang lahat ng tatlong iyan." Tumatango si Xinghe ng marahan. "Kaya naman, ibigay na ninyo sa akin ang tatlong tanong ngayon ng sabay-sabay, ayoko ng mag-aksaya pa ng oras."

"Ang kapalaluan ng mga kabataan ngayong araw," nagagalit na sambit ni Professor Qian. "Sige, dahil ikaw mismo ang may kagustuhan nito, gawin na natin ng matapos na ito!"

Dumakot siya ng yeso at nagsimula ng magsulat sa pisara.

Ang tanong niya ay agad na pumuno ng kalahati ng pisara!

Nang ibinagsak na niya ang yeso, ang madla ay natigilan…

Ang tanong ay mas mahirap kaysa sa nauna. Mas dumami pa ang naguguluhang tinginan ng madla.

Ang bilang ng mga taong makakasagot sa katanungang ito sa math ay lalong bumaba at kahit alam nila ang solusyon, kinakailangan nila ng mahabang oras para masagutan ito.