Tumango si Xinghe, alam na niya ito- kaya naman hinintay niya ito.
Sumakay na siya sa kotse ni Mubai at nagtungo na sila sa old family mansion ng Xi Family.
Ang old mansion ay pag-aari ng lolo ni Mubai. Ang patriarch ng Xi Family ay nabubuhay pa at nakita na ito ni Xinghe ng isa o dalawang beses lamang.
Pero hindi pa sila nagkapalitan ng salita.
Ang lolo ni Mubai ay may malaharing presensya. Kahit na sa kanyang edad, ang presensya niya ay nakakapagpataranta pa din sa mga tao para matigilan.
Ang unang beses na nakita ito ni Xinghe ay sa kasal nila ni Mubai.
Natural na ang bawat isang miyembro ng Xi Family ay naroroon ngunit wala ni isang nangahas na gumawa ng gulo sa presensya nito.
Isang babae ang aksidenteng sumabat sa nakakatanda rito at binigyan niya ito ng isang titig na nakakalanta na malamang ay nakatakot dito habambuhay.
Ito ang tanging impresyon mayroon si Xinghe sa lolo ni Mubai; isang tao na kahanga-hanga tulad ng isang hari.
At ngayon, haharapin niya ito, ang nag-iisang tao na humahawak ng pinakamataas na kapangyarihan sa Xi Family!
Inisip din ni Mubai ang nalalapit na paghaharap at pinaalalahanan siya, "Hindi naman siguro tututol si lolo sa pagdalaw mo kay Lin Lin pero huwag mong babanggitin sa kanya ang isyu ng kustodiya o makakasigurado ka na hindi mo na makikita pa ang mukha ni Lin Lin kahit kailan."
"Wala ba akong karapatan na palakihin kahit ang sarili kong anak… hindi mo ba nakikitang nakakatawa ito?" Mahinang tanong ni Xinghe, ang tono nito ay puno ng paghamak sa sarili.
Sumeryoso ang ekspresyon ni Mubai at matapat na sumagot, "Hindi mo makokontrol ang katotohanan na si Lin Lin ay ipinanganak sa Xi Family."
"Ang pinakamalaking katotohanan ay si Lin Lin ang anak ko. Isang araw, magiging akin ulit siya. Panoorin mo lamang ako," puno ng kumpiyansang sabi ni Xinghe.
Hindi naman pinakahulugang kayabangan ni Mubai ang deklarasyon na iyon bagkus ay nagtaas siya ng kilay sa interes. "Saan nanggagaling ang tiwala mo sa sarili?"
"Ang bawat lalaki at babae ay ang amo ng kanilang sariling kapalaran. Naniniwala ako na magagawang lahat ng tao ang kahit na ano kung magbibigay ito ng sapat na gawa at pagnanais na makuha ito."
"Xia Xinghe, alam mo ba na ang ugali mong ito…" sinadyang pinutol ni Mubai ang sinasabi bago ngumisi, "ay lubhang kaakit-akit?"
Hindi man lamang kumurap si Xinghe.
Wala siyang pakialam kung ano ang tingin nito sa kanya o kung ano ang opinyon nito sa kanya.
Ang ekspresyon niya ay nanatili mula ng nasa hotel siya hanggang sa sumakay siya sa kotse nito, na walang pakialam. Para tuloy siyang driver nito, na nagdadala sa kanya sa destinasyon nito, at ang relasyon nilang dalawa ay hindi pa lalalim mula sa kababawan.
Hindi naman sa dahil sa mayabang ito.
Ito ay dahil sa wala pa siyang inookupahang espasyo sa puso nito, wala kahit isang pulgada.
Para sa kanya, siya ay isa lamang taong dumadaan sa buhay niya, isang magandang mukha na hindi man lang karapat-dapat alalahanin o pahalagahan man lamang.
Napagtanto ito ni Mubai at nahihirapan siyang hindi man lamang maapektuhan.
Nagsimula na siyang magkaroon ng interes dito pero hindi nito ibinabalik ang nararamdaman niya? Hindi niya maiwasan na hindi makaramdam ng… kabiguan.
Ito ang unang beses na may isang babae na makakapukaw ng kanyang interes, syempre, isa itong babae na may higit pang katangian kaysa sa kanya, at hindi man lamang nito kinunsidera na isa siyang lalaking karapat-dapat bigyan ng atensyon.
Ang isiping ito ang nagpatawa kay Mubai. Lubha siyang naaliw.
"So, ang lahat ng nangyari kagabi ay sinadya?" Bigla niyang tanong.
Dumeretso ng tingin si Xinghe at nagkibit-balikat, "Tama iyon."
Hindi na niya tinukoy kung ano ang bagay na ito pero malaya nitong inamin iyon.
"Pero bakit?" Dahil wala naman itong pakialam sa kanya, wala namang rason para dito na makialam kung sino ang pakakasalan niya.
Kung iyon ang kaso, bakit gumawa ito ng paraan para matigil ang kasunduan niya ng pagpapakasal?
Sa kahit na anong kaso, ang argumento ni Tianxin ay dahil sa gusto ni Xinghe na makipagbalikan sa kanya ay hindi naman totoo.
Kaya naman… bakit?
"Hindi kwalipikado si Tianxin na maging madrasta ng aking anak," bulalas bigla ni Xinghe ng katotohanan.
Lalong lumawak ang ngisi ni Mubai. "Kaya naman, ikinalulugod ko ang iyong katapatan. Pero, kung hindi siya kwalipikado, sino ba? Sa bandang huli, ikakasal akong muli."
"Ang totoo? Wala."
"Sa ibang salita, sa tingin mo ay wala ni isang nararapat na maging asawa ko?"