"Ang sinumang kumain ng sili ay alam ang kaanghangan nito."
Nagalit si Tianxin sa pambubuyo ni Xinghe, "Xia Xinghe, wala ka ng kinalaman pa kay Mubai. Malapit na kaming ikasal ni Mubai kaya tigilan mo na ang pananabotahe sa relasyon namin!"
Sarkastikong tumawa si Xinghe, "Hindi pa nga ako nagsisimulang manabotahe, at nagrereklamo ka na. Hindi magandang pakiramdam ang ikaw naman ang nasa lagay na ito, hindi ba?"
"Xia Xinghe, alam kong pinagseselosan mo na ako hanggang sa puntong kinasusuklaman mo ako pero wala akong ginagawang masama sa iyo. Ang totoo, tinatrato ko si Lin Lin bilang tunay kong anak. Kaya kayo nagdiborsyo ni Mubai ay dahil sa inkompatibilidad mo sa kanya. Kahit na ano pa ang nangyari noon, yamang ang diborsyo ay isa ng realidad, pwede bang palampasin mo na lang ang lahat at bigyan ang mga taong sangkot na makausad na, at magpakita ng kabutihang loob sa lahat at sa iyong sarili?" Pakiusap ni Tianxin ng may pait, na ipinapakita si Xinghe sa hindi magandang posisyon.
Isa pa, sinadya niyang ilaglag ang pangalan ni Lin Lin sa kanyang kaso para ipaalam kay Xinghe na ang anak nito ay mapupunta na sa pangangalaga niya sa hinaharap!
Kung ayaw ni Xinghe na may mangyari sa bastardong anak nito, dapat ay maging matalino siya tungkol dito!
Ang kahit na sinong babae ay matatakot sa pandaraya niyang ito. Kahit na ang diborsyo ay tapos na, para sa kapakanan ng kinabukasan ni Lin Lin, magiging wais si Xinghe na magpakumbaba kay Tianxin…
Ngunit…
Planado na ni Xinghe na pigilan ang pagpapakasal ni Tianxin kay Mubai sa simula pa lamang!
Kailangan niyang alisin ang kung anumang elemento na maaaring maging panganib kay Lin Lin!
Dati, wala siyang pakialam kung sino man ang pakakasalan ni Mubai, pero ngayon ay nakita na niya ito bilang kanyang personal na tungkulin.
Hindi maaaring maikasal si Tianxin kay Mubai. Ang totoo, sisiguraduhin ni Tianxin na mananatiling binata si Mubai hanggang nabubuhay pa siya.
Dahil hindi naman niya makukuha si Lin Lin mula sa Xi Family, sisiguraduhin na lamang niya na walang panganib na darating dito, kasama na ang mga walang pusong madrasta sa mga ito.
Lumitaw ang kalupitan sa mga mata ni Xinghe habang iniisip niya ang mga ito.
May tulis na tumitig si Xinghe kay Tianxin at sinabi, "Gusto mong magpakita ako ng kabutihan… patungkol sa iyo? Tanungin mo nga ang sarili mo, ginawa mo ba iyon para sa akin?"
"Mubai, tingnan mo! Intensiyon niyang isabotahe tayo mula sa simula pa lamang!" Apila ni Tianxin kay Mubai.
Hindi nagsasayang ang babae ng oportunidad para magmukhang malinis.
Ginamit na niya ang parehong panlalansi taon na ang nakakalipas. Palagi niyang pinalalabas na siya ang inaapi, hanggang sa nakagawa na siya ng impresyon na may galit sa kanya si Xinghe. Masama si Xinghe at walang ibang gustong gawin kung hindi apihin siya.
Isama na ang tahimik at mapag-isang ugali ni Xinghe, ang lahat ay napaniwala na masamang babae talaga si Xinghe.
At dahil hindi naman gusto ni Ginang Xi si Xinghe mula ng maikasal ito sa Xi Family, sa tulong ni Tianxin, ang pagkasuklam nito kay Xinghe ay nadadagdagan habang tumatagal.
Hanggang sa pumayag na siya sa plano ni Tianxin, na tulungan siyang mapalayas si Xinghe paalis sa bahay nila.
Sa bandang huli, natupad nila ang kanilang kagustuhan…
Ang diborsyo niya ay wala halos rason kay Mubai ngunit mas may koneksyon sa Xi Family. Hindi lamang talaga niya makasundo ang mga ito.
Ngunit, napakahusay ng ginawang plano ni Tianxin maraming taon na ang nakakaraan dahil sa wakas ay bumalik na ito para singilin siya.
"Ako ang sumasabotahe sa relasyon ninyo?" Sinabi ni Xinghe ng pauyam. "Nagsasaya na nga kayong lahat bago pa natapos ang diborsyo, kaya paano ko masasabotahe ang isang relasyong kasing tatag niyon?"
Agad na namutla ang mukha ni Tianxin!
Sa wakas ay sinabi na ito ni Xinghe. Panay ang pagbibigay ni Tianxin ng mga pahiwatig at natatagong pagbabanta para patigilin ang bwisit sa paglalantad ng sikreto pero sinabi pa rin nito!
Hindi na mapakali si Tianxin sa sobrang kaba.
"Nagsasaya?" Ang malamig na boses ni Mubai ay biglang tumaas sa kanilang tabi. Masungit na tinitigan nito si Xinghe. "Sabihin mo ng malinaw, ano ang ibig mong sabihin ng nagsasaya?"
"Xinghe, sumosobra ka na, paano mo nagagawang siraan kami ng ganito?!" Malungkot na iyak ni Tianxin.