"Mas nakakatanda? Hindi pa ako nakakakita ng nakakatanda na kumilos ng tulad ng ginawa mo dati, o baka nakakalimutan mo na kung ano ang ginawa mo?" Tumawa si Xinghe at sinimulan nang ilahad ang lahat, "Gumawa ka ng oportunidad para kay Mubai at Tianxin noong birthday party mo ilang taon na ang nakakaraan, para masemento na nila ang kanilang relasyon sa likuran ko. At pagkatapos noon ay pumunta ka sa akin na may ultimatum kinabukasan, na nagtulak sa akin na humingi ng diborsyo, o baka nakalimutan mo na din ang lahat ng bagay na nangyari?!"
Namuti ang mukha ni Ginang Xi. Dinuro niya si Xinghe ng nanginginig ang daliri niya sa galit. "Paninira, sinisiraan mo ako! Wala akong ginawang ganoon. Dapat ay sina Mubai at Tianxin ang magkapares, ikaw ang sumira sa lahat! Tama lamang na lumayas ka sa Xi Family!"
"Napahanga mo ako na naaalala mo pa din ang mga sinabi mo maraming taon na ang nakakaraan. Oo, sinabi mo din nga iyan sa akin, na sina Mubai at Tianxin ay nagmamahalan kaya natural lamang sa kanila na magsiping sa iisang kama matapos ang pag-iinuman nila noong gabi. Lahat ng ito ay kinumpirma ni Tianxin. Katotohanan ang lahat ng ito, tama?!"
"Ikaw, ikaw…" nauutal na si Ginang Xi sa sobrang galit sa kanyang puso.
Hindi niya inaasahan na walang awa si Xinghe, na wala itong pakialam sa magiging kalalabasan.
Hindi niya inaasahan na magiging malakas at matalino si Xinghe.
Hindi ganito si Xinghe anim na buwan na ang nakalipas. Dati ay tahimik lamang ito at ayaw ng nakikisalamuha sa mga tao, na kabaliktaran ng isang malupit at may tiwala sa sarili na nasa kanyang harapan.
Kaya naman, naniniwala siyang hindi magsasalita si Xinghe, tulad ng ginagawa nito dati, pero halata namang nagkamali si Ginang Xi!
Dumaloy ang galit sa kanya.
Pero may isa pang taong mas galit kaysa sa kanya… ito ay si Mubai.
Matapos na ilantad ni Mubai ang katotohanan, isang nakakatakot at malakas ng awra ang nararamdaman mula dito.
Nakakatakot din sa sobrang dilim ang mukha nito.
Hindi makapagsalita sa takot si Tianxin.
Nang mapansin na ni Ginang Xi ang pagbabago sa kanyang anak, nagmamakaawa itong nagsalita, "Mubai…"
"Lahat ba ng sinabi mo ay totoo?" Bigla ay humarap si Mubai kay Xinghe at nagtanong.
Walang hesitasyon na sumagot si Xinghe, "Syempre."
"Ito ang dahilan bakit pinili mong magdemanda ng diborsyo?"
Syempre hindi, pero ito ang huling bagay na naging mitsa ng lahat.
Gayunman, inamin ito ni Xinghe ng walang kaabug-abog, "oo!"
"Bakit hindi mo ako kinumpronta?" Tanong ni Mubai ng may sobrang pagtityaga, ang boses niya ay bumaba ng ilang oktaba.
Tumingin sa kanya si Xinghe ng walang ekspresyon sa mga mata. "Ano pa ba ang dapat pag-usapan tungkol doon? Totoo naman na hindi mo ako gusto at ganoon din naman sa pagsasama natin. Ano naman ang mangyayari kapag kinumpronta kita tungkol sa pagtataksil mo? May magbabago ba?!"
"…" Hindi makakibo si Mubai.
Oo, tama si Xinghe. Walang magbabago kung kinumpronta man siya nito. Maaaring maantala ang diborsyo pero kaya ba nito na mahalin niya ito at magbigay buhay na muli sa pagsasama nila?
Isa pa, talagang desidido ang kanyang ina na palayasin ito. Kaya mapipigilan ba nila ito?
Kaya naman, tama, ano ang punto sa pagkumpronta sa kanya…
"Pero kahit na, sana ay pinuntahan mo ako! Doon man lamang ay masabi ko sa iyo na hindi kita pinagtaksilan!" Galit na napasigaw si Mubai pero ang galit ay nakadirekta sa kanyang sarili.
"Hindi mo ako pinagtaksilan?" Walang interes na ngumiti si Xinghe, "May ipagkakaiba ba iyon ngayon? Tapos na ang lahat."
Ang kanilang diborsyo at ang pasakit na naranasan nito matapos ang lahat ay nakalipas na.
Wala ng mababago dahil hindi na maibabalik pa ang oras… masyado ng huli ang lahat.
Sa pagkakataong iyon, pakiramdam ni Mubai ay madudurog siya ng kanyang konsensiya.
Ang mga paghihirap at pasakit na naranasan ni Xinghe…
Lahat ng ito ay kagagawan niya.
Hindi niya pinigilan ito pero siya ang nagbigay ng dahilan na mangyari ito.