Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 155 - Mas Malapit sa Anak Ko

Chapter 155 - Mas Malapit sa Anak Ko

"Ganoon ba? Binanggit din ba nila kung kailan malilipat?" Deretsong tanong ni Xinghe, na para bang nagtatanong lamang siya ng lagay ng panahon.

"Ate, bakit hindi ka yata masaya kahit kaunti tungkol dito?" Tanong ni Xia Zhi, "Hindi ka ba masaya na mababawi mo na ang pera?"

"Dahil lahat ng ito ay parte ng plano, kaya walang dapat na ipagdiwang."

"Pero, sa dami ng pera na ito, hindi mo na mararanasan pa ang problemang pinansiyal sa buong buhay mo."

"Alas, ang halaga ng pera na ito ay wala kung ikukumpara sa Xi Family," buntung-hininga ni Xinghe na puno ng emosyon.

Napakamot-ulo si Xia Zhi, "Bakit biglang nagkaroon ng pagkukumpara? Hindi naman dapat nating ikumpara ang sarili natin sa kanila."

Paano tayo makikipagkumpetensiya kung wala naman tayong ipangtatapat?

Kung hindi mas malakas sa kanila ang kalaban tulad ni Chui Ming, makakaisip pa ng paraan si Xinghe para maharap ang mga ito.

Kaya naman malakas ang loob niya na kalabanin ang Chui Corps kahit na walang-wala siya.

Ngunit, kahit na may halaga na siya ngayon, hindi niya matatapatan ang Xi Empire.

Si Xi Mubai ay hindi si Chui Ming, mas mahirap itong kalabanin.

Isa pa, ang kayamanan ng Xi Empire ay masyadong malaki.

Paano makikipagkumpetensiya ang kanyang isang bilyong ari-arian sa mga ilang daang bilyon ng Xi Empire?

Kaya nilang tirisin siya ng gamit ang isang daliri.

Kaya naman, hindi niya magagawang talunin ang mga ito sa parehong paraan na natalo niya si Chui Ming.

"Hindi mo pa rin ako sinasagot, kailan nila gagawin ang paglilipat?" Ulit ni Xinghe.

"Oh, ang sabi ng pulis ay pwede mo ng ilipat ang lahat kahit anong oras mo gusto dahil ang pera ay dapat naman na sa iyo talaga."

Tumalikod na si Xinghe para umalis. Pahabol na tinawag pa siya ni Xia Zhi, "Ate, saan ka pupunta? Hindi ba kakabalik mo lang?"

"Para maglabas ng pera."

"Isama mo ako!" Nagmamadaling humabol sa kanya si Xia Zhi. Wala ng mas maganda pang pakiramdam maliban sa paglalabas ng pera.

Ang unang ginawa ni Xinghe matapos niyang maglabas ng pera ay para bumili ng bahay.

Sa kalaunan ay nakabili din siya ng mansyon na may malaking hardin sa Purple Jade Villa, hindi kalayuan sa tahanan ng Xi Family.

Nagpasya si Xinghe na bitawan muna ang tungkol sa mga negosyo. Iiwanan niya ang kumpanya sa pangangalaga nina Xiao Mo at Xia Zhi.

Itutuon muna niya ang kanyang pansin sa pagsusulat ng mga software at pag-iisip ng mga paraan kung paano makukuha ang kustodiya ni Lin Lin.

Ang pagbili ng mansyon at pagsasaayos ng mga gamit nito ay natapos sa loob lamang ng isang araw.

Nalilito si Xia Zhi. "Ate, bakit binili mo ang lugar na ito? Masyado itong malapit sa bahay ng Xi Family."

Ang Purple Jade Villa ay ang pinakamalaking lugar kung saan nakatira ang mga mayayaman at politiko ng City T. Malapit ito sa national garden at malawak ang lugar na ito.

Ang pinakamalaking mansyon dito ay pagmamay-ari ng Xi Family. Sinasabi na ang kanilang hardin ay kasing laki ng football field.

Ang total na area ay mas malaki pa sa ilang football field na pinagsama-sama…

"Ang lugar na ito ay pinakamalapit sa aking anak," Paliwanag ni Xinghe.

Naliwanagan si Xia Zhi. "Plano mong dalawin ng madalas si Lin Lin?"

"Oo."

Dahil hindi naman niya madadala si Lin Lin, dadalhin na lamang niya ang sarili kay Lin Lin.

Sumumpa siyang ituturo dito kung paano ang magsarili at ang maging determinado bago siya mamatay!

Hangga't hindi siya maglalayas palayo ng bahay, mananatili siyang ligtas.

Hindi na nag-aksaya pa ng maraming oras si Xinghe sa paglipat sa bago niyang tirahan. Iniwanan niya ang villa ng Xia Family kina Xiao Mo at Xiao Lin.

Natural lamang na sumama si Chengwu at Xia Zhi kay Xinghe.

Ang orihinal na plano ni Xinghe ay bumili ng isa pang villa para sa mga ito pero tumanggi sila, at sinabing mas gusto nilang kasama siya. Hindi na tumanggi pa si Xinghe dahil mamanahin naman nila ang bahay sa oras na pumanaw siya.

Bukod pa roon, binigyan niya ang tiyuhin at si Xia Zhi ng dalawang daang milyon na halaga ng ari-arian at kay Xia Zhi ng 20 porsiyento ng shares ng kumpanya. Sa ganitong paraan, hindi na sila mag-aalala pa tungkol sa kabuhayan nila kahit na mawala siya.

Naayos na ni Xinghe ang lahat para sa mga nasa paligid niya; ang tanging naiwan ay ang kanyang anak.