Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 197 - Ang Mahigpit na Kumpetisyon

Chapter 197 - Ang Mahigpit na Kumpetisyon

Walang naniniwala na mananalo si Xinghe…

Kahit si Luo Jun ay nagsimula na ring magduda.

Bago pa magsimula ang pagsusulit, patagong lumapit siya kay Xinghe at bumulong, "Miss Xia, huwag mo nang ituloy pa ang hamon na ito. Marami ang mga pinakamahuhusay na eksperto na nagtatrabaho dito. Siguradong kakausapin sila ni Leader Yun para sila ang magbigay ng mga pagsusulit."

Tumango si Xinghe na tila ba alam na niya ito noong simula pa lamang, "Salamat, alam ko."

"Kung gayon ay bakit mo tinanggap ang hamon niya?" Natatarantang tanong ni Luo Jun.

"Bakit hindi? Ito ang pinakamainam na pagkakataon para makumbinsi ang lahat sa kakayahan ko."

"Pero baka pahirapan ka ng mga siyentipikong iyon. Maaaring may kanya-kanya silang mga ugali pero sa pagtatapos ng araw, si Leader Yun pa din ang kanilang pinuno. Aalis ka na matapos ang isang buwan pero kailangan pa nilang harapin si Leader Yun hangga't nagtatrabaho sila dito. Walang paraang hindi nila tutulungan si Leader Yun."

Sa ibang salita, kahit na may suporta pa ni Mubai, pagtutulungan nilang lahat si Xinghe.

"Alam ko," ulit ni Xinghe sa hindi interesadong tono. Nakaramdam ng sobrang pagkabigo si Luo Jun.

Ngunit, hindi siya maaaring manatiling nakatayo lamang at walang gawin dahil nakasalalay dito ang kabuhayan niya sa pananatili ni Xinghe. Kung mapaalis si Xinghe, sigurado siyang pasusunurin siya ni Mubai dito.

"Miss Xia, dapat siguro ay ipaalam natin ito kay CEO Xi. Sigurado akong mapapasunod niya ang mga ito."

"Walang dahilan para gambalain pa siya dahil kaya ko naman itong ayusin," sagot ni Xinghe at pinigilan pa siyang magpatuloy, "Huwag kang mag-alala, sinisigurado ko sa iyo, hindi kita idadamay dito kahit na ano pa ang kalabasan nito."

"Hindi, hindi iyan ang ibig kong sabihin…" nauutal na sambit ni Luo Jun at nagsimula siyang mamula. Hiyang-hiya na siya para kumbinsihin pa si Xinghe.

Sa pagkakataong iyon, dumating na din sa wakas si Ruobing.

Umalis siya para hanapin ang mga kandidatong gagawa ng pagsusulit ni Xinghe, at para na rin pag-usapan kung paano nila gagawing mahirap ito para dito.

"Pwede na ba tayong magsimula?" Malamig na tanong ni Xinghe.

"Sige," tango ni Ruobing at inalalayan ng pumasok ang tatlong matandang lalaki. "Bago tayo magsimula sa pagsusulit, hayaan mo akong magsimulang magpakilala sa kanila. Kasama ko sina Professor Chen, Professor Wong, at Professor Qian. Ang mga larangan ng pananaliksik ng mga respestadong propesor na mga ito ay sa mathematics kaya sila na ang bahalang magbigay ng pagsusulit sa iyo."

Nagsimula ng magbulung-bulungan ang mga tao pagkatapos ipakilala ni Ruobing ang mga propesor.

Kahit si Luo Jun ay hindi napigilan ang sarili at napabulalas, "Leader Yun, ang tatlong propesor ang pinakamagagaling na mathematician na nasa ating pasahod. Hindi ba at masyado namang mahigpit kung sila pa ang gagawa ng pagsusulit para kay Miss Xia.

Masyadong magaan na sabihin itong mahigpit.

Sinasadya ni Ruobing na maging mahirap ito para kay Xinghe. Hindi lamang iisa ang ekspertong magsusuri kay Xinghe kung hindi tatlo!

Nagkibit-balikat si Ruobing at walang-hiyang sumagot, "Yamang malakas ang kumpiyansa ni Xinghe sa sarili, isang malaking insulto kung hindi natin ihaharap sa kanya ang pinakamagagaling natin. Sang-ayon ba kayo?"

"…" inis na si Luo Jun para sumagot pa.

Ngayon niya napagtanto kung gaano kakapal ang mukha ni Yun Ruobing…

"Nagpapasalamat ako kay Leader Yun sa mataas na pagtingin sa akin," alok ni Xinghe ng may ngiti.

"Nararapat lamang iyon," responde ni Ruobing ng nakangiti, "Gaya ng sinabi ko, ang tatlong propesor ang magtatanong sa iyo pero huwag kang mag-alala. Sinabihan ko silang dalian lamang nila para sa iyo dahil ikaw ay aming bisita."

"Tatlo lamang?" Panunubok ni Xinghe.

Ang ngiti ni Ruobing ay naging mapanghamak na ismid. "Ang tatlo ay sapat na sa mga taong tulad mo."

"Paano naman ang computer science test?"

"Mamaya mo na iyon alalahanin." Wala naman talagang plano pa si Ruobing na subukin pa si Xinghe sa computer science sa simula pa lamang.

Related Books

Popular novel hashtag