Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 17 - ITO AY…SI XI MUBAI

Chapter 17 - ITO AY…SI XI MUBAI

"Xia Zhi," tawag ni Junting.

Agad na tumingin si Xia Zhi sa pinagmulan ng boses.

"Senior…" Nakangiting sabi niya pero natigilan siya ng makilala kung sino ang kasama ni Junting.

Ang lalaking may dominanteng presensya na mahirap na hindi pansinin. Kahit na hindi niya ito nakaharap ng ilang taon, agad niya itong nakilala.

Ito ay… si Xi Mubai.

Agad na nakasunod sa likuran nito ang assistant nito, si Chang An, na kanyang nakaharap ilang araw lamang ang lumipas.

Pinasadahan ng tingin ni Mubai ang payat na binatilyo. Pakiramdam niya ay pamilyar ang taong ito.

Minsan lamang nagtagpo ang kanilang landas, at ito ay noong kasal nila ni Xinghe.

Natural na hindi na siya agad mamukhaan ni Mubai dahil nagkaedad naman na si Xia Zhi makalipas ang ilang taon. Si Chang An naman ay agad siyang nakilala sa isang sulyap lamang.

Nilapitan ni Junting si Xia Zhi, tumatawa habang sinasabi, "Tamang-tama lang palagi ang dating mo ha."

Hindi pinansin ni Xia Zhi si Mubai at nagpokus kay Junting. "Senior, salamat sa tulong mo. Wala na akong makitang ibang mas mainam pa kaya kailangan ko manghiram mula sa private library mo."

Sumagot si Junting, "Pahihiramin sana kita agad-agad kaso hindi mo pa naman kakailanganin ang mga reading materials na iyon."

Totoo namang masyado pang advanced ang mga aklat na iyon para sa level ni Xia Zhi.

Alam ni Xia Zhi na kailangan na niyang magsabi ng totoo kaya sinabi niya, "Hindi naman para sa akin ito kung hindi sa kaibigan ko. Magaling siya kaya wala siyang ibang tinitingnan kung hindi yung pinakamainam at pinakamahusay."

Nagulat na nagtanong si Junting, "Sino ba itong kaibigan mo na ito? Siya ba yung gumawa ng mini-game?"

"Oo, siya na nga…"

"Sino ba ang tanong ito? Dapat ipakilala mo na siya sa akin sa susunod," sabi ni Junting. Interesado siyang makilala ang misteryosong kaibigan na ito.

Tumango si Xia Zhi at nagsalita, "Medyo may tinatapos siyang mga bagay-bagay sa buhay ngayon. Makakaaasa kang ipapakilala ko siya sa iyo sa tamang pagkakataon."

"Sige, aasahan ko iyang pangako mo. Heto ang mga libro na hinihiram mo. Ibalik mo na lang sa akin kapag tapos na siyang basahin ang mga ito," bilin ni Junting habang iniaabot ang bag na naglalaman ng mga libro kay Xia Zhi.

"Thank you, senior. Aalis na po ako…" agad na tinanggap ni Xia Zhi ang bag at mabilis na umalis.

"Xia Zhi, sandali lang…" tawag sa kanya ni Junting pero nakaalis na ito. Gusto sanang ipakilala ni Junting si Xia Zhi kay Mubai.

Medyo nagagalit na napapalatak si Junting, "Ang mga kabataan ngayon ay palagi na lamang nagmamadali. Hindi ba niya nakilala ang tanyag na si CEO Xi?"

Malumanay na nagtanong si Mubai, "Sino ba ang lalaking iyon?"

"Siya yung junior ko sa school, mabait na tao at mayroong talento. Gusto ko sana siyang mabilang sa kumpanya natin dahil nakikita ko na magiging mahalagang asset siya sa kumpanya pagkatapos ng ilang training."

"Parang pamilyar sa akin ang taong iyon."

Bumulong sa kanya si Chang An, "CEO Xi, si Xia Zhi ho iyon."

"Xia Zhi?" pinag-isipan ni Mubai kung saan niya narinig ang pamilyar na pangalan na iyon.

"Siya ang pinsan ni Miss Xia."

Biglang nagliwanag ang lahat. Isa nga itong coincidence.

Naulinigan ni Junting ang usapan nila kaya siya ay nagtanong, "Sino si Miss Xia? At paano ninyo nakilala si Xia Zhi?"

"Masasabi mo na kami ay malayong kamag-anak pero hindi ko akalain na magkakilala din pala kayong dalawa."

Alam ni Junting kung kailan siya titigil sa pag-uusisa, "Maliit nga ang mundo. Ang mga aklat na iyon ay pinili mo din."

"Ang ginawa ko lang naman ay kumuha ng ilang titulo mula sa iyong aklatan," kibit-balikat na sambit ni Mubai ngunit siya ay nag-iisip kung para kanino ang mga aklat na iyon.

Ang mga librong iyon ay kasama sa mga mahihirap intindihing aklat sa koleksiyon ni Junting.

Masasabing medyo naiirita siya noong pumipili siya ng aklat. Ang totoo ay hinanap niya si Junting para sa isang usapan pero ang sabi ng huli ay kailangan niya ng oras para tapusin ang isang proyekto kaya hiniling nito na siya ang pumili ng mga libro habang abala si Junting na tapusin ang trabaho nito. "Dahil madami naman ng aklat na nabasa si CEO Xi, alam kong mapapakinabangan ng aking junior ang mga aklat na iyong pinili," pagtatapos nito.