Chapter 185 - Ikaw Lamang

Noong umalis na sila sa lumang mansiyon ng Xi Family, lumubog na ang araw.

Ang mataas na pigura ni Mubai ay nasa harap habang sumusunod naman si Xinghe sa likuran nito. Mayroong tahimik na unawaan sa pagitan ng dalawa.

Agad na nakaramdam ng biglang inspirasyon si Xinghe at lumingon siya para makita si Lin Lin na nakatayo sa entrada ng villa na nakatitig sa kanya.

Nababasa din ni Xinghe sa mukha nito ang pag-aatubili na mawalay sa kanya.

Maging siya ay nawasak ang puso. Kung posible lamang, dadakmain niya ito at itatakas niya ito.

Ngunit alam niyang hindi ito gagana.

Si Lolo Xi, para ipagdiinan ang intensyon nito, ay ipinagbawal ang pagkikita nila ng anak bago niya ipakita ang resulta.

Kung nabigo siyang makapagbigay ng kahit anong resulta sa loob ng isang buwan na ito, personal nitong sisiguraduhin na hindi na magkikita pa kailanman ang mag-ina.

Dahil nangako sa kanya ng tagumpay si Xinghe. Hindi kailanman papayag si Lolo Xi na hindi niya tuparin ang kanyang pangako.

Kapag nabigo siya, malaki ang magiging kabayaran iya.

Hindi naman nag-aalala si Xinghe tungkol sa pagkumpleto ng misyon. Ang totoo niyan, pakiramdam niya ay masyadong mahaba ang isang buwan. Gusto niyang makita ang anak bago pa iyon.

"Kung gusto mo siyang makita, puntahan mo ako. Sisiguraduhin ko na may pagkakataon kayong dalawa na magkita," narinig niya ang mahinang tinig ni Mubai.

Mabait na tumutol si Xinghe, "Ayos lang."

Kailangan niyang pigilan ang kanyang masidhing pagnanasa na makita ang anak para maituon niya ng husto ang atensiyon sa kanyang gagawin. Kung hindi, sasayangin niya ang bawat minuto sa pag-iisip tungkol kay Lin Lin.

Ang maternal instincts niya ay mahirap patahimikin ngunit ang mahabang oras matapos ang kanyang diborsyo na pinigilan siyang makita si Lin Lin ay naging malaking tulong.

Ang sumunod na isang buwan ay isang kritikal na panahon kaya hindi niya mahahayaan ang sarili na magulo ang isip niya tungkol sa anak niya.

Ngayong ang layunin na ito ang naitatak sa kanyang isip, tinatagan ni Xinghe ang sarili at inialis ang tingin sa anak. "Tara na."

Matiim siyang tinitigan ni Mubai pero hindi ito nagsalita. Tinulungan siya nito na pinagbuksan ng pinto ng kotse. Matapos siyang makasakay, umikot ito sa kotse at lumulan na sa driver's seat.

Pagkatapos, binuhay na nito ang makina.

Sa pamamagitan ng rear-view mirror, napagtanto ni Xinghe na nananatiling nakatayo si Lin Lin sa parehong lugar.

Nararamdaman niyang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Ang kanyang memorya ay bumalik sa una nilang pag-uusap matapos ang diborsyo niya.

Oo, ang pagkikita nila ngayon ay ang unang beses na silang dalawa ay harapang nag-usap.

Inaasahan na niya ang hinanakit mula rito pero ang damdamin ni Lin Lin tungo sa kanya ay simple at dalisay.

Ni hindi siya nito sinisi sa pag-iwan niya, ni hindi nagtanong tungkol sa nakaraan. Sa halip ay inalo siya nito, ang tatlong taon ay hindi ganoon katagal.

Agad na tinanggap ng bata ang kanyang paumanhin at sinagot siya ng seryoso.

Hindi mo ba ako sisisihin? Dahil dapat naman. Maingat na sinabi ni Xinghe.

Naniniwala ako na babalik ka, at nakikita mo ngayon, ginawa mo nga, kaya bakit naman kita sisisihin?

Pero paano kung hindi ako pumunta…

Pero nandito ka na, hindi ba?

Kung gayon, paumanhin kung pinaghintay kita. Hindi siguro masaya iyon.

Hindi nga ito masaya, pero mas mahirap siguro ito para sa iyo. Buti na lamang kasama ko si Daddy pero wala ka ng isa pang anak.

Silly child, syempre mayroon akong nag-iisang anak na lalaki. Hanggang nabubuhay ako, ikaw lamang ang nag-iisa ko.

Sa ibang kadahilanan, sa oras na iyon, pakiramdam ni Xinghe ay dapat niya itong sabihin sa kanyang anak.

Isang maliwanag na ngiti ang pinawalan ni Lin Lin. Ako rin, iisa lamang ang mommy ko at sumusumpa ako, ikaw lang din ang mag-iisa kong mommy.

Hindi maiwasan ni Xinghe na hindi tumawa.

Isang katotohanan na siya lamang ang nag-iisa nitong byolohikong ina. Pero kahit na, ang paggiit ng anak niya na siya lamang ang nag-iisa nitong ina ang nagpainit ng kanyang puso.

Kahit ngayon, ang maisip ito ang nagpapasilay ng isang mabining ngiti sa kanyang mga labi.

Nakita ni Mubai ang bahagyang ngiti sa mukha nito at tumiim ang tingin niya.

"Sa loob ng isang buwan, kahit na pumalya ang proyekto, ibibigay ko sa iyo ang kustodiya ng bata," bigla nitong pangako.