Ang deklarasyon ni Mubai ay nagdulot ng pagkabila sa lahat ng naroroon.
Kahit si Xinghe ay hindi napigilan na tumingala dito.
Walang nakakaalam sa kanila na pinahalagahan pala niya si Xinghe ng ganoon…
Nararamdaman ni Tianxin na bumibigay na ang kanyang mga hita.
Matatanggap pa naman sana niya ang katotohanan na hindi ibinalik ni Mubai ang kanyang pagmamahal pero ang masaksihan ang pagmamalasakit ni Mubai kay Xinghe ang nagtulak sa kanya sa bangin!
Mas nanaisin pa niyang huwag na siyang pansinin ni Mubai kaysa mahalin nito ang ibang babae!
Hindi ba't wala siyang minamahal at pakialam sa kahit na sino?
Hindi kaya ay may itinatago itong nararamdaman kay Xinghe?
Ang isiping ito ang nagdulot ng sobrang desperasyon. Pakiramdam niya ay gumuguho ang mundo niya.
"Hindi…" ipinilig niya ang ulo habang nahihilo. Hindi pa din sigurado kung ang kinukumbinsi niya ay ang saili o si Mubai. "Mubai, sabihin mo sa akin na hindi ito totoo. Hindi ito pwedeng mangyari. Imposible na pinagmamalasakitan mo pa din siya dahil kung oo, wala dapat naging diborsyo na nangyari. Tama ba ako? Kaya, nagsisinungaling ka siguro sa amin!"
Bigla, makikita sa mukha ni Mubai ang samut-saring emosyon na kanyang nararamdaman.
Kahit na noong kasal pa sila, kahit na hindi niya mahal si Xinghe, hindi nangangahulugan na hindi niya ito nirerespeto at pinagmamalasakitan ito.
Asawa pa din naman niya ito, at nararapat lamang na makuha niya ang respeto na dala ng titulong ito. Syempre, respeto iyon pero hindi pagmamahal.
Pero ngayon… Tinanong niya ang sarili ng matapat at inaamin na niya na may posibilidad na hindi niya masabi na ganoon pa din tulad ng dati…
Gayunpaman, wala ng pakialam pa si Mubai na ipaliwanag ang mga saloobin niya sa kanila.
Sa halip, sinabi niya, "Sa kahit na anong kaso, iyon lamang ang lahat ng gusto kong sabihin. Kahit na ano pa ang isipin ninyo sa kasunduang ito, kailangan kong itama ang lahat kay Xinghe. Opisyal kong iaanunsiyo sa publiko na ang paghihiwalay ay napagkasunduan ng dalawang pamilya. At saka, mula ngayon, kung pwede ay tratuhin ninyo ng may respeto si Xinghe dahil nararapat lamang iyon na kahit na tapos na ang diborsyo, siya pa din ang ina ng aking anak!"
"Hindi…" Nalugmok si Tianxin sa mga braso ni Mubai at nagsimula ng umiyak. "Mubai, hindi ako makakapayag na matapos ang kasunduan natin ng ganito. Inaamin ko na ang pagkakamali ko, at nangangako akong natutunan ko na ang leksyon ko kaya pakiusap huwag mong tapusin ang ating kasunduan! Alam kong dahil ito sa galit mo, handa akong tanggapin ang lahat at kahit anong parusa pero pakiusap bawiin mo ang sinabi mo. Huwag mong gawin ito sa akin pakiusap…"
Maingat na inialis siya ni Mubai pero mariin nitong sinabi, "Hindi ito dahil sa galit ko, seryoso ako dito."
"…" hindi na nakapagsalita pa si Tianxin. Pakiramdam niya ay nanlamig ang buo niyang katawan.
Sobra ang kasiyahan niya na malaman ang pagmamahal sa kanya nito kagabi…
Pero bigla ay nagbago ang lahat ng isang magdamag…
Bago ngayon, siya pa rin ang kanyang fiance, ang kanilang kasal at masayang magpakailanman ay sigurado na.
Pero ngayon, napakalupit nitong kinansela ang kasal, tinapakan ang mga pangarap at pag-asa niya.
Bakit… bakit ang mga bagay na alam kong totoo ay nagbago ng magdamag!
Syempre, kasalanan itong lahat ni Xia Xinghe!
Mula ng magpakitang muli ang b*tch na ito, lahat ay nagsimulang pumalya.
Ngayon ay ipinatitigil na ni Mubai ang kasal dahil sa kanya. Kaya, lahat ay kasalanan niya!
Hindi ito inaasahan ni Tianxin. Paano niya maiisip na magagawang sirain ni Xinghe ang lahat ng mayroon siya sa maikling panahon at oras!
Pinandilatan niya ng masama si Xinghe na nananatiling mapayapa. Kinailangang pigilin ng matindi ni Tianxin ang sarili para hindi sugurin at sakalin si Xinghe.
"Xia Xinghe, ang pusta ko ay masyado kang masaya dahil sa kinalabasang ito, tama? Masayang-masaya ka siguro na masira ang relasyon ko kay Mubai! Sinadya mong sabihin ang mga salitang iyon kahapon para makuha ang epektong ito, paano ka naging ganito kasama? Wala ka bang puso?"
Oo, sinadya itong gawin ng b*tch na ito.
Mas madaming beses na isipin ito ni Tianxin, mas lalo na siyang nakumbinsi sa kanyang hatol.
Nababalisang nagmakaawa siya kay Mubai, "Mubai, ang lahat ng ito ay masamang balak ni Xia Xinghe. Ang lahat ng nangyari kagabi ay parte ng plano niya! Gusto niyang sirain ang relasyon natin para may pagkakataon siyang makipagbalikan sa iyo! Nakakasuklam naman! Hindi ka dapat na magpaloko rito!"