Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 188 - Isang Maagang Sorpresa (Pagtatapos ng Patriarch Arc)

Chapter 188 - Isang Maagang Sorpresa (Pagtatapos ng Patriarch Arc)

Sa loob ng isang araw, hindi lamang nawala sa kanya ang karapatang pakasalan ito kundi pati na rin ang pag-asa na maisalba ang sarili.

Hindi nahulaan ni Tianxin na maraming bagay ang mangyayari sa loob lamang ng isang araw.

Ang kanyang pagkasindak at sorpresa ay pinaghatian ng marami.

Kung isasantabi ang pagtatapos ng engagement sa pagitan ni Mubai at Tianxin, ipinagmalaki din ni Xinghe na kaya niyang makagawa ng perpektong artipisyal na braso ng tao.

Ang tungkuling pinaggugulan ng Xi Family ng 20 taon at sinubukang makuha pero wala pa ding resulta, sinabi niya na matatapos niya sa loob ng isang buwan.

Maliban pa doon, pinaplano din ni Mubai na pakasalan itong muli!

Sa isang magdamag, binangga ni Xinghe ang puso ng lahat tulad ng isang asteroid na naliligaw.

Walang makakaisip na ang isang babaeng tahimik na umalis tatlong taon na ang nakakaraan ay muling magpapakita sa isang engrandeng paraan.

Dumating siya sa birthday party ni Xi Lin sa isang sikat na paraan at muli, ay nag-iwan ng mga bomba sa Xi Family.

Hindi na mahalaga para sa mga nakakakilala sa kanya o hindi, pinanood niya ang pagbabalik niya ng may kumplikadong nararamdaman.

Syempre, mayroong mga tao na humihiling na sana ay makabalik siya ng matagumpay pero mayroon pa ding iba na nagdarasal na siya ay pumalpak.

Isa si Yun Ruobing sa mga huling humihiling na iyon!

Ito ay dahil siya ang nagpasimuno ng halos perpektong artipisyal na teknolohiya. Hindi siya papayag na may ibang umangkin ng kanyang karangalan!

Kaya naman, maagang dumating si Ruobing kinabukasan, handa na para 'malugod na tanggapin' si Xinghe.

Maaga pa ng araw na iyon, ang magarbong Rolls Royce ni Mubai ay lumitaw sa harap ng bahay ni Xinghe, halatang naghihintay sa kanya.

Kaya ng lumabas si Xinghe sa front door nito, nakita niya itong nakaupo sa likuran.

Ang sumisikat na araw ay nasinagan ang itim na itim na sasakyan at ang sikat nito ay ibinalik sa mga nakasisilaw na liwanag.

Si Mubai, na nakasuot ng isang mamahaling suit, ay tinapunan siya ng tingin na mas maalab pa kaysa sa araw.

Nang nakita siya nito, bumaba ito mula sa kotse, binuksan ang pinto at inalalayan siya papasok ng may nakasisilaw na bahagyang ngiti. "Pumasok ka na. Dadalhin na kita sa lab."

Kahit ang kaakit-akit na pagkalalaki nito ay masasalamin sa tinig nito.

Sinong babae ang hindi gugustuhin na mabungaran sa pintuan ng kanilang bahay ang isang gwapong prinsipe na inaalok kang ihatid sa trabaho gamit ang mamahalin nitong sasakyan habang nginingitian ka gamit ang walang kapares na gwapong ngiti nito?

Ang sagot ay wala, dahil ang bawat babae ay mababagbag ang damdamin sa maagang sorpresang ito at ang iba pa ay maaaring mangako na pakasalan ito sa oras na iyon… well, halos lahat ng babae.

Ni hindi natinag si Xinghe. Hindi siya nasiyahan sa romantikong pagkilos ni Mubai.

Nagtanong ito ng may pag-uusisa, "Hindi ba sinabi mo na may sasabihan kang sunduin ako?"

"Well, ang susundo sa iyo ay ako. Nangyari na ang lugar mo ay nasa daanan ko patungo sa trabaho, kaya para ito sa kaginhawahan ng lahat," sagot ni Mubai ng may pilyong ngiti.

At oo, ang kaluwagang iyon ay nagkataong araw-araw na mangyayari din.

Well, kasalanan niya ito dahil sa pagpili ng bahay na malapit sa bahay nya.

Ang isipin na makasalo sa sasakyan papunta at pauwi mula sa trabaho araw-araw si Xinghe ay nagsayaw ng cha cha sa puso ni Mubai.

Naisip din ito ni Xinghe at agad siyang nagsisi sa paglipat niya ng bahay.

"Ibigay mo sa akin ang address ng lab. Kaya ko ng magpunta ng mag-isa, hindi ko na gustong abalahin ka pa," malamig na sambit niya.

"Hindi ka abala. Halika na, pumasok ka na. Dahil sa misyong ito, magkakasama tayo ng maraming oras, kaya dapat ay masanay ka na dito," alok ni Mubai sa isang opisyal na tono pero syempre, may iba pa siyang pakahulugan.

Tinitigan siya ni Xinghe at ibinalik naman ni Mubai ang titig niya ng may nag-aalab na damdamin.

Sa bandang huli, si Xinghe ang unang nag-alis ng tingin.

Pumayag na ito at pumasok na sa kotse.

Kung payag naman si Mubai na maging drayber niya, hindi naman siya tututol.

Para maging patas, hindi niya siguradong iindahin ang kahit na ano pang kalokohang gagawin nito dahil hindi naman ito ganoong kaimportante sa isip niya.

Masyado lang siyang tinatamad para makipagtalo siya dito. Gusto na lamang niyang pagtuunan ng pansin na matapos ang kanyang plano.

Related Books

Popular novel hashtag