Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 193 - Namumuong Gulo

Chapter 193 - Namumuong Gulo

Pinagdiinan pa ni Xinghe ang kanyang tanong.

Pansamantalang natigilan si Ruobing at ang dalawang alalay nito dahil sa malahari niyang presensya.

Gayunpaman, natural na imposible para kay Ruobing, na sanay na siya ang nasa ituktok ang yuyuko kay Xinghe.

"Pero nagnakaw ka naman talaga," pinandilatan niya si Xinghe at matigas na diin nito.

"Kinuha mo ang mga design papers ng walang pasabi sa amin kaya pagnanakaw ang tawag doon! Maaari ka namang pumunta sa akin ng personal para hingin ito pero hindi ka nagpasabi, kaya pang-uumit iyon, at wala ng iba pang tawag doon. Isa pa, isa itong pagpapakita ng hindi mo pagrespeto sa akin at sa mga patakaran ng komunidad na ito. Maaaring ikaw nga ang namumuno sa lab pero hindi nangangahulugang mas mataas ka sa patakaran dito!"

Bahagyang ngumiti si Xinghe. Nauubos na ang pasensiya niya sa klase ng taong ito na nakikipagtalo ng gamit ang lohika.

"Hindi kita binigyan ng pasabi? Hindi kita nirespeto?" Matalim na tumingin si Xinghe. "Yun Ruobing, hindi mo ba narinig ang kasabihan na ang respeto ay nakukuha at hindi hinihingi? Dahil wala ka namang ginawa na dahilan para irespeto kita, bakit ba kita irerespeto?"

"Ikaw…" sukdulan na ang galit ni Ruobing.

Hindi niya inaasahan na masyadong mapilit at agresibo si Xinghe.

Isa itong malaking pagkakaiba sa imahe niya kay Xinghe.

Wala silang masyadong pagkikita noon bago ito, pero narinig ni Ruobing na si Xinghe ay isang tahimik at mabait na tao.

Ngunit, ang Xinghe na nasa harap niya ngayon ay may matalim na dila at desidido sa kanyang paninindigan… pinagsususpetsahan tuloy niya ang katotohanan ng kanyang narinig.

Kahit na ano pa ang katotohanan, lumampas na si Xia Xinghe sa linya!

Ang lab na ito ay teritoryo ni Ruobing, kaya paano siya makakapayag na may mas makapangyarihan pa kaysa sa kanya?

"Sige, papalampasin ko ang pagnanakaw mo sa oras na ito pero bakit kailangan naming makinig sa iyo? Kahit na may utos pa ni Mubai, kailangan mong ipakita sa amin ang abilidad mo para sumunod kami sa iyo. Kung hindi, ang lugar na ito ay hindi ka tatanggapin. Sapagkat walang gustong sumunod sa utos ng isang walang kwentang tao."

Ang dalawang inhinyero ay umayon sa sentimyento ni Ruobing.

"Tama si Leader Yun. Ang mga taong nagtatrabaho dito ay ang pinakamahuhusay sa lahat, hindi kami susunod sa iyo kahit na utos pa ito ni CEO Xi."

"Tama iyon, sigurado akong naririto ka lamang dahil nakiusap ka kay CEO Xi. Hindi kami tatanggap ng utos sa isang peke. Mas gugustuhin pa naming magbitiw na lamang kaysa magtrabaho para sa iyo."

Hindi inaasahan ni Luo Jin na sa ganito aabot ang gagawin ng mga ito para pahirapan si Xinghe.

Sinubukan niyang tulungan ito, "Kung si CEO Xi ay pumapayag na magbigay ng utos na ito, ibig sabihin ay naniniwala siya sa kakayahan ni Miss Xia. Wala ba kayong tiwala kay CEO Xi at sa pagtingin niya sa mga may talento?"

Ang mas matangkad na inhinyero ay sumagot, "Hindi imposible kay CEO Xi na magkamali. Isa pa, ang pagtitiwala sa kanya ni CEO Xi ay walang kinalaman sa amin."

"Tama iyon. Kung talentado siya gaya ng sinasabi mo, ipakita niya ito sa amin."

Mayroong kinang sa mga mata ni Ruobing at lumabas ang isang interesanteng ideya sa kanyang utak.

Malamig niyang tinignan si Xinghe at nagtanong, "Narinig mo naman ang sinabi ng mga lalaki, hindi ba? Ang lahat ng naririto ay may kanya-kanyang temperamento. Kailangan mo lang mapahanga kami bago mo kami mapasunod kaya ganito na lang… bakit hindi tayo magkaroon ng isang friendly competition?"

Sa ibang kadahilanan, nakaramdam ng kaba si Luo Jun. Sinubukan niyang mapalis ang tensyon. "Hindi naman kailangan pang magkagulo tayo rito. Mananatili lamang si Miss Xia dito ng isang buwan. Magtulungan na lamang tayo at huwag na nating guluhin pa ang maayos na samahan dito sa trabaho."

"Kung wala siyang kakayahan, hindi kami papayag na siya ang mamuno sa amin kahit na isang araw pa!" Sambit ni Ruobing at itinaas ang ilong kay Xinghe na tulad ng isang reynang namumuno sa kanyang korte.

Related Books

Popular novel hashtag