Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 170 - Tungkol sa Ating Kasunduan ng Pagpapakasal

Chapter 170 - Tungkol sa Ating Kasunduan ng Pagpapakasal

Gayunman, inisip ni Tianxin na paraan lamang ito ni Xinghe na nagkukunwari, pinipilit ang sarili na kumalma.

Kahit na, ano pa ba ang magagawa ng b*tch na ito?

Mamamatay na siguro siya sa loob-loob niya!

Ang isipin na may pagpipigil sa sarili si Xinghe ay kumiliti sa kanyang puso. Halos gusto na niyang humalakhak ng malakas.

Syempre, hindi siya makakatawa pero ang ngiti sa kanyang mukha ay mas tumingkad.

"Oo nga pala, Mubai, bakit mo inimbitahan si Miss Xia ngayon?" Si Tianxin, dahil sa kanyang mapagbigay na kondisyon, ay nagpasyang ibahagi ang pansin kay Xinghe, na tinawag pa itong Miss Xia.

Ang tanong na ito ang nagpapagulo sa isip ng mga taong nasa loob ng silid.

Sa oras na iyon, natapos ng ihain ng mga tagapagsilbi ang pagkain.

"Bon appetit, kung mayroon pa po kayong kailangan, patunugin na lamang po ninyo ang service bell," ang sabi ng pinuno ng mga tagapagsilbi ng may ngiti. Pagkatapos, inalalayan na niyang lumabas ang mga kasama, at isinara ang pintuan.

Hindi sinagot ni Mubai ang tanong ni Tianxin, sa halip ay kinuha niya ang bote ng alak at nagsalin sa baso para sa bawat magulang ni Tianxin.

Ang aksyon na ito ang pumukaw sa interes ng mga nasa silid.

Ngunit hindi nila ito tinanong dahil ang pagkilos na ito, ay isang simbolo ng respeto ni Mubai.

"Kanina lamang ay nagsilbi si Tianxin ng tsaa, pero ngayon si Mubai naman ang nagsisilbi ng alak, ha?" Biro ni Ginoong Chu.

Rumesponde ng bahagyang pagngiti si Ginoong Xi, "Patas lamang ito."

Si Mubai ay ang kanilang junior at ang fiance ng kanilang anak, ang pagsisilbi ng alak ay tama lamang.

Ngunit nabalot ng hinala ang puso ni Ginoong Xi. Hindi man maintindihan ng iba si Mubai pero mas nauunawaan niya ang kanyang anak.

Ang pormal na imbitasyon sa mga Chu para mananghali, ang imbitahan si Xinghe ng hindi sinasabi sa lahat, at ngayon naman ay pagsisilbi ng alak sa mga Chu… may kahina-hinalang mangyayari.

Pero kung ano, hindi matukoy ni Ginoong Chu.

Matapos magsalin ng alak, tumayo si Mubai tangan ang sariling baso at tumayo sa tabi ni Xinghe. Pagkatapos ay tumalikod siya para harapin ang iba pang tao sa loob ng silid.

Habang tinitingnan ang mga naguguluhang mukha ng mga ito, seryosong inanunsiyo ni Mubai ng, "Nagtatanong kayo kung bakit ko inimbitahan si Xinghe ngayon. Narito ang dahilan. Ito ay dahil kailangan kong ayusin ang ilang bagay at ang isyu sa tanong ay may kinalaman sa kanya at sa inyo, kaya nga tinipon ko kayong lahat dito ngayon."

"Ano itong bagay na gusto mong ayusin, Mubai?" Tanong ni Ginang Xi ngunit sa sandaling lumabas ang tanong na ito sa kanyang bibig, isang sagot ang kanyang naisip at bigla siyang namutla.

Nakaramdam din si Tianxin ng masamang pangitain at nagsimulang nerbyusin sa kanyang kinauupuan. "Mubai, ano nga ba itong bagay na ito? May kinalaman ba si Lin Lin dito?"

"Naniniwala akong alam na ninyo ang tungkol sa bagay na ito." Tinapunan ni Mubai ng isang sulyap na walang kainte-interes ito; agad na nalungkot ang mukha ni Tianxin.

"Mubai, ano ba ang pinaplano mong gawin?" Babala ng ina niya sa nanginginig na boses, "Ito ay isang pormal na pagtitipon kaya huwag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo."

"Huwag kang mag-alala dahil pinag-isipan ko ito ng mahaba at ng matagal," mahinahong sagot ni Mubai, hindi man lamang nanginginig ang boses nito.

Ang ere sa silid ay biglang sumama.

Nagkatinginan ng may pag-aalala sina Ginoo at Ginang Xi.

May pakiramdam sila na ang rason kung bakit tinipon sila ni Mubai sa araw na iyon ay hindi magiging maganda ang kinalabasan…

Pinandilatan siya ng ama niya ng matindi. "Mubai, ano ba ang balak mong gawin?"

"Tinatapos ko na ang kasunduan namin ng pagpapakasal ni Chu Tianxin!" Biglang anunsiyo ni Mubai, hindi sila binibigyan ng oras na makapaghanda.

Tinitigan siya ng mga magulang niya ng nanlalaki ang mga mata. Makikita ang hindi kapani-paniwalang ekspresyon sa mga mukha ng mga ito.

Ang nag-iisang pangungusap na iyon ni Mubai ay tila isang bomba na yumanig sa mundo!